Naisipan kong gawin na lang yung assignment ni Carlo sa break time namin. Hindi kasi ako makasingit sa klase, e. Papagalitan lang ako nung mga teacher pag nahuli nila ako gumagawa ng assignment sa ibang subject. Bwisit kasi 'tong si Carlo, e!!!
*
Unis' P.O.V
-Break time-
Nicolo: "Unis, Kain na tayo..."
:')
Unis: "Ah- Ah... Sige. Tawagin ko na si Yana!"
Etong si Yana!!! Kaylangan nalang laging tinatawaaag!
Unis: "Oy, Villanueva! Tara na. Kain na..."
Yana: "Ah... Sige. Mauna na kayo. May tatapusin pa ako, e." Busy??? Matignan nga... Ano ba 'to?
Unis: "A-HAAAH!!!" Inagaw ko sa kanya yung notebook nyang hawak at binasa. Ano ba 'to?
Unis: "Car... lo. ANO KA BA!!! Notebook 'to ni Carlo! Ginagawa mo nanaman yung assignment nya?!" Hinagis ko sa sahig yung notebook. Kahit kaylan talaga 'to si Yana, Tatanga-tanga. Eto namang gagong si Carlo, tinetake advantage. Sira-ulo...
Yana: "Tinext ko na nga sya kagabi para paalalahanin na may assignment. Shunga kasi nung lalaking yun, e. Ano ba! Ba't mo naman binato?!" Umupo ako sa tabi ni Yana...
Unis: "Yana... May nabasa ako."
Yana: "Ano naman yun?" Tas pinulot nya sa sahig yung notebook ni Carlo. tsk!
Unis: "Huwag mo na nga pulutin yan! Tatlong gabay para iwasan ang pagiging tanga sa pag-ibig!!!"
Hindi sya sumagot at pinagpatuloy yung pagsusulat nung assignment ni Carlo.
Unis: "Sabi daw dun....
Una, Huwag kang tanga.
Pangalawa, Huwag kang tatanga-tanga at pangatlo,
HUWAG KANG MAGTANGA-TANGAHAN!!!" Napatigil si Yana at tinignan nya ako ng masama. Nakakatakot naman 'tong bruhang 'to.
Lumayo ako konti baka dakmain ako, e. haha
Unis: "Bahala ka nga dyan... Sa sobrang pagmamahal mo kay Carlo, Nagbubulag-bulagan ka sa mga katarantaduhan na ginagawa nya sayo. Kapit ka ng kapit, Sa tingin mo ba sayo lang kumakapit yung gagong yon?! tanga-tanga ka talaga."
Hindi ko kinaya yung dramang yun at umalis na. Kakain na lang ako. Naaawa kasi ako sa kanya. Matagal nang ginagawa sa kanya yun ni Carlo, Hindi pa rin sya natatauhan. Mahal nya masyado yung tao. tsk
Too much love will kill you, guys.
Nagpunta na ako sa canteen. Pinauna ko sila kanina dun kasi kinakausap ko pa si Yana. Buti na lang at pagkadating ko dun ay may pagkain agad ako. Inorder-an ako ni Nics. Hayyyy :')
Carlo: "O, Asan si Yana?" Sinabunutan ko sya para gantihan sya para kay Yana.
Unis: "Gago! Bilhan mo nga ng pagkain yun pagkaakyat!"
Nagtaka lang si Carlo sa sinabi ko, Isa pa 'tong tanga, e!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andaming harsh words sa chapter na 'to. haha
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Novela JuvenilSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.