*Dug, dug* *Dug, dug*
Kinakabahan ako sa rason nila papa kung bat sila aalis :( Ambilis ng tibok ng puso kooo.
Pa: "Yana... Babalik na kasi sana kami ng Ilocos."
Nanlaki yung mata ko. Maiiwan ako magisa dito?
Ma: "Mahirap ang buhay dito."
Hindi naman ako nagiging emosyonal sa harap nila ng ganto pero nararamdam kong pa-iyak na ako...
Ma: "Malaki ka na. Siguro naman akaya mo na muna mabuhay ng ikaw lang muna ng pansamantala, Anak."
Pa: "Magiipon lang kami sandali. Ba... Babalik kami sa gradution mo. Ipinapangako namin yan."
Ma: "Basta... Please, Anak ko. Iingatan mo sarili mo haaa"
Huuu... Hindi na rin nila napigilan at naiyak na ren sila. Bat ba sila ganto? Naiiyak na ren tuloy ako...
Yana: "Ako ang nagiisa nyong anak tas iiwanan nyo ako dito?! .... Joke! OKay lang po saken, Ma, Pa. May magagawa pa ba ako? Basta... Siguraduhin nyo lang nababalik kayo sa gradution ko, ah!"
Tumango sila. Ang drama naman ng mga magulang ko. Hindi ko na nga napigilan at umiyak na rin ako...
Yana: "Mahal na mahal ko po kayoooo" huuuu. tas yung nagyakapan kami. grabe.
*
*Kriiiiiiing!!!!*
Nakakaantok pa, e. Ano ba 'to!!!
WAAAAAH???? ANO KAMO? 7:05?! Kaylangan ko nang magbiheeees!!!
Umalis na nga pala sila mama. Walang gumising sa akin! 7:30 ang pasok, 15 mins. to prepare!!! KILOS NA YANAAAA!
Gora na agad ako sa school. Andaming pinagbago nung umalis sila mama. Walang gumigising sa akin, Walang nagbubunganga, Kaylangan ko pa ilock yung pinto at gate pag umaalis dahil wala nang tao. Napatagal tuloy ako lalo.
Namimiss ko na sila papa... :(
-School-
Tama nga ang hinala ko. Late nga ako -____-
Pumila na ako dun sa may guard house para magpasign ng admission slip sa guidance counsilor namin. E, Bago pa naman pirmahan yung admission slip namin, pupunuin muna nun ng laway yung muka namin dahil mamumunintik muna sya ng bonggang sermon. tsk
Oh? Nakasabay ko pala sa pila si Jashen. Kaybigan ko sya. Jane Sabelle Espinosa. Haba, no? Jashen na lang for short. hehe
Kaybigan ko sya. Pauli-ulit? haha. kayalang di sya masyadong close sa mga kaybigan ko. Kaybigan nya rin ako kaya lang di rin ako masyadong close sa mga kaybigan nya.
Kumbaga parang kahit may iba kaming mga group of friends, friends parin kami. Di nga lang kami group.
Mabait sya. Chiks yan! Sabi ng mga tao andami daw namin similarities kya parang hindi lang kami magkaybigan, Muka pa daw kaming magkapatid. Ganun pa man, Natutuwa na rin kami ni Jashen pag sinasabihan kaming mukha kaming magkapatid.
*
Pam's P.O.V
Nasaan na kaya si sis? Aabsent kaya sya? Okay lang kaya sya? Nakwento nya sa akin kagabi yung tungkol sa parents nya. kawawa naman yung sis ko...
"Tulungan na kita dyan..."
Napatingin ako sa likod ko. Yieee. Buti naman at dumadamoves na si Nicolo kay Unis.
Unis: "De. Ano... Oka--"
Tinapik ko yung braso ni Unis. Tanga tanga talaga 'to. Manay intindihin na dumadamoves nga yung tao, Tatanggihan nya. tss
Unis: "Sige" :) Yuuun. Nagkautak din.
Kasama nga pala namin sina Carlo at... Brixter! Halatang nagseselos si Brix. tss... Mabigat din yung books na dala ko, ooooy!
"Amin na nga yan!!"
Huh?? Omg?? Nagooffer ba sya ng tulong?
Pam: "Ha?" Nagpainosente ako na kunwari hindi ko narinig yung sinabi nya. Syempre, no! Kahit narinig ko, Gusto ko lang iconfirm :(
Brix: "Amin na sabeee. Tulungan na kita." Medyo nagkadikit yun kamay namin. Grabe, Parang slow motion... :')
Brix: Wag kang kiligin masyado dyan! Nagpapakagentleman lang ako." Naputol tuloy yung pagde-daydream ko! Sabi na, e! Ngumiti lang si Unis dahil alam nyang may nararamdaman nga ako kay Brix...
Pam: "Ang kapal mo, no! Ibalik mo na nga sa akin yang libro ko! Amin na!!" Inilag naman nya yung kamay nya at itinaas ito habang hawak pa nya yung libro ko...
Para naman akong tanga na tumalon talon dahil sa pagkadesperada na makukuha ko nga sa kanya yung libro ko... tss
Brix: "Abutin mo muna! :P " Aba't... Bumelat pa ang loko!! >.<
Unis: "Bagay kayo..." Natatawa naman na sabi ni Unis. Nangaasar ba talaga sya? Nakitawa na rin sina Nicolo at Carlo. Aba't pinapanood rin pala kami ng mokong na 'to. kahiyaaa
Napatigil si Brixter tas ibinaba nya na yung kamay nya... Tumatalon pa rin ako kaya pagkababa nung kamay nya naub-ob ako sa chest part nya...
Napatingala ako... Nanlaki yung mga mata nya. Nagulat kami pareho... huuuuu, Ngayon lang ako nakalapit sa kanya ng gantong kalapit... Agad naman kaming naglayo... Akwaaaaard >.<
Carlo: "Yes naman, Pre!!!" Pumigil pa sya sa pagtawa nya...
Brix: "Tumigil nga kayooo"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yieee, Brixter and Pam
hahaha
Ang pinakabatang si Nicolo Muñoz on the multimedia. Cute, ooooh. haha, batang bata pa talaga xD
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Novela JuvenilSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.