My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 8

22 0 0
                                    

(Yana's P.O.V paren iteeez)

- Sumunod na araw -

Amboring naman ng klase ngayon *Hikab* Kaya wala akong maggawa kundi lumingon ng lumingon kay Carlo. Para naman hindi ako mabored masyado! Cheesy ko nanaman masyado. Haha

Lumilipad nanaman yung isip ko. Lingon ako ng lingon kay Carlo. Napapansin nya kaya yung mga paglingon ko?

Buti pa si Sis, Katabi sya -____-

Inlove ba talaga ako ng bongga sa kanya? Ayy,Oo nga pala pinapadescribe sa akin ni Carlo kung anong itsura nya diba? Sa totoo lang... Hindi naman sya ganun kagwapo, e. (Carlo: Hoy, Anong pinagsasabi mo? Kaya ka nga nagkagusto sa akin dahil sa kagwapuhan ko, e!!) Tumigil ka nga dyan! Alis, Alis!

Anyway back to the real thing... Sweet kasi si Carlo kaya... Kahit hindi sya maappeal, Magkakagusto ka talaga sa kanya. Uhmmm, Makapal yung kilay nya! haha, Lagi ko nga syang kinukumbinsi na ahitin ko, e. Ayaw naman nya -___- Pero kahit na makapal yung kilay nya  bagay pa rin kanya. yieee!  Yun nga unang nagustuhan ko sa visual features nya, e.  

Basta. Ayun na yun. Di gaanong kagwapuhan, sweet at makapal ang kilay! hahaha at isa pa nga pala. Makakalimutan ko ba naman 'to... Isa syang... DAKILANG PLAYBOY! PWE!!! kainis sya. Maya't maya lagi syang may kausap na babae sa iba't ibang section :P

Hindi ko namalayan na natapos na pala ung subject namin sa kakaisip ko sa mga bagay bagay. Ano ba yan!

Pam's P.O.V 

Break time na... Malapitan na nga si Yana para ayain na na bumaba at kumain kasama ang barkada.

Teka...

Mukang nagdedaydream nanaman ang bruhang 'to. Magulat nga.

Mula sa kanyang likod ay naisip kong sigawan sya sa tenga. hahaha

Pam: "HUY, YANA VILLANUEVA!"

Yana: "Ay, kapal kilay!!--"     Napatingin sya sa likod nya...

Yana: "ANo ba yan, Pam e!!! Bat ka naman nanggugulat?!'

Pam: "Sumosobra ka na kase sa pagde-daydream. Teka... Kapal kilay??? Carlo nanaman, no?"

*POK* pinitik ko sya sa noo. Para naman magising sya.

Yana: "Araaaay!!! Sis naman, e!!"

Pam: "Hala, Sige! Tara na nga! Hinihintay na tayo nila Brix. Kain na tayo!"

Brixter's P.O.V

Antagal naman ng mga babaeng yun!! Gutom na gutom na ako, eeee.

*

Pam: "Nandito na kameeee~"

Brix: "Antagal-tagal nyo naman!!! Gutom na gutom na ako, e."

Pam: "PG ka lang masyado! Che!"

Yana: "Pasensya na, Brix"    Tsk, Buti pa si Yana, Marunong magpaumanhin. Sira ulo talaga tong si Pam.

Carlo: "Away nanaman kayo... Tara na ngaaa." 

Tumabi agad si Yana kay Carlo at hinila nya yung braso nito. Naiinis si Carlo pero nginingitian lang sya ni Yana. Nakahawak sya sa kanya habang naglalakad kami papuntang canteen. Ano ba 'tong dalwang 'to... Masyadong showy. Kahit hindi sila magsyota, Mapagkakamalan mo talagang magsyota sila, e...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 The very bubbly Brixter De Guzman on the multimedia ------->

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon