Unis’ P.O.V
Napakamot ako ng ulo… Ano ba naman ‘to?! Papasundo pa. Sandali lang naman siguro sila, e. tss
Bumaba na ako…
-Tapat ng clinic-
Sinigawan ko na sila kahit nasa malayo pa lang ako.
Unis: “Hoy, Tatlong mokong!!!”
Napatingin sila sa akin. Hahaha, katuwa yung itsura ng mga ‘to, oh. Mukhang inip na inip na ren. Lumapit na ako para sabihin yung pakay ko.
Unis: “Akyat na daw!!”
Brixter: “Grabe ka naman. Namiss mo agad ako? Nakakahiya naman at babae pa ang sumusundo.”
Ang kapal!!! Inirapan ko na lang sya. Nakakainis yung mukha, ampu. Si Nicolo sinusundo ko!! Hindi ikaw!
Carlo: “Tumigil ka nga dyan, Brix.”
Nicolo: “…”
Ano ba yan. Buti pa si Carlo kaya akong ipagtanggol kay Brixter! Hello, Nicolooo? Natatameme ka nanaman -____- Hindi ka man lang ba magseselos sa pinaggagawa ng mokong na ‘to? Hayyy, Muka namang walang pag-asa. Tss
Unis: “… Ayaw nyo lang umattend ng klase, e! Ano? Sino sa inyo ang magpapaiwan?”
Yun. Sinabi ko sa kanila yung sabi ni Mam. Nagaaway pa sila kung sino gusto magpaiwan. Lahat sila ayaw umakyat. Ano ba??? Magdecide na nga kayo!!!
Sa huli nagkasundo na sila na si Carlo yung maiiwan. Syempre. Prince Charming ni Yana, e. Omg, Di ko agad naisip na… Na… Maiiwan pala ako sa dalwang mokong na yun kung si Carlo magpapaiwaaaaan?!
Nung nakaalis na kaming tatlo… Ganto yung pwesto namin. –Brix-Unis-Nics-
Talagang pinaggitnaan pa nila ako?! Ang awkwaaaard! Walang nagsasalita pero mukang naglalamangan sila.
Nung paakyat kami ng hagdan, Pinauna ako ni Nicolo tas inalalayan pa! Hinawakan nya ng konti yung bewang ko. Parang ganung alalay. Kinilig ako konti pero mukang ayaw magpatalo ni Brixter.
Nung papasok naman kami ng classroom, Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Brix.
Ano ba naman kasi 'to!!!!!
Gusto ko si Nicolo. Kaya lang nagguguluhan ako ay Brixter. Gusto nyo yung straight to the point na? ... Wala naman ako nararamdaman sa kanya, e. Kaya lang ayaw kong sabihin yung sa kanya dahil… Dahil baka masaktan sya tas baka maapektuhan pa yung pagkakaibigan namin... At isa pa, Naniniwala ako na mas bagay talaga sila ni Pam. Napakabulag naman kasi netong Brix na ‘to, e! >.<
-------------------------------------------------------------------------
Eunicia Valdez/Unis on the multimedia ----------->
hehe
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.