Ilang buwan nalang, ga-graduate na ako sa highschool. Bagong pakikipagsapalaran na naman. Malalayo na ako sa mga kaibigan ko. Kaniya-kaniyang Universities na ang aming papasukan. Di ko pa nga alam kung saan ako mag-aaral eh. Basta ang alam ko, mag-aaral ako. Hahaha.
Di ba kapag graduating na, magagandang bagay na lang ang nangyayari sa buhay mo? Yun bang masasayang bagay na lang ang ginagawa mo at ng iyong mga kaibigan. Pero bakit ganon? Yung akin hindi.
Napapansin ko kasi na parang ang layo na ng loob namin ni Kimmy sa isa't isa. Minsan kasi iba yung kasama niya. Hindi na nga ako updated sa buhay niya. Well, ako rin naman. Pero kapag wala lang talaga akong kasama, saka lang ako sumama sa iba, kila Mila at Ciara.
Nahihiya nga ako tuwing tinatanong ako ng iba ng, 'Bakit di mo kasama si Kimmy?'. Ang lagi ko na lang sinasagot sa kanila, 'Sawa na kami sa pagmumukha ng isa't isa. Layo-layo rin pag may time.' saka ako tatawa nalang.
Pero sa totoo lang, masakit.
Minsan pinipilit ko na lang na wag nang pansinin. Nagkukunwari na lang ako na normal lang ang nangyayari sa paligid ko. Pero hindi eh.
Isang beses nga nagpost ako sa Facebook ng, 'Mahirap maghanap ng bago, lalo na kung yung luma parin ang paborito mo. Miss ko na siya T.T'. Nag-comment si Kimmy ng 'anong problema?'. Naglog-out na lang ako para hindi halatang umiiwas ako sa tanong niya.
Minsan nalang talaga kami magsama ni Kimmy. Bilang mo lang. Mga kaibigan ko rin naman yung mga nakakasama niya, pero sa ibang grupo. Kaya hiwalay ang lakad nila sa amin.
Haay. Sana bumalik na sa dati ang lahat.
*****
"Tara mall tayo!" yaya ni Mila.
"Sige tara! Bibili pala ako ng lip balm." sang-ayon naman ni Ciara.
"Ikaw Thine? Sama ka? Sige na!"
"Oh sige." pumayag na ako. Ayoko pa umuwi eh. Ayy! Paano nga pala pag umuwi na? Wala akong kasabay. Iba kasi yung way nila Mila at Ciara. Tumingin ako sa katabi ko. "Jane, sama ka sa mall. Please *3*" Hahaha. Sana pumayag.
"Sige. Yayain din natin si Anne." sabi ni Jane saka niya pinuntahan si Anne para yayain. Nang makabalik na siya.. "Tinatamad daw siya eh. Tayo-tayo na lang daw."
"Ayy sayang naman." sabi ko.
December na kasi kaya pagala-gala na lang kami. Ilang araw na lang bago mag Christmas break.
"Guys, may susuotin na ba kayo para sa Christmas Party next week?" tanong ni Mila nang makarating na kami sa mall.
"Ayy shocks! Oo nga pala. Wala pa akong susuotin at saka wala pa akong pangregalo para sa nabunot ko." sabi ko. May exchange gift kasi kami sa darating na Christmas Party namin.
"Tara hanap tayo ng masusuot at pangregalo na rin." yaya naman ni Ciara.
Habang nag-iikot ikot kami, biglang nagtanong si Ciara.
"Thine, bakit di na kayo magkasama ni Kimmy? Dati hindi kayo mapaghiwalay ah. Anyare?"
Eto na naman po ang tanong ng bayan. Haay. Kahit ako hindi ko rin alam ang sagot.
"Para naman maiba yung mga nakakasama namin. Yung hindi lang puro kaming dalawa na lang ang laging magkasama." sagot ko sa kaniya.
"May iba na siyang bestfriend noh?" tanong naman ni Mila. Pero hindi ako sure kung tanong ba talagang maituturing yun o nang-aasar lang talaga siya.
Nagkibit-balikat na lang ako.
*****
Papunta na ako sa room para sa Christmas party namin.
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.