My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 19

20 0 0
                                    

-Nung sumunod na araw-

Sa Pila, Saktong nakatabi ko si Matt... Yun, Oh!  

Talaga 'to si Yana... Lahat na lang nagugustuhan! hahahaha. Agad naman syang tumingin sa likod para tignan kung dumating na si Carlo.

Dumating na ba sya? *hanap... hanap... hanap...* AYUN!

O.O

-____-

Nakita nya kasi na naguusap at nagtatawanan sina Carlo at Jashen dun sa likod. Magkatabi lang kasi yung pila nung section nya tsaka section nina Jashen... 

Agad namang humarap na muli si Yana kay Matt... tsk! Masyadong masakit sa mata yung nakikita ko sa likod -_____-

Yana: "Alam mo...... This past few days... Parang palagi atang magkasama sina Jashen at Carlo... Napapansin mo din ba yun? May nakwekwento ba sayo si Carlo about sa kanya?? Mga usapang lalaki? mga ganun? Wala ba syang inaamin sa inyo?? ha? HAAA?"

Natawa lang si Matthew sa pinagsasabi ni Yana.

Yana: " *pout*  tsk, Wag mo naman ako tawanan!" >.<

Matt: "Ehhh... Nakakatawa ka kasi, e..."

Yana: "Naman, e. Worried lang naman kase ako!"

Matt: "Worried... o nagseselos ka lang?" 

Yana: "Se... Selos?! HAHAHAHA!!! SELOS?? SELOS BA KAMO?! che..."

Yana: “Na… Naiinis lang ako kasi minsan ko na lang makausap si Carlo ngayon, lagi nya na kasi kasama si Jashen tas alam ni Jashen lahat lahat ng nararamdaman ko kay Carlo tas… tas ganyan sila! kainis”     Nahihiya-hiya nyang inamin kay Matthew.

Nginitian sya ni Matt ng pamatay na ngiti... tas hinawakan nya yung ulo ni Yana at parang ginulo konti yung buhok. Naiimagine nyo? Basta. Ang cute kasi pagginaganun nung mga lalaki yung buhok nung babae... parang aso lang, ah. hahaha joke. ge, push ko 'to xD 

*

-Classroom-

Carlo: "Hi, Yana."

Salamat at naisipan na rin akong kausapin kausapin ni Carlo. Busy kasi masyado sa babae nya. tss

 Yana: “Oh? Maka-hi ka naman dyan. Diretsuhin mo na kung anong kaylangan mo!!!”

Carlo: “Sungit! Baket? Paglalapit ba ako sayo ibig sabihin lagi nun may kaylangan ako sayo?!”

 Yana: “OO!!!!”           Sinigawan sya ng bongga nito. Tss

Carlo: “Bakit ka ba ganyan?! Wag mong sabihin na… Nawala na yung feelings mo saken dahil nagiging close na kayo ni Matt?! hmpf! hahahaha”

Pabiro nyang sinabi. Kahit kaylan, Wala talagang araw na hindi nakakabwisit yung biro ng lalaking ‘to. Napatingin sa amin si Matt tas bigla syang sumabat sa usapan namin ni Carlo. Eto kasing si Carlo, e! Anlakas lakas ng boses yan tuloy, Narinig ni Matt. Grrr!!!

Matt: “Uy, pre! Baka… Ano… Magkaybigan lang kami ni Yana! Mali iniisip mo.”

Carlo: "Hindi, Pre. Binibiro ko lang si Yana... 'to naman."

Matt: "Ahh. hahaha... baka sabihin mo sinisira ko loveteam nyo e."

ARAAAAAY, HA!!!!!! NASAKTAN AKO SA SINABI NI MATTHEW!!! Epal kasi tong si Carlo, e.

Sumimangot naman si Yana at medyo naluha dahil sa nasabi ni Matthew. huhu, kung kaylang nagaassume na sya na mafafall din sa kanya si Matt, e... Bigti na, friend. :(

Bawal tumulo tong luhang ito. Mygahd!!!! Nakakahiya kung iiyak ako sa harap nila.

Nagchin-up si Yana at huminga ng malalim...

Yana: "Oh? Narinig mo naman diba?? Sa kanya na nga nanggaling.... MAGKAYBIGAN LANG KAMI!!! Kaya wag ka nga dyan!!! Kainis 'to, ah!" :'(

Carlo: "Good."    Agad naman natameme si Carlo kasi nga diba?! Alam ni Carlo na may feelings si Yana kay Matt. Tas medyo naluha pa si Yana nun. Alam nyang nasaktan si Yana sa nasabi ni Matt. Good job, Carlo. Sinaktan mo nanaman si Yana. tsk, tsk

HUHUHUHU. Good? GOOD?! CARLO NAMAN, E! Oh, Ano? Natameme kang lalaki ka?! Kampante ka na ako naman tong nasaktan nanaman. Bwiset

Yana: “Tsaka... bat ba kaylangan kong magexplain sayo?!”

Yana's P.O.V

Nung sinabi ko yun... Biglang umupo si Carlo sa tabi ko, kumalma ng konti. Nilayo ko yung upuan ko sa kinauupuan nya. Naiistress ako, kaylangan ko ng space! HAHAHA joke

Kaloka naman ‘to. Ano nanaman bang sasabihin nang lalaking ‘to. MangGo-Goodtime nanaman ‘to panigurado! tss

 [ Np: The way you look at me - Sabrina]

Inilapit nya ulit yung upuan ko sa upuan nya. Naguguluhan ako. Ano ba tong ginagawa nya!!!

Dahan dahan syang nagsalita…

Carlo: “Naiinis na ako sayo… ” sabay grin... >.<

Nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko. Pahina ng pahina yung boses nya.

Carlo: “Hanggang kaylan mo ba kasi ako balak pahirapan?? Ano bang kaylangan kong gawin para maintindihan mo na may gusto nga ako sayo. Yana, Kung para sayo trip lang yung mga yun sasabihin ko sayo… Totoo yun.”

 HALA?! Bat ba sya ganyaaaaaan! Napatingin ako sa kanya sabay layo nanaman ng konti. Sobrang seryoso ng mga mata nya. Wag mo akong titigan ng ganyan, Carlo!!! Kinakabahan ako. Ambilis ng tibok ng puso koooo.

Nakatitig lang sya sa akin. Medyo pinapawisan sya. Kinakabahan ba sya? Pero.. Bat sya nakangiti?

Nagsalita nanaman sya,

Carlo: “Ito na ang huling beses na itatanong ko sayo ‘to.”

Lumapit ulit sya konti sa akin.

Hala, Lord!!! Eto na ba yung moment na yun?! Thank you Lord, ah kaso… kaso hindi pa ako ready!! Assuming masyado ang lola nyo. Hindi pa nga nagtatanong si Carlo, himi-hindi agad ako sa isip ko. haha

Dinugtungan nya na yung sasabihin nya sa akin. Sobrang laki nung ngiti nya sa mukha nya. Ano ba yaaaaan

[ Music will stop here ]

Carlo: “Yana Villanueva, Papayag ka bang maging girlfrie—”

“Nandyan na si Maaaaam!!!”

“Umayos na kayo, bili!!!”

Dali-daling nagmadali at nagsiayos yung mga classmates ko.Si Carlo, Halatang nadismaya kasi naputol yung sasabihin nya sa akin.

Bumalik na sya sa upuan nya.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AYAN NA!!! YIE, MAGIGING SILA NA KAYA?! >:))))))))))))))))) THANK YOU SA PATULOY PAREN NA NAGBABASA LALO NA KILA ALAYNE  AT SIS!!! MWA PATI NA RIN SA EVER SUPPORTIVE FRIENDS KO... :')

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon