My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 21

17 0 0
                                    

Yana’s POV

Naputol yung sasabihin ni Carlo kanina. Pero kahit na naputol, nagets ko naman yun, no!

Yana Villanueva, Papayag ka bang maging girlfrie—

Yana Villanueva, Papayag ka bang maging girlfrie…nd ko?

Hindi ko alam kung kikiligin talaga ako kanina o ano. Madaming beses na akong tinatanong ng ganyan na tanong ni Carlo pero… Mga biro lang naman ata yun kaya hindi ko pinapansin. Pero yung tanong nya ngayon, kakaiba. Parang seryoso sya? Seryoso ba talaga sya? Hay, ewan!

Sabi ng puso ko, Wag pakawalan ang chance na 'to.

Pero sabi naman ng utak ko, Pakawalan mo na. Sasaktan ka lang ng sasaktan nyan.

Pocha naman, o! Pakawalan ko ba yung chance o hindi? Kaya ayaw ko ng ganto, e. Maguguluhan lang ako. Ready na ako na parang hindi. ANO BA YAAAAAN!!!!

Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na tapos na pala yung tatlo naming subject at breaktime na.

Yumuko ako sa upuan ko.

“Yana”

Naapektuhan ata yung tenga ko ng pagiisip ko kaya parang may naririnig akong tumatawag sa akin, e.

“Hoy! Yana?!”

Nagulat ako sa pagkakasigaw nung pangalan ko kaya napatango ako.

Tsss. Si Carlo pala. Pangiti ngiti pa >.<

Yana: “Ahh! Ano ba yun?”            Tinaas ko yung dalwang kilay ko. Halatang naiinis si Carlo kasi di ko agad sya narinig. Arte

Nakatitig nanaman sya sa akin!!! Tigilan mo nga yan, Carlo! Nakakairita na nakakakilig >.<

Hinawi nya yung bangs ko tas unti unti nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko...

Napaatras ako konti sa pagkakaupo. Teka, teka!!! Hahalikan nya ba ako?! Ano ba iteyyy!! Naloloka na ako!! Hindi ko alam gagawin ko kaya napapikit na lang ako...

Naramdaman ko yung paghinga nya sa sobrang lapit nung mukha nya sa akin. Dinilat ko yung mata ko kasi narinig ko na tumatawa sya ng mahina. Pagkadilat ko bigla nyang pinitik yung noo ko.

Yana: “ARAAAAAAY! Carlo!!!!”  

Napatayo ako at sumigaw ako ng malakas. Kala ko kasi hahalikan nya ako pipitikin nya lang pala ako. Nakakahiya!!! Tawa tuloy sya ng tawa.

Ako naman sobrang asar na asar. Tawang tawa kasi sya. Kainis, ah. Kahit na hinahampas ko sya ng malakas tawa paren. KAINEEEEES!!

“Naghaharutan nanaman yung dalwa, o!”

“HAHAHA. Forever favourite loveteam talaga!!!”

"Yieee!"

Syempre pinansin nanaman kami ng mga kaklase namin. tss

Napapalakas na ata masyado yung paghampas ko kaya bigla nyang hinawakan yung braso ko. Nagkalapit nanaman yung mga muka namin.

O.O

Agad naman kaming napatigil...

Carlo Mendiola Perrera,

Mahal na mahal na mahal kita! Kahit na ilang beses mo na ako pinaiyak. Kahit na lagi mo akong sinasaktan. Kahit na walang kapalit, Gagawin ko parin para sayo. Kaso… Kaso ayoko talaga ng relationship... huhuhuhu

Gusto ko sabihin sa kanya yan. Kaso… Umuurong talaga yung dila ko. Nahihiya ako na di ko malaman. Hayyy! Palpak ka talaga, Yana Villianueva!

(A: Kung naaalala nyo sa Chapter 2, Sabi ni Yana diba... Masaya na sya kung pano at ano sila ngayon.  Hayy nako, Yana... tsk, tsk... Hindi mo alam kung ano ang pinalalampas mo >_< )

Binitawan nya yung braso ko at agad naming pinaglayo yung mukha namin nung naramdaman naming yung awkwardness ng pagkakalapit mga mukha namin.

Walang nagsalita sa amin ng ilang Segundo. Hanggang sa sinabi nya na yung pakay nya.

Carlo: “Ano ba?!!! Yung sagot mo!!! Hinihintay ko. Ano na?”

Ayan na. Tinatanong nya na sa akin yung sagot ko. Wala akong choice kundi… Kundi sundin yung utak ko… At pakalawan yung taong ginusto ko for 2 years.

Yana: “Sagot??? Saan? Nababaliw ka ba?”

Umiwas ako ng tingin.

Hayyyy…

O, Ayan!!! Tingin nya nanaman shunga shunga ako dahil nagkunwari ko na hindi ko nagets yung naputol nyang sasabihin kanina. Sana lang... Tama yung naging desisyon ko.

Carlo: “De bali na. tsss”

Tama nga sya. Ayun na nga yung huling beses nyang itatanong sa akin yun.

Yana: “Ang weird weird mong lalaki ka! Hindi ko nga kasi alam. Ipaliwanag mo yung tanong mo! Kas--"

Hindi nya na pinatapos yung sinabi ko at kaagad na syang lumabas para puntahan sina Brixter.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung maikli lang tsaka medyo natatagalan na yung paguupdate :( huhuhu sobrang busy kasi talaga. Nagstart na kasi ang school days. Kamusta kayo? hahaha Thank you sa patuloy pareng nagbabasa ng MMSH =))))))))))))))))))))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon