My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 20

25 0 0
                                    

Carlo’s P.O.V

Bwiseeeeet!!!

Naputol pa yung sasabihin ko. Kainis!

Pero Kahit na naputol yun… Nagets nya nanaman siguro yung sasabihin ko?

Hay nako!!! Shushunga-shunga pa naman yung babaeng yun! Basta. Hihintayin ko na lang yung sagot nya mamaya… At hinding hindi ko na yun uulitin pa sa kanya! Bahala sya. Tss

Nakakainis naman!!! Bat parang antagal matapos! Dalwang subject na yung nakalipas pero bakit parang oras ng limang subject ang nakalipas…?!

*

Lumipas na yung tatlong subject.

Yes! Break time…

At malalaman ko na yung sagot ni Yana :3

Nagmadali akong pumunta sa pwesto ng upuan ni Yana.

Carlo: “Yana”                    Nagsmile ako sa kanya. Excited ako sa sagot nya pero hindi ko masyadong pinahalata… sure na sure naman akong sasagutin nya ako. Antagal nya na kayang may gusto sa akin.

Hindi sya umimik kaya inulit ko yung pagtawag sa kanya.

Carlo: “Hoy! Yana?”       Medyo nagulat sya sa pagkakasigaw ko pero muka namang hindi nainis. good...

Yana: “Ahh! Ano ba yun?”                Tinaas nya yung dalwang kilay nya na parang sobrang maamo at inosenteng aso. Kahit na sobrang simple nyang babae, Ang lakas paren talaga ng dating nya.

Napakainosente ng mukha nya. Hinawi ko yung bangs nya tas unti unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha nya.

Napapikit sya. Sira ulo talaga ‘to! Kala nya siguro hahalikan ko sya. Napasmile ako konti. Tas unti unting natawa sa itsura nya. :'D

Saka ko pinitik yung noo nya!

Yana: “ARAAAAAAY! Carlo!!!!”     Napatayo sya at napasigaw ng malakas... HAHAHAHAHAHA at ako naman 'tong tawa ng tawa.

Yung ilong nya nagkakausok na sa sobrang asar na asar sa akin. Ayan na. Hinampas nya na ako ng hinampas at tawa paren ako ng tawa…

“Naghaharutan nanaman yung dalwa, oh!”

“HAHAHA! Forever favorite loveteam talaga!!!”

"Yieeeee!" 

Syempre pinansin nanaman kami ng mga kaklase namin. tss

Paatras...

Ako...

Ng paatras. Napadikit na ako sa pader. Grabe talaga to manghampas. >.<

Hinawakan ko yung braso nya para mapigilan sya sa paghampas… Nagkalapit nanaman yung mukha namin.

Agad naman kaming napatigil...

Yana Cruz Villanueva…

Kaylanman hindi ko nasuklian yung pagmamahal, pagunawa at saya na ibinibigay mo sa akin araw araw… Pero handa akong suklian lahat ng yun pagsinagot mo yung tanong ko. Pangako.

(A: IKAW TALAGA, CARLO!! KAYLANGAN MAGING SYOTA MUNA BAGO MO SYA SUKLIAN?! TSK, TSK!! >.< )

Oo, na! Ms. Author naman, e! Wag na magside comment! -_____-

Gusto kong sabihin sa kanya yan. Kaso… Umuurong dila ko pag nasa harapan ko na sya. Palpak ka talaga, Carlo Perrera!!!

Binitawan ko yung braso nya at agad naming pinaglayo yung mukha namin nung naramdaman naming yung awkwardness ng pagkakalapit mg mukha namin.

Walang nagsalita sa amin ng ilang Segundo

Hanggang sa sinabi ko na yung pakay ko kung bakit ako nagmadali punatahan sya sa upuan nya.

Carlo: “A... Ano ba?!!! Yung sagot mo!!! Hinihintay ko. Ano na?”

O.O

Yana: “Sagot??? Saan? Nababaliw ka ba?”

Hayyyy

Sabi na, e. Hindi nanaman nagets ng kumag na ‘to yung sinabi ko kanina. ANG SLOW TALAGA NG UTAAAAK!!! >.<

Carlo: “De bali na. tsss” 

Yana: “Ang weird weird mong lalaki ka! Hindi ko nga kasi alam. Ipaliwanag mo kung ano yun tanong mo! kas--"

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi nya at kaagad na akong lumabas para sumama na kila Brixter :(

-----------------------------------------------------------

Awts... Wag kayong magalit kung utak ibon si Yana, ah. May sarili syang side. sa susunod na chapter nyo malalaman. Wag muna magreact! =)) Ty sa mga nagbabasa! Spread the loveeee ;*

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon