My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 2

46 1 0
                                    

Yana’s POV

Hi. Ako si Yana Villanueva. Obvious naman sa nakalagay sa 'P.O.V' diba? hehe. Magse-seventeen years old na ako.

Mahilig ako sa mga pangarap. Pero syempre kumikilos din ako para lahat ng pangarap ko, Hindi maging pangarap lang. Nagets nyo ba? haha. basta ganun.

Sa totoo lang, kasama rin sa pangarap ko si… Mr. P! Si Carlo Perrera. Haha! cheesy masyado pero go lang. 

Si Carlo ang source of happiness ko. Hindi ko alam mangyayari sakin kung mawala yun. Pag nawala ang happiness, Mapupuno ng sadness ang bawat araw ko. Kaya mahalaga sya sa akin!

Ewan ko ba. Masaya ako pag kasama ko sya. Lalo na pag malapit ako dibdib nya, nandun yung puso nya. Naniniwala kasi ako na nasa puso nya yung magic power nya, e. Yung happiness power na naibibigay nya sa akin. Ang weird ko, no? haha 

Kala nyo boypren ko sya, no? Hindeeee~

Ka-loveteam ko lang sya sa school. Char! Loveteam?! Basta parang ganun. May mga ganun din naman siguro sa mga school nyo diba? Proud akong sabihin na… Magt-two years na nga yung loveteam namin!

Edi parang… Magt-two years na kaming In a relationship! Joke hahaha

Loveteam kasi parang we act like were “real couple” but literally WE ARE NOT. Well, people are loving how cute we are daw pag magkasama kami, pag nagaaway. Yung mga ganun. Pero ewan ko! Naging tawag na nila bigla sa mga ganun, E, Loveteam!

Ang secret nga daw sa matagal naming loveteam ay ang hindi namin pagpasok sa relationship. Never naging kami. Yun nga lang… Hanggang loveteam lang kami. Odiba? Parang celebrities ang peg. haha

Alam nya naman siguro na may gusto ako sa kanya. Minsan obvious, Minsan trip ko lang magpakipot.

Hello? Ganun naman dapat talaga mga babae!

Magpaconcervative dapat kahit konti. Haha! Ewan ko ba nagpaconcervative ata ako masyado kaya hindi naging kami neto ni Carlo, e.

De, joke. Ayaw ko syang syotain kasi… Sa mundong ibabaw walang nagtatagal. E, Pano kung naging kami pero hindi naman kami nagtagal. Syempre magkakaroon ng konting ilangan. Mga ganun. Ayaw kong magbago yung pakikipagtungo namin sa isa’t isa. Masaya na ako kung pano at ano kami ngayon, tuldok!

Malapit lang yung school namin sa bahay namin. Mga 6 mins. away lang pagnilakad. Malapit lang naman kaya nilalakad ko lang. Gastos lang pagnamasahe pa ako, no!

-School, St. Louis College or SLC -

Nakarating na ren sa wakas!

Yana: “Haaay, Ang school na ‘to!”

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

Yana: “Andaming masasayang mga alaala ang ibinibigay mo saken araw araw! Maraming salamat, ha!”

Ano ba ‘to? Nagdradrama ako mag isa. Mahal na mahal ko kasi tong paaralan na ‘to, e. Salamat kasi, Naiisipan magaral dito ni Carlo. Pano kaya kung hindi sya nagaral dito? Ganto pa kaya ako kasaya? Hahaha, Makapasok na nga.

Pagkapasok na pagkapasok ko, unang bumungad yung pagmumuka ni Carlo kasama nya yung mga kaybigan nya pero bat ganun? Sya lang yung nakikita ko. HAHAHA! Ang ganda namang welcome greeting neto! Kaya gustong gusto ko pumasok lagi sa paaralan na ‘to, e.

Napatulala ako. Ano bayan! Parang patay na patay ako sa lalaking ‘to.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana nagustuhan nyo! (^.^)v

Yana's picture on the multimedia thingy ---->

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon