Guys, Nahihirapan ako pag may kanya kanyang P.O.V chenes... Gagawin ko na lang author's P.O.V. Basta ganun. ha... Pero paminsan may P.O.V paren sila. Basta... Ganun. hehe... Pasensya na kung malito kayo pero intindihin nyo na lang xD Salamat sa patuloy pang nagbabasa. Lalong lalo na sa mga ever supportive kong mga friends!!! :*
Yung love team chenes muna nila Brix and Pam, ah...
(^.^)v
Anyway, Back to the real thaaaang B-)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kahit na naweiweirdohan si Brixter sa kinilos ni Pam kanina, Muli ay pinapasok muna nya si Pam sa bahay nila upang makapagpatuyo...
Umakyat si Brixter sa kwarto nya upang kuhaan ng pamalit damit si Pam...
*
Brix: "Oh!" Hinagis nya yung T-shirt nya kay Pam na nakaupo dun sa set sa kanilang sala...
Brix: "Magpalit ka muna. Tignan mo... basang basa ka, oh."
*
Habang nagpapalit si Pam ay nagprepare na ng makakain si Brixter. Hindi pa sya nagbrebreakfast o lunch...
Ayy, Grabe... Gutom na gutom na ako. Istorbo talaga yung babaeng yun!!!
Pam: "Brixter..."
O.O
Pumigil konti ng tawa si Brix nung nilingon nya si Pam.
Pam: "Kase, eeee!!!"
Brix: " Ano nanaman ginawa ko?!"
Hiila ni Pam yung T-shirt ni Brix na suot suot nya pababa. Maikli kasi yun sa kanya kaya sa tingin nya yun yung rason kung bat sya pinagtatawanan ni Bri.
Pam: "Pinagtatawanan mo ko?! tss..."
Brix: "Di, ah! Bagay... Bagay kasi sayo yung T-shirt ko... Umupo ka na nga! Kain na tayo."
Pam: "Nasan parents mo?"
Brix: "Antagal tagal na nating magkakaybigan... Hindi ka pa ba nasasanay? Lagi kaya silang wala diba? Nasa office na siguro yung mga yun. Kain na. Yesss! :3 Kanina pa ako gutom na gutom."
Paliwanag nya habang inaayos yung ulam...Sobrang gutom na gutom na si Brixter nawala sa isip nya na mainit nga pala yung takip nung lalagyanan ng sabaw na kakainin nila kaya nung binuksan nya yung takip...
Brix: "Ha, Ahhhh!!!"
Agad namang kinuha ni Pam yung kamay nya...
Pam: "Hala!!! Okay ka lang ba?! Nako, Namumula tuloy, oh." Habang hinipan hipan nya yung kamay ni Brix.
Agad namang binitaw ni Bri yung kamay nya.
Brix: "A... Ano ba!!! Awayin mo na lang ako kesa maging... ganto ka kasweet sa akin ngayon." Pahina ng pahina yung boses nya, nahihiya kasi sya.
Pam: "Hoy! Anong sweet?! Ano kase... Tinulungan mo ako... Oo, Tama! Tinulungan mo kasi ako kanina kaya ako ganto ngayon. Matuwa ka na nga lang!!! Minsan lang ako maging ganto sayo, e."
Brix: "Weh?? Baka naman... Dahil hindi ka sinipot nung Tristan na yun kaya sa akin mo binabaling yung sweetness na prinepare mo para sa kanya."
Pam: "Ang kapal mo!!! Hindi, ah!"
Brix: "May payakap-yakap ka pa kanina! hahahaha"
Pam: "Tumigil ka na nga!!!" >.<
Yana's P.O.V
Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin kami nagpapansinan ni Carlo. Hala? Ano ba ‘to? May LQ? Magsyota? Hayyy :(
Nakakainis sya... Pag sa pila tuwing flag ceremony, Pag nagkakatabi kami nagiirapan kami. Pag nagkakagrupo sa mga group works, Di kami nagpapansinan.
Napapansin ko rin na… Mas lalo silang naging close ni Jashen si Carlo simula nung nagkaaway kami… Sya na ba ang takbuhan mo ng problema ngayon, Carlo? Tss... Ginagantihan nya ba ako? Pinagseselos nya ba ako? Ano ba!!! Bakit mo ako pinagiisip ng ganto, Carlo!!!
Well, Ayos lang naman kung maging close sila ni Jashen, e. Matatakbuhan naman talaga si Ja pag may problema. Kaya okay lang! Wag lang sana sumobra yung closeness. Nako baka magbunga ng kung ano. xD
*
Ano ba toooooo!!!! Hindi ko kaya. Laslas na, friend! Mamimiss ko lang sya ng mamimiss pag wala sa amin ang nagbaba ng bandera.
Syempre, Aasahan ko pa bang magbababa ng bandera yan si Carlo? Pag puti na ang uwak, jusme!
To love means to throw your pride away.
Ako na nga laaaaang!! Lagi naman, e. Ibaba ko na yung bandera ko, Carlo Perrera! Hindi ko kayang hindi magpansinan. =(
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Brixter and Pam on the multimedia. Cute, no? hehe
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.