FF 19

112 5 6
                                    

Christine's POV:

Do you know what’s weird?

I have this certain urge to reply in every Migz Danio’s messages for me.  I don’t know why.  Maybe I kinda like the way he fancy me.

Masyado akong mapanghusga…joke lang.  Ano ba ang pwede kong itawag do’n?  Ahh…hindi lang ako madaling magtiwala. 

Kaya nga binisita ko na ang profile niya kanina.  Tinignan ko ‘yong mga pictures niya.  Baka kasi mamaya may girlfriend na ‘to, o asawa, o anak…mahirap na. 

I scan his albums at napa-‘wow’ ako.  May itsura ‘to.  Infairness.

Migz Danio:  Pwede ko ba makuha ang number mo?  Text text tayo ate na maganda.

Dati cute lang, ngayon maganda na.  Bolero.

Christine Chua:  Do I know you personally?

Minsan talaga trip ko talagang mag-english, para kahit papa’no ay maintimidate ‘yong mga kausap ko na hindi ko pa lubos na kilala.  Pero ewan ko dito sa isang ‘to, LAKAS!

Migz Danio:  Hindi.

Hindi naman pala e, bakit ko ibibigay?  Teka, wala akong maireply.

Christine Chua:  Ahh.

Biglang may nag-appear sa newsfeed ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.  Halo-halo na…pagtataka, galit (naks!), sakit.

Paano nanggyari ‘yon?  Marunong siyang manligaw?

Nah.  Iyong babae siguro ang nanligaw.  Tama.  Gano’n nga siguro ‘yon.

Sa panahon ngayon, madami na talagang naglipanang mga higad.  Iyong tipong pinapakain, pinapaliguan, o minsan nakakapasok pa sa eskwelahan, at kalaunan ay magiging mabagsik.  LOL.

Pero…AAAARRRRRRRRGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHH!  Paano ba kasi nangyari ‘yon?

Pinuntahan ko ang profile ng girlfriend ni Max.

Potek!  Maputi lang ‘to e.

In-add ko nga.  Wala lang.  Pagkatapos no’n, nagpost ako.

Christine Chua:

Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang kalsada, ang lahat ng gumitna…MAMAMATAY.

Pero pwede ring ihalintulad sa horror…NAKAKATAKOT NA!

LOL.  Matawa kayo!  Pero seryoso ako.  Tse.

Then I logout from my account.

Nakakaloka!

********************

Pat

Facebook FlirtingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon