FF 6

280 10 2
                                    

Max's fried chicken ! Ayy este Max's POV :D

"Oh saan mo dadalhin yan ?" tanong ng kuya ko. Kinuha ko kasi yung gitara niya.

"Pahiram muna."

"Saan ka nga pupunta ? Gabi na gagala ka pa ? Baka hanapin ka nila papa mamaya." ang kulit naman ng isang ito ! Di ba pwedeng wag na lang magtanong ?!

"Diyan lang sa may puno." 

Di ko na hinintay ang sasabihin niya. Dire-diretso na lang akong lumabas ng bahay namin.

Pumunta ako dun sa may malaking puno na may malaking ugat na pwede kong upuan.

Haaaaay..ang sarap lang magpahangin dito.

\(^_^\)

Tinaas ko pa ang mga kamay ko para madama ko ang hangin.

Gusto ko talagang mapag-isa ngayon.

Nandoon kasi silang lahat sa bahay ngayon. Bakasyon na kaya malamang lagi silang nasa bahay.

Gusto ko mapag-isa kasi gusto kong mag-isip. Magagawa ko lang yun kung mag-isa ako.

Iniisip ko parin kasi ginawa ko nung isang araw.

Tama ba yung ginawa ko ??

Tama ba na in-accept ko ang friend request niya ??

Oo, tama kayo ng dinig. 

In-accept ko nga yung friend request ni Christine.

Eh napindot ko yung accept eh !

Tsk ! Stupid !

Teka !! Bakit ba sobra kong iniisip yun ??

ANO BANG MERON ??

WALA NAMAN AH !!

Naiisip ko tuloy yung mga pangyayari nung second year higschool pa lang kami.

Ewan ko ba kung saan talaga nagsimula ! Pero sa pagkakaalala ko....

*flashback*

"Ano ba ! Bakit ba kanina mo pa ako sinasaktan ?!" tsk nakakainis tong isang to ! Napapansin ko kanina pa ako pinagtitripan nito eh !

"Max !! Bwahahahahaha. Pre may ibabalita ako sayo !! Bwahahahahaha :D" lumapit sakin ang tarantado kong bestfriend. Oo, bestfriend ko itong loko-lokong ito ! Tsk

"Oh ano na naman yun ?! Tsk umayos ka nga ! Para kang autistic diyan !" sira ulong toh ! Parang kulang na lang maglupasay siya diyan sa sahig sa sobrang tawa. 

Kabagan ka sana !

"Hahahahahaha xD Eh kasi naman pre...meron kasing nagkakagusto sayo dito sa room ! Bwahahahahaha :D"

"Ah si Rissa ? Oh, eh anong bago dun ? Alam ko na naman yun ah." wala naman talagang bago doon. Alam ko naman na may crush sa akin si Rissa. Ipinagsisigawan pa nga nun. Tsk >.<

"Hindi pre. Hindi siya. Bwehehehehe :D"

"Eh sino ? Sira ulo ka diretsahin mo nga ako !" 

"Hehe. Eh kasi naman kanina Max, nandun ako malapit sa pwesto nila Amiel kaya naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila. Eh hindi naman ata nila ako napapansin kaya nakinig ako sa pag-uusap nila. Etong si Amiel, sa tuwing may ginawa akong masama sayo, kunwari sinapok kita, sinasabi niya naman kay Christine. Eto namang si Christine, sasapukin niya daw ako dahil sa ginawa ko sayo. Bwahahahahaha pre mukhang may tama nga talaga sayo yun !"

"Ha ?? Eh di ba mataray yun ?? Imposible naman ata yun. Pre tigilan mo nga yang pakikinig mo sa usapan ng iba. BAKLA KA BA ?! Kabaklaan na yan ! Baka nagkamali ka lang iniisip sa pag-uusap nila. Wag ka kasing nakikinig sa usapan ng iba kung hindi ka naman kasali !"

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon