Max's POV
"Pre sama ka basketball tayo mamaya ?" tanong ni Arvin.
Si Arvin...ang may pinakamalaking katawan sa aming magbabarkada.
Ewan ko ba dyan kung bakit ang hilig magpalaki ng katawan kahit hindi naman siya katangkaran ! Ang panget tuloy tignan. Just imagine na lang, at feeling niya pa ito ang nagpagwapo sa kaniya !
"Sige pre ! Sino kalaban natin ?" sagot ko naman sa kaniya.
"Yung tropa nila Ian. Yaan mo pre ! Walang-wala sila sa atin ! Sa laki pa lang ng katawan ko eh.." kuntodo posing pa siya para mapalabas yung mga muscles niya katawan. "...talo na sila !"
"Oo..kinulang ka nga lang sa height." pabulong kong sabi.
"Ha ? Anong sabi mo ? Di ko masyadong narinig eh." tanong niya.
"Wala. Sabi ko galingan na lang natin mamaya." pagsisinungaling ko.
"Oo sige. Tara punta na tayo dun sa court. Dun daw tayo sa may San Jose.
Oo nga pala...uwian na namin at huling araw na ng klase kaya pwedeng-pwede na nga kami magbasketball.
Sandali....
Kilala niyo na ba ako ??
Psh ! Basa kayo nang basa diyan..di niyo naman sinabing di niyo pa pala ako kilala !
I'm Max Pissanti. A quiet type of person yet I have this killer smile that any girl would fall for, they always tell me that.
Alam kong totoo yun. Maraming beses ko nang napatunayan yun.
What ???! It's the truth ! If you want, you can ask them ! Now ! Tsk !
"Ui pre ayan na pala sila !" sabi ni Arvin.
Dumating na pala yung iba pa naming mga kabarkada. Sila din yung kakampi namin sa basketball mamaya.
Naglakad na kami palabas ng school.
*lakad* * lakad* *lakad*
Nakalabas na kami ng school nang mapadako ang tingin ko sa may puno sa may di kalayuan.
Christine...she's also looking at me.
Yeah.. It's her. Yung babaeng patay na patay sakin.
Well actually hindi niya naman sinabing patay na patay siya sa akin, and actually in denial pa nga siya. Pero halata namang apektado sa mga pang-aasar ng mga tao sa paligid namin.
Kaklase ko siya noong nasa second year highschool pa lang ako. Madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin.
Lagi kaming niloloko ng mga kaklase namin. Madalas kaming pinagpapareha sa mga play or sa kahit ano na kailangan na lalaki at babae ang magkapartner. Kaya naman sigurado akong may gusto talaga siya sa akin kasi wala naman akong ginawa dati para isipin ng mga kaklase namin na may something sa amin. Ni hindi nga kami nag-uusap.
Pero sa araw-araw na nahuhuli ko siya na nakatitig sa akin, parang nasanay na ako. Parang yun na rin yung paraan namin ng pakikipag-usap sa isa't isa.
Ewan ko ba. Pero kapag ibang babae ang inaasar sakin, naiinis ako. Pag sa kaniya, ayos lang sa akin. Siguro dahil alam ko naman na in denial siya sa pagkakagusto niya sa akin kaya wala akong dapat ipag-alala.
Oo, tama. Yun lang yun.
Yun talaga ang dahilan kung bakit ayos lang sa akin ang lahat.
Nagtititigan lang kami ngayon.....
I don't know if I'm going to smile at her, or not.
But I want to.
pero nagulat ako nang binawi niya yung titig niya sa akin at nagmadaling lumakad papunta sa terminal ng jeep.
"Hoy pre ! Bakit ka tumigil maglakad diyan ? At saka tignan mo yang itsura mo oh...mukha kang tanga diyan ! Problema mo ? Halika na at naghihintay na sila dun !" sabi ni Arvin. Oo nga pala, napatigil ako sa paglalakad at mukha na akong tanga ngayon.
********************
Naglalakad na kami papunta sa court kung saan makikipagpaligsahan kami sa basketball. I'm still shocked about what happen back there. What is her problem ?!
"Nga pala Max..may Facebook ka ba ?" tanong sa akin ni Arvin.
"Ah oo. Bakit ?" sagot ko naman sa kaniya.
Oo, meron akong Facebook account. Wala lang. Trip ko lang makiuso. Wala namang mawawala.
"Ang saya pala dun ! Ang daming hot chickx !! Nakakachat ko pa nga yung iba eh. Bilib na bilib sila sa mga muscles ko. Nagpost kasi ako ng pictures ko dun. Haha." pagbibida ni Arvin.
"Kung alam lang nila ang height mo, ewan ko na lang kung bumilib pa sila sayo." pabulong kong sabi.
"Ha ?" tanong naman niya sa akin.
"Wala. Sabi ko nandito na tayo sa court."
"Ah oo nga."
********************
Nanalo kami sa game.
Ano pa nga ba ?? Expected na rin naman yun. Tambak nga sila eh.
"Max, pre ! Ang galing mo talaga ! Walang kupas !" sabi sa akin ng isa sa ka-team ko.
"Salamat. Sige uwi na ako. Kita-kita na lang sa enrollment mga pre !" nagpaalam na ako sa kanila. Pagod na rin naman kasi ako.
********************
Nandito ako ngayon sa bahay nang maisipan kong magcomputer.
Ah mag-Iinternet ako. Facebook.
Email ***************@yahoo.com
Password ***************
LOGIN
Yown ! Nabuksan ko rin.
May friend request..buksan ko nga.
1 Friend Request
Christine Chua
Accept or Not now ??
••••••••••••••••••••
Waaaaaahh ang hirap pala talagang gumawa ng POV ng lalaki. Nakakabaliw ! Parang gumawa ako ng tatlong ending ng stories.
Kinailangan ko pang tapusin to ng isang gabi. Hindi pwedeng maputol dahil baka matuyo ang utak ko. Hahahahaha xD
VOTE ;)
COMMENT :D usap tayo.
BE A FAN \(^o^)/ to be updated in this story.
***Pat***
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.