Ewan ko ba kung bakit ako naiinis ! Tsk.
Siguro dahil narin sa nakita ko sa Fb nung isang gabi. Tsk. Di ko parin makalimutan.
Bakit ba kasi ang daming malandi sa mundo ?! Nakakabanas !
Pero kung tutuusin, wala naman akong karapatang mainis dahil hindi ko naman siya boyfriend, wala rin naman siyang gusto sa akin. Eeeeeehhhhh nakakainis talaga eh !
Tsk. Ayoko na nga. Siguro kailangan ko nang itigil ito. Masakit kasi eh. Yung wala kang magawa kasi wala ka namang karapatan. Basta. Tigil na. Tigil na talaga.
"Psst Thine ! Tara punta tayong canteen." tawag sa akin ni Kimmy.
"Anong gagawin natin dun? Parating na si Ma'am Lim oh. Mamaya mapagalitan pa tayo. Muntikan na nga tayo nung isang araw eh." sabi ko. Bakit ba ang hilig niya gumawa ng kalokohan sa Filipino subject namin? Dahil ba mabait si Ma'am? Hahahahaha sabagay.
"Malamang bibili ng pagkain ! Hindi tayo mapapagalitan niyan ! Kaya nga tayo aalis hangga't hindi pa nakakapasok si Ma'am eh. Sige na, tara na. Bilis para hindi tayo maabutan."
"Sige na nga." pagpayag ko. Lumabas kami ng room nang dahan dahan para hindi kami makita ni Ma'am. Malapit na rin kasi siya sa room namin.
Bumili lang kami saglit sa canteen ng makakain. Siguro mga 3 minutes lang ang itinagal namin dun tapos bumalik na kami.
Pagbalik namin sa room... Sarado na ang pinto ! Watda?!
Sumilip kami sa may bintana ng room at nakita namin na nagtuturo na si Ma'am Lim. We try to open the door, pero ayaw bumukas. Ang alam ko, hindi ito naisasara pwera na nga lang kung may padlock. Kaya naman sinilip ko yung likod ng pinto.
O_O
May nakaharang na lamesa !!
"Hala Kimmy ! Ibig sabihin alam ni Ma'am na tumakas tayo ! Tsk. Cutting na tayo neto." gusto kong umiyak. Never ko pang na-try na mag-cutting sa buong buhay estudyante ko. 'Bumili lang po kami ng makakain Ma'am ! Papasukin niyo po kami !' Waaaaaahhhh shit !
"Hayaan mo na. Minsan lang naman tayo magcutting eh." sabi niya. Changgala 'tong babaeng ito ! Ang sarap sabunutan !
"Oh saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. Bigla kasi siyang naglakad.
"Dito lang po sa gilid, Boss. Alangan namang diyan tayo sa tapat ng room. Mamaya makita pa tayo ni Ma'am." oo nga naman. Kaya sumunod ako sa kaniya.
Katabi kasi ng room namin yung hagdan kaya naupo kami malapit dun. Hindi mismo sa may hagdan, kundi sa gilid ng room namin.
Kinain na lang namin yung mga binili namin.
"Kimmy nakita mo ba yung picture ni Kim at Max sa Fb?" pagbasag ko ng katahimikan.
"Ah oo. Bakit nagseselos ka?"
"Psh ! Tigilan mo nga ako !"
"Woooshoo..nagseselos ka eh !"
"Tsk. Bakit masama? Nakakainis naman kasi. Wala akong magawa eh. Alam mo yun? Wala kas--" napatigil ako bigla kasi may naririnig akong paakyat ng hagdan. "Hala Kimmy ! Baka teacher yun. Baka makita tayo dito na nagkacutting. Lagot tayo! Tara magtago na tayo !" nagpapanic na ako. Ayokong mapagalitan. Baka ma-guidance pa kami kapag nahuli kami.
"Saan ka naman magtatago? Hindi naman tayo pwedeng dumaan sa kabila dahil makikita tayo ni Ma'am Lim. Hindi naman pwede dito sa hagdan kasi dito nga sila nanggagaling. Hayaan mo na. Gawan na lang natin ng paraan pag napagalitan tayo." sabi niya. Haay grabe naman !
Hinintay namin na makaakyat yung tao sa may hagdan.
O_______O
"Eh si Max lang pala eh !" sabi ni Kimmy. Tama lang para marinig ni Max. Tsk. "Oy anong ginagawa mo dito sa taas?" aba'y nagawa pang kausapin ! Kainis !
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.