FF 16

154 4 0
                                    

Christine’s POV:

            “Pila na daw tayo!”  sigaw ng president ng klase namin.

            Graduation practice namin ngayon.  Pumila na kami nang naayon sa apelyido namin.  As always.  Tsk.

            Absent ang nasa likod ko kaya si Ciara ang nasa likod ko.

            “Thine..”  tawag sa akin ni Ciara.

            “Oh, bakit?”

            “Tignan mo yung nasa kaliwa mo.”  sabi niya kaya tumingin naman ako.

            “Ow.”  yun nalang ang nasabi ko.  Sira ulo talaga ‘tong si Ciara.  Di agad sinabi na si Max pala ang katabi ko.

            Tinignan ko si Ciara at saka ko siya inirapan.

            “HAHAHAHAHAHA!  Nice view.”  aba’t nang-asar pa talaga!

            “Sira ulo!”  umayos ulit ako ng tayo.  Medyo awkward kasi katabi ko siya.

            “Everybody, get ready.  We will start the practice.”  sigaw ng isang teacher.

            Unti-unti na kaming pumapasok sa gym habang tumutugtog ang graduation march.  Nang makarating na kami sa mga pwesto namin sa loob ng gym, napatingin ako kay Max.  Parang may hinahanap siya.  Nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. 

            Tapos…

            Tapos…

            Tapos na!

            De joke lang. HAHAHA!

            Ngumiti siya sa akin.  Tama ba yung nakikita ko?  Ngumiti talaga siya sa akin?  Oh my good gracious!  Magpapa-party ako!

            Pagkatapos nun ay tumalikod na ulit siya sa akin.  Feeling ko may gusto na rin ‘to sakin eh, ayaw lang umamin.  Haha joke lang.  Sabihin niyo pa assuming ako.  Tse!

            “Anne!”  tinawag ko si Anne.  Medyo malapit lang naman siya sa kinaroroonan ko.

            “Oh, bakit?”

            “Di ba nakapasa ka din sa JLU?  Sabay na tayong pumunta mamaya.”  sabi ko sa kaniya.  May orientation kasi ang mga nakapasa sa entrance exam.

            “Ha? Ah oo.  Pero  final practice na natin ng graduation mamayang hapon eh.  Baka hindi nalang ako pumunta.”

            “Ha?!  Sayang yung pagiging pasado mo dun.  Sumama ka na.”

            “Eh wala akong pamasahe.  Di na ako humingi kasi wala talaga akong balak pumunta.”

            “Nye.  Sumama ka na!  Libre nalang kita ng pamasahe.”

            “Sige na nga.  Anong oras ba yun?”

            “2 pm.”

            “Oh okay, sige.”

            Umayos na ulit ako sa pwesto ko.  Okay lang naman siguro na hindi kami um-attend ng final practice ng graduation mamaya.  Magpapaalam nalang kami sa adviser namin.  Bahala na sa graduation bukas.  Siguro naman keri boom boom na namin yun.  Go with the flow nalang ang peg namin bukas.

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon