Yana’s POV
-Loob ng clinic-
Kainis naman 'tong nurse na 'to...
Iniinterview lang ako nung nurse kung anong nangyari sa akin. HELLO? Sasabog na yung ulo ko sa sakit. Hindi naman yung tanong nya kaylangan ko, yelo! YELO KAYLAGAN KO, NURSE! jusme
Pinatambay lang naman ako ni nurse dun, e. Kaya nagsink-in lahat ng nangyari sa akin kanina...
Nako naman!!! Kilalang kilala talaga ako ng school na ‘to kung pano ako mapansin ni Carlo. Kaylangan ko munang mapahiya ng bongga para mapansin nya ako.
Nakakahiya talagaaaa!!!!
(Np: Hindi ko alam yung title... Background music lang sya, e. Play nyo na lang yung nandun sa multimedia ----->)
"Okay ka lang ba?"
"Okay ka lang ba?"
"Okay ka lang ba?"
Nagpauli-ulit sa utak ko yung boses ni Carlo. Hayyy :’) Ansarap pakinggan. Lalo na yung muka nya na mukang alalang alala sa akin, ansarap sa mataaa :')
Lumabas na ako ng clinic after mga 25 mins. Pagkalabas ko nagulat ako kasi nandun si Carlo. Nakapamewang at mukang inip na inip na sa kakaintay. Tinitigan ko lang sya… Mukhang nainis sa titig ko…
Carlo: “Ano ba!!!”
Nagpout ako. Grabe naman sya…
Carlo: “Bat antagal tagal mo dun, ha?! Sinasadya mo siguro, Ano?! Ilang oras na akong naghihintay dito! Tss.”
Anong Ilang oras?! 30 mins lang kaya ang nakalipas. Sira ulong ‘to.
Nastress lang lalo ako sa loob ng clinic, kaylangan ko ng happiness…
Unti-unti akong lumapit sa kanya at dinikit ko yung tenga ko sa dibdib nya at ipinikit ko yung mga mata ko.
Haayyyy, Ansarap pakinggan nung tibok ng puso nya :)
Carlo: “A— Anooo ba!!!”
Tinulak nya ako, Muntik na akong muntog sa pader pero agad agad sinanggi ng kamay nya yung likod ng ulo ko. Parang sloooow motion. Galing talaga ng superman ko!
Carlo: “Ano bang ginagawa mo?! Ano na? Okay ka na ba? Ang engot engot mo naman kase, e!!”
(Music will stop here)
Nakakainis na sya, ah! Okay na ako. Ang O-OA naman ng mga tao. Tinamad na ako magsalita kaya ‘belat :P’ na lang ang reply ko sa kanya. Agad-agad akong tumakbo at umakyat na, babatukan nanaman ako ng lalaking ‘to. Inis na inis na sa akin, e. hahaha
Carlo: “Hoy!!! Bumalik ka dito!! Humanda ka sa akeeeeen! Aish. Pasaway talaga!!”
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Novela JuvenilSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.