Third Person's POV:
Katatapos lang ng Christmas Break. May pasok na naman ang mga estudyante.
Panibagong taon na naman. May kaniya-kaniyang New Year's Resolution na naman ang mga tao na sigurado namang hindi matutupad.
Pero hindi para kay Christine. Sisiguraduhin niyang matutupad niya ang New Year's Resolution niya. Ano yun?
Hindi niya na muna bubuksan ang Facebook account niya kung hindi naman kinakailangan. Bubuksan niya lamang ito kung may kinalaman sa school. Bakit?
Gusto niya lamang mabawasan ang sakit na pwede niyang maramdaman sa tuwing makikita niya ang mga litrato ni Max na ibang babae ang kasama at hindi siya. Mababaw na dahilan ba?
Pero yun ang gusto niyang mangyari.
At ang mawala na rin nang tuluyan ang nararamdaman niya para kay Max bago man lang sila magkahiwalay ng landas.
*****
Nagkaklase ngayon sila Christine sa T.L.E. May iaannounce din daw ang teacher nila.
"Okay, makinig kayong lahat. Alam niyo naman na January na, at next month na ang T.L.E. Month di ba?"
"Opo." sabay-sabay nilang sagot.
"So class, since fourth year na kayo, kayo naman ang mamamahala ng mga booths this year. Mamili na kayo ng booth na pamamahalaan ng klase niyo. Choose from Photo Booth, Jail Booth, Harana Booth, Marriage Booth, Horror House..kayo na'ng bahala. Mag-usap na kayong magkakaklase. Maiwan ko muna kayo." sabay labas ni sir ng room.
Tumayo naman ang presidente ng klase nila.
"Classmates, ano na ang gusto niyo?" -president
"Jail Booth.."
"Harana Booth na lang.."
"Horror House para may thrill.."
"Harana Booth! Marami namang musician dito.."
"Marriage Booth, para cute.."
"Photo Booth, para mapagtripan natin yung mga mukha ng mga magpapapicture sa atin.."
"Haay nako..Sige ganito na lang.. Pagbotohan na lang natin."-president
At nagbotohan na nga ang kanilang klase. Binoto ni Christine ang Harana Booth. Sa tingin niya kasi cute ito. Next month din kasi ang Valentine's Day so, sakto para sa araw na yun.
Jail Booth-15
Harana Booth-22
Marriage Booth-3
Horror House-3
Photo Booth-10
Yan ang kinalabasan ng botohan nila. Namili na sila ng mga manghaharana, magbebenta ng mga roses at chocolates, at taga bili ng mga stocks.
Hindi nakikinig si Christine dahil nakikipagdaldalan siya sa mga kaibigan niya.
"Guys, makinig kayo. Babasahin ko yung mga pangalan niyo at kung ano ang gagawin niyo."-president
"Ooookaaaaay." sabi naman nilang lahat.
"So, yung mga taga bili ng stocks ng roses at chocolates ay sina Jun, Mae, Jennica, Ben, at Leo. Yung mga manghaharana naman ay sina Prince, Anne, Michelle, Julie, Andrew, at...ahhhm Christine. The rest, magbabantay na dito sa booth natin at magbebenta ng roses and chocolates."-president
Hindi naman makapaniwala si Christine kung bakit siya napasama sa mga manghaharana.
"Teka! Uy president teka lang naman! Ba't naman ako napasama sa mga manghaharana?! Ayoko nga!"-Thine
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.