My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 13

18 0 0
                                    

Carlo's P.O.V

Mahal na mahal ako ni Yana kaya napapayag ko nanaman sya na gawin yung assignment ko. Yesss! Petiks muna mamayaaa xD

Nung break time medyo nahuli si Unis. Ewan ko dun. Tagal nakipagchikahan kay Yana... At buti naman kumikilos na si Nics, Nagorder sya ng pagkain para kay Unis! Wala na 'to si Brix!!!

Nagaaway kasi sila ni Pam kaya siguro hindi nya napansin na wala si Unis. Ang sabi ko nga sa kanya, Mas may chance kung si Pam na lang ang gustuhin nya. Halata namang may gusto si Pam sa kanya, e. Well, Honestly, Medyo nahahalata ko na rin 'tong si Brix na may konting feelings sya kay Pam. Mahinang spark pa lang pero hindi magtatagal at lalaki din yaaaan. Ewan ko sa mga 'to! Hindi maintindihan ang mga nararamdaman!

Ilang minuto rin ng nakalipas at nakadating na rin si Unis. Oh? Di nya kasama si Yana?

Carlo: "O, Asan si Yana?"    Di sya sumagot. Sinabunutan nya lang ako. A-Araaaaay!!! Ano bang problema neto?

Unis: "Gago! Bilhan mo nga ng pagkain yun pagkaakyat!"     Minura pa ako -____-

Teka, Siguro kaya hindi sumama si Yana pababa... Dahil gagawin nya pa yung assignment ko?   (Unis: Sabunutan ule kita, e! Kanina ko pa pinaparealize sayo yaaaan!!!)     Tumigil ka nga! Shooo!

… Makakakain kaya sya? Hala, Ano ba ‘tong ginawa ko? Bibilhan ko na lang sya ng biscuit  (Unis: Kanina ko pa din yan inuutos sayooo!!!)  Ano ba, Eunicia naman, e! Sabing shoooo! Wag epal sa POV ko, please. hahaha

Natapos na kaming kumain. Babalik na sana kami sa classroom pero nagpaiwan ako. Naisip kong bilhan si Yana ng biscuit. Hindi ako makakain masyado kanina, Naguiguilty kasi ako, e...

Ano nga bang bibilhin ko dito??? Ahhh, Sige. Yung Presto na lang...  PG yun si Yana at Lagi ko syang nakikitang may hawak ng ganun kaya naisip ko baka ito ang paborito nya.

Umakyat ako ng may di namamalayang may ngiti pala s mukha ko habang hawak ko yung biscuit na para kay Yana... Excited lang siguro ako kasi kikiligin nanaman yun sa akin haha...

-Labas ng classroom-

Sumilip muna ako. O, E... Kumakain na naman pala sya e! Anong pinagsasabi ni Unis?! 

Nang biglang lumapit sa kanya si  Matthew... Tsk.  Naikwento na sa akin isang beses na type ni Yana si Matt. Landi! Bahala nga sya. Ngiting ngiti pa sya, oh. Kabadtrip.

Nobobother talaga ako sa kanilang dalwa!!! tsk kainis. 

Si Matt? Nakalamang lang yan ng konting paligo sa akin! Mas matangkad ako sa kanya at mas gwapo ako sa kanya! Well, Para sa akin. Dimples nya daw yung pang akit nya sa girls. Tss, hindi naman mahilig si Yana sa dimples... Hindi nga ba? >.<

Kampante naman akong hindi nya magugustuhan si Yana. Isip bata si Yana, Mataas standard nyan sa girls. Kaso… Pano kung si Yana magkagusto sa kanya? Tss

Basta. Relax ka lang, Carlo! Di yan magugustuhan ni Yana. Whooo!

Nagstay na lang ako dun sa labs ng classroom hanggang di pa time. tsk, nakakainis sya... Teka, Bat ba ako inis na inis? Dahil may kasama syang lalaki?! Napakababaw mo naman Carlo!

Alam ko na!

Nakita ko si Jashen... Nakatayo sya dun sa may corridor at nakatingin sa quadrangle. Muka namang di busy kaya nilapitan ko na :)

Para naman hindi masayang ‘tong binili ko ibibigay ko na lang sa kanya, no. Dahil kasama nya si Matthew na kaybigan ko, Sasamahan ko din si Jashen na kaybigan nya! Kala nya, ah! Now we're even :P Magsama kayong dalwa! Che

Carlo: “Gusto mo?”

Inabot ko kay Jashen yung Presto.

Ja: “Ha? Bat naman?”

Carlo: “Anong bat naman?! Binibigyan kita ng pagkain. Ngayon lang ba may nagbigay ng pagkain sayo? Tanggapin mo na lang!!!”

Ja: “Oo na! Bat kaylangan manigaw?!” >.<

Nagalit agad sya? Ibang iba ‘to kay Yana. Si Yana Pag binigyan ko ng pagkain, Tanggap agad. PG, e. Si Yana pag sinisigawan ko okay lang sa kanya. Sya nga lang yung babaeng nababatukan ko tsaka nawre-wrestling ko, e. Okay lang kasi sa kanya.

Teka, Teka! Bat ko ba sila pinagkukumpara? Tigilan mo na nga ‘to, Carlo! O, ayan. Kinakausap mo pati sarili mo!

Ja: “Bat mo ba ako binigyan neto?”

Carlo: “Andami mo namang tanong. Kainin mo na lang!”

Sumimangot sya. Nagulat ako. Hala, Nasaktan ba sya sa sinabi ko?

Carlo: “Yan… kase… Para dapat yan kay ano… Kay Yana.”

Sabi ko sa kanya para di na sya sumimangot. Tumingin ulit ako sa loob ng classroom nakita ko nanamang nagtatawanan sila ni Matt. Tss, tss

Carlo: “Kaso kasama nya si Matt. Kaya sayo na lang. Oh! OKAY NA?!”       Tumigil na sya sa pagsisimangot nung narinig nya ung rason ko. tss

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

May bago nanamang character! Si Matthew Vecera. Nakakalitoooo na... Pero keri ko 'to! hahaha Sana hindi rin kayo malitooo. Mukang hahaba yung chapters andami na kasing characters T-T

Ty sa mga nagbabasa pareeeen

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon