FF 15

217 3 0
                                    

Christine's POV:


Wooh! What's with Max?

Tatlong linggo na ang nakakalipas pero hindi parin ako makamove on sa inasal niya nung mangharana kami sa room nila. Grabe lang. Hindi na nga ako makatulog nang maayos tuwing gabi. Yung eyebags ko pwede nang upuan dahil sa laki. Gusto niyo ma-try? Aish!




"Hooooooooy! Kanina ka pa nakatulala diyan ha. Ano bang iniisip mo?" si Ciara pala.


"Ah-ano wala. Trip ko lang. Masama?" then I rolled my eyes. Haha lakas!


"Haay nako! Ayy oo nga pala, I just want to ask you kung saang university nga pala ang papasukan mo?"


"Oo nga pala noh! Nako wala pa nga akong nakukuhanan ng entrance exam kahit isa eh."


"Ngek! Why don't you try sa JLU? Actually, nakapag-exam na nga ako dun eh, but unfortunately I didn't pass the exam."


"JLU? Ano yun? Baka hindi rin ako pumasa diyan! I'm thinking nga I'll take entrance exam sa TUP. Choice ko rin kasi ang Engineering."


"JLU is Je Luu University. Hindi mo talaga alam?" umiling lang ako. "Ano ba yan! State U ang JLU kaya mas mababa ang tuition dito. Mas maganda diyan kasi quality education ang offer nila. Maraming matatalino diyan at successful ang mga graduates from JLU. Kaya kung ako sayo, itry mo na. At saka paano mo naman nalaman na baka hindi ka rin pumasa sa JLU kung hindi mo naman susubukan di ba? At saka take ka lang nang take ng exam para kapag hindi ka pumasa sa isa, at least marami ka pang choices."


"Itatanong ko muna kila mama." gusto ko kasi talaga sa TUP eh, pero hindi ko na sinabi.


"Maraming branches ang JLU. Mamili ka na lang kung saan mo gusto. Sa main branch ako nag-exam eh. Mas mataas ata standard nila dun kesa sa ibang branch kaya hindi ako nakapasa. Hahaha. Anyways, pag-isipan mo ha. Ay hindi pala! You should really try. Oh sige, bababa na ako. Bye! Ingat ka."


"Bye." sabi ko sa kaniya hanggang sa makababa na siya ng jeep.




Nang makauwi na ako ng bahay, naabutan ko si mama na naglalaba. Nilapitan ko siya at nagmano ako.




"Ma, gusto ko kumuha ng entrance exam sa TUP."


"Sa TUP? Puro mga Engineering courses ang nandun di ba? Ah sige. Humingi ka na lang kay papa mo ng pang-exam mo."


"At saka nga pala sa JLU, gusto ko din po mag-exam. Maganda din daw kasi doon sabi Ciara."


"Ayy oo maganda nga doon! Sige mag-exam ka lang nang mag-exam para may mapagpilian ka."


"Sige po akyat na ako sa kwarto ko."


"Oh siya sige."




Nang makaakyat ako sa kwarto ko, biglang tumunog ang cellphone ko.

Nagtext pala si Ciara.


[Kung kukuha ka nga pala ng exam sa JLU, wag ka nang kumuha dun sa main branch nila. Malayo kasi yun. Sa JLU-Muntinlupa na lang para mas malapit sa Taguig.]

[Ok. Thanks.]


*****


Nagpasama ako kay mama para mag-inquire sa JLU. Actually, kasama din namin si Anne.

Lumapit si mama sa matandang babae na nagtitinda sa gilid ng kalsada.




"Saan ho yung JLU?" tanong ni mama sa matanda.


"Ah sumakay kayo ng tricycle diyan.." sabay turo dun sa terminal ng tricycle. "..sabihin niyo lang sa driver na sa JLU kayo ibaba."


"Salamat po." sabi ni mama sa matanda sabay lingon sa amin. "Tara na."




Sumakay kami ng tricycle, at nagulat ako dahil isang minuto lang ay nakarating na kami. Pwede pala itong lakarin.

Bumaba na kami ng tricycle at dun ko nakita ang isang malaking eskwelahan na may nakapaskil na Je Luu University sa labas.

Nilapitan namin guard ng eskwelehan.


"Ahm excuse me po. Mag-iinquire lang po sana kami para sa entrance exam." sabi ko dun sa kalbong guard. Hahaha.


"Ayy online ang application for entrance exam dito sa JLU." kumuha siya ng kapirasong papel at nagsulat doon tapos inabot sa akin. "Eto. Yan ang website na pupuntahan mo pag nag-apply ka for entrance exam. May sasagutan kang form diyan tapos kapag tapos mo nang sagutan ito, iprint mo na yung voucher na mag-aappear. Yung voucher na iyon, gagamitin mo para magbayad ng entrance exam fee sa bangko. Pag nakapagbayad ka na, after 3 days ay babalik ka dito sa school para makuha mo na yung schedule ng exam mo."


"Ganun po ba? Sige po salamat. At saka may malapit po bang computer shop dito?"


"Lakarin niyo lang yan. Marami na kayong makikitang computer shop."


"Sige po salamat."




Nag-apply na kami online tapos nagbayad na din kami sa bangko para walang hassle na pabalik-balik pa.


Pagkatapos nito ay sa TUP naman kami pumunta para magpasa ng requirements para sa entrance exam. Ito ang huli naming pinuntahan dahil alam narin naman namin ang requirements dito. Hindi na sumama si Anne kasi ako lang naman ang kukuha ng exam dito.


Pagkatapos namin magpasa ng requirements at makuha ang schedule ng exam ko ay umuwi narin kami agad.


*****


"Bilisan natin Anne! Baka ma-late tayo, hindi pa tayo makapag-exam."


"Saglit lang naman. Oh wala pa naman pala eh. Nasa labas pa lahat ng kukuha ng exam oh. Bagalan na natin ang paglalakad. Pagod na ako eh."


"Oh sige. Ayun! Dun tayo sa may harang na bakal tumayo. Hindi mainit dun."




Naghintay lang din kami sa labas ng JLU katulad ng ibang examinees.

Lumingon-lingon lang ako sa paligid para tignan ang iba. Marami-rami rin pala kaming kukuha ng exam. Maganda nga siguro dito dahil maraming gustong makapasok. Mukhang mahihirapan akong makapasa dito ah.

Lumingon-lingon pa akong muli hanggang sa may mapansin ako.




"Anne, tignan mo yang lalaki na nakaupo malapit sa atin. Yung naka-red shirt. Parang kamukha ni Max." sabi ko kay Anne na siya namang tinignan niya.


"Oo nga noh. Baka kamag-anak niya."


"Hahaha. Ikaw naman kamukha lang kamag-anak agad?"


"Alangan namang jowa."


"Baliw."


"Oh pwede nang pumasok ang mga kukuha ng exam. Pumila kayo nang naaayon sa room assigned sa inyo." announce ng guard sa amin.




Pumasok na kami sa loob, at masasabi kong ang ganda dito. Ang laki ng mga building at ang daming mga puno. Maganda para sa isang State U.

Pinapunta na kami sa mga room namin.


Nang magsimula na ang exam, grabe lang dahil ang hirap ng mga tanong. Partida wala rin aking na-review. Anong isasagot ko dito?



Nang matapos na ang exam, halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Natuyuan ata ako sa exam.




"Oh kamusta ang exam?" tanong sa akin ni Anne nang magkita kami sa labas ng school.


"Ang hirap! Grabe. Parang ayaw ata nilang may makapasa sa exam nila."


"Hahaha. Oo nga eh. Sobrang hirap. Dun na lang ako mag-aaral sa school na katabi ng school natin ngayon. Mas mababa standard nila dun eh. Hahaha."


"Malay mo naman makatsamba tayo, at makapasok dito. Sayang din yun. Tara na nga uwi tayo."




I was about to walk but..


"Ouch!" ang sakit naman sa dibdib! Hahahaha. Sino ba 'tong poste na 'to?


"Ayy sorry." sabi nung poste. Hala! Nagsasalita yung poste? Dahil sa pagtataka ko, nilingon ko ito.



Yung kamukha pala ni Max.



"Ah-ano okay lang. Sorry din." sabi ko sa kaniya at ngumiti. Pero hindi niya ako sinuklian ng ngiti. Ang weird niya. Emo ata. "Tara na Anne." yaya ko kay Anne saka naglakad na.


"Ui fairness ha, ang gwapo niya sa malapitan ha. Kaso parang ang weird niya din just like Max."


"You know Anne, we have the same thoughts."


And then we both laugh.


*****


Oh God! Oh God! Oh God!


I'm late!


8am ang exam ko sa TUP, and it's already 7:50 in the morning. Eto rin naman kasing si manong driver, ang sugapa sa pasahero. Bawat dalawang minuto ata eh humihinto siya para magsakay ng pasahero kahit wala namang nasakay!


Lagot! Baka hindi na ako payagang mag-exam kapag late akong nakarating.


Nang makarating na kami sa TUP, tumakbo agad ako nang mabilis at hinanap ang room ko. Shet! 8:05 na!


Nahanap ko rin ang room ko. Ang lakas ng kaba ko.

Lumapit ako sa pinto para kumatok muna at makuha ang atensyon ng procter.


*tok tok*




"Yes?" tanong ng babae sa harap. Yun na ata ang procter.


"Ahhmm..mag-eexam din po ako Ma'am. Sorry I'm late."


"Buti hindi pa nagsisimula ang exam. Oh sige maupo ka na. Dito ka sa unahan."


"Thank you po."




The whole time na nag-eexam ako, puro tuyong utak at pressure ang naramdaman ko. Bukod sa nahihirapan akong sagutin ang mga tanong, nakakapressure din yung time limit. Ang ikli lang kasi.




"Ipapadala nalang sa mga bahay ninyo ang result ng exam. So, that's it for today. Thank you." sabi ng procter nang matapos na ang exam.


Umuwi ako na para bang pagod na pagod.


*****


"Ma, pasado ako sa JLU!" sigaw ko kay mama nang makita ko sa Internet ang result ng exam. Nasa kwarto kasi ako ni ate at nasa baba si mama. Tuwang-tuwa talaga ako. Nakatsamba ako eh! Hahaha.


"Talaga? Very good. Halika muna dito sa baba. May sulat dito para sayo. Galing sa TUP."




Dali-dali akong bumababa para basahin ang result ng exam.


Binuksan ko ang sulat. Una kong nabasa ang pangalan ko, at nang buksan ko maigi ang sulat, dun bumungad sakin ang result ng exam.




Chua, Christine P.


Result: FAILED




Ang sakit naman.


Naka-upper case na nga, nakabold pa! Ang sakit talaga. Gusto ko pa naman makapasok dun.


Well, I guess isa lang ibig sabihin nito.


Hello JLU!


••••••••••••••••••••

A/N: Fictional lang po ang JLU :)
Sa mga nakakakilala kay Je Luu sa Pesbuk (Artista eh!), yeah, sa kaniya galing yan.

Eto na bakla! Thanks dude! :***


***Pat***

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon