Christine’s POV:
“Papa, sige na! ibili mo na ako ng computer. Ang hirap naman kasi hiraman ni Ate Yannie eh. May computer nga dito sa bahay, hindi mo naman magamit kahit na kailangang-kailangan mo.”
“Bigyan mo ako ng most valid reason para bilhan kita ng computer.”
“Oh, sige. Gagawin kong example ang nangyari kagabi. Kailangang-kailangan kong gumamit ng computer kagabi para gumawa ng reaction paper para sa isa kong subject. Alas nuwebe na ako nakarating dito sa bahay galing sa school kagabi. So, humiram ako kay ate ng computer niya, pero sabi niya hindi daw pwede kasi matutulog na siya. Eh, ano pa nga ba ang magagawa ko? Sa kaniya iyon eh. So, pumunta nalang ako ng computer shop kahit na gabing-gabi na. Inabot ako ng alas onse doon. Ganoon nalang ba ang mangyayari kapag kinakailangan kong gumamit ng computer? Pahirapan?” Hiningal ako. Grabe. Ang lalim ng pinaghugutan ko ah. Mukhang naipon.
Bumuntong-hininga si Papa. “Magbihis ka na.”
Yes! Ang galing ko talaga.
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Kapagkuwa’y umalis kaagad kami ni Papa.
***
I opened my fb account. Sinubukan ko agad gamitin ang laptop na binili sa akin ni Papa pagkauwing-pagkauwi namin. Pati broadband ay binilhan na rin niya ako. Laptop ang binili namin dahil baka magreklamo na naman si ate sa taas ng kuryente kapag parehas na desktop ang gamit namin. Mas tipid daw kasi ‘pag laptop at siya din kasi ang nagbabayad ng kuryente namin. Hmp. Echosera!
Pagkabukas na pagkabukas ko ng account ay pinuntahan ko agad ang profile ni Max. Napansin ko agad sa gilid ang relationship status niya. I clicked the profile of her girlfriend.
Ano kaya ang nagustuhan ni Max sa kaniya?
Napabuntong-hininga nalang ako. Knowing Max, napakamisteryoso niya kaya malabong mangyari na malaman ko ang nagustuhan niya sa babaeng ito.
Nonetheless, I added her as a friend. Sigurado kasing ito ang magyayabang sa buong mundo ng pag-iibigan nila ni Max. Pustahan pa tayo. Pwe.
Bumalik na ulit ako sa profile ni Max. Nagbabaka-sakali ako na meron pang kamag-anak niya na hindi ko pa naa-add. Feeling ko kasi close na ako sa kanila ‘pag friend ko na sila sa fb. Haha.
At meron pa nga akong hindi naa-add sa kanila.
Martin Pissanti. Pinuntahan ko ang profile niya. Kapatid siya ni Max.
Bakit hindi ko alam ‘to? Walang nabanggit dati si Mila sa akin tungkol sa kaniya.
Tinignan ko ang pictures niya. Kung hindi cartoon character, black lang. Pa-mysterious effect din. Kaloka! Pero in-add ko parin siya.
Pagkabalik ko sa profile ko, may nagpop-up agad na chatbox. Kanino pa nga ba manggagaling? Eh di kay Migz.
Migz Danio: Hi, do you remember me? Ako yung kumuha ng number mo habang nagtitinda ka ng isda sa talipapa.
Aba’y sira ulo ‘to, ha! Sa ganda kong ‘to, pagkakamalan akong tindera ng isda?! Aba’y tinamaan ng magaling!
Ngali-ngali akong magreply kay Migz para murahin siya. Pero nagmessage siya ulit.
Migz Danio: Haha. Charot!
Biglang nawala ang inis ko sa kaniya. Hindi dahil biro lang pala ang sinabi niya, kundi dahil doon sa word na ‘charot’. Hindi ko lubos maisip na ang lalaking tulad niya ay magsasalita nang gano’n.
Bakla kaya ito?
Hindi naman siguro. Gwapo naman siya at lalaking-lalaki sa mga pictures niya.
Christine Chua: Haha adik ka.
Migz Danio: Ang cute mo, alam mo ba ‘yon?
Hindi. Hindi ko alam ‘yon. Kasi ang alam ko…MAGANDA AKO. Gets? Thank you.
Christine Chua: Ayy ganun? Parang hindi naman. Hehe.
Migz Danio: Totoo yun. Pwede ko na ba makuha ang number mo? Matagal na tayong nag-uusap pero hanggang ngayon hindi mo parin ibinibigay ang number mo sa akin. Hehe.
Atat ‘to. Nagpapakipot pa nga ako eh. Hmp.
Christine Chua: Oh, sige na nga.
Sinend ko sa kaniya ang number ko. Hayaan na natin. Wala naman akong load eh. Bahala siya magtext diyan.
Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng text mula sa kaniya. Eh walang load. Sarree…
Christine Chua: Wala akong load.
At wala akong balak magpaload.
Christine Chua: Saka na kita itetext. Hehe.
Migz Danio: Okay lang, basta may number mo na ako :) You’re from JLU pala. Hope to see you one day. :)
Christine Chua: Yeah. Doon ako nag-aaral.
Migz Danio: May bf ka na ba?
Ayan na po ang tanong ng mga tunay na maharot. Sinasabi ko na nga ba eh. Diyan din ‘yan patungo.
Christine Chua: Wala pa. May trabaho ka na ba?
Nung minsan kasi na hinalungkat ko ang profile niya, mukhang hindi na siya nag-aaral. Feeling ko talaga nagtatrabaho na ‘to.
Migz Danio: Meron na. Marketing Manager ako sa company na pinagtatrabahuhan ko.
Oh, shet! ‘Pag naging boyfriend ko pala ‘to, kayang-kaya nang gumastos para sa akin. LOL. Boyfriend agad?
Migz Danio: Ilang taon ka na ba? I’m going to sleep na. Kakauwi ko lang kasi galing sa work at inaantok na ako.
Oh, anong oras na ba?
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Ayy! 11:45 na pala ng gabi. Di ko namalayan ang oras.
Christine Chua: 17. Okay, sige. Sleep tight :)
Migz Danio: Magkasing age lang pala tayo. Joke lang. 23 na ako. Okay lang ba iyon sa iyo? :)
Christine Chua: Okay lang naman, ano ka ba! Akala ko ba matutulog ka na?
Migz Danio: Nagising kasi ako sa’yo…
Natuwa ako sa sinabi niya. I don’t know, but I find him kinda cute. Pero I’m worried kasi mataas ang harot level niya. Baka ‘di ko ma-reach.
********************
Migz Danio on the side <3
Pat
BINABASA MO ANG
Facebook Flirting
Teen Fiction"Roses are red, Facebook is blue, No mutual friend? Who the hell are you?!" A story of love, heartaches, and friendship.