My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 9

17 0 0
                                    

Habang nasa canteen kami, Ganto yung pwesto namin sa table...

Brix-Yana-Pam

Nics-Carlo-Unis

Magkakaharap yan. Ano ba yan, Kaharap ko si Nics. Pero, Buti na lang at hindi nya katabi si Unis. Okay na yun. Teka, Umiiwas ba sa akin si Unis? Ba yaaaan.

Yana: "E, Sis... Hindi mo naman sya kilala. Wag naaa"    Narinig kong nagbubulunga si Pam tsaka Yana. Ano nanaman ba 'to at ayaw magshare? tsk

Pam: "Hindi yan, Sis. Kilala ko sya... Lagi ko sya katext. Nakikita ko rin sya kung minsan dun sa may amin, pero di ko lang sya nakakausap pa..."

Yana: "Bahala ka... Sira ulo talaga 'to. Kaylan nga ba ulet?"

Pam: "Matagal pa naman. Next next week pa!"     Naisip ko sumingit sa usapan nila. Naririnig ko kasi, e! Talaga 'tong si Pam, Malandeeee! tsk, tsk

Brix: "Hoy, Talaga ikaw babae ka!"    Nagulat silang dalwa sa pagkakasigaw ko.

Pam: "Ano nanaman ba?!"     Napatayo sya. Ang OA naman neto... Pinaupo sya ni Yana. Nakakahiya kaya...

Brix: "Baka... Rape-in ka lang nyang taong gusto kang imeet. Ugok ka talaga!"

Pam: "Ang kapal ng mukha mo. Chismoso ka talaga... Kakilala ko kaya yun. Tsaka... Bat ka ba nangingialam?!"     Tumayo nanaman sya. Ano ba 'tong babaeng 'To!

Brix: "... Wa... Wala lang."     Gusto kong sabihin sa kanya na baka mapahamak lang sya, baka may mangyaring masama sa kanya kaso. for sure, Magaasume nanaman 'to. haha.. wag na nga :P

Yun. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain... tss

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yana's P.O.V

Yes! Uwian na!!!

Pagkauwi ko, Hala? Ano 'to? 

Yana: "Oh? Ma?, Pa?"     Ano nanamang trip ng mga 'to at nagiimpake. Hindi nyo ako sinasali, ah!

Ma: "Yana, Anak. Nandito ka na pala!"

Yana: "Hinde. Picture ko lang 'to. Mama talaga, oh. Obvious naman diba?"

*POK* Binatukan ako ni mama. Kaya nagiging ganto utak ko, e!! Ansakit, haaa.

Yana: "Arayyyyy!! Ma naman, e."

Ma: "Kasalanan mo yan. Bastos talaga tong batang 'to!"

Yana; "HAHA, Joke lang e! Ano meron? Bat kayo nagiimpake?"

Pinaupo nila ako dun sa may sala. Ano 'ba to? Masyado silang seryoso. Nung nakaupo na sila, Napatayo ako bigla dahil bigla akong may naalala.

Yana: "KAYONG DALAWA~!!!" 

Tinignan ko sila ng masama... 

Yana: "Hindi nanaman kayo nagbayad ng renta sa bahay, ano? At... Plano nyo akong iwan dito para ako na lang ang mamoblema sa mga kalokohan nyo? Ano? Umamin kayo?! Talaga namaaaaan."

Nagwala ako pero triny nila akong pigilan. Oo, Ganyan kaming pamilya. Pasensya na, ha. Pero masaya magkaroon ng kapamilyang tulad nila. hehe

Kaya nila akong iwan kasi... May sumusuporta sa akin pagdating sa financial na gastos. Sino?? Yung syota kong kano! HAHAHAHA. De, joke. Yung tita ko. May card na sya na ibinigay sa akin bago sya pumunta ng Hongkong at dun manirahan. Close kami nun kaya naisipan nya akong tulungan. So, Yun. Tinitipid tipid ko yung perang nilalagay nya sa banko ko para matustusan yung pangaraw-araw kong kailangan.

Yung mga magulang ko? Pft! Hindi naman talaga sila taga dito, e. Taga Ilocos sila. Ako lang naman yung unang pumunta dito. Hinatid nila ako dito sa Maynila nung Grade 4 ako, sabi ko kasi gusto ko dito magaral at tumira dun sa tita ko. Ewan ko ba ngayong 4th year na ako, hindi pa ren sila bumabalik dun. Wala sila trabaho dito, Puro sideline. Dun sa Ilocos, May pwesto sila sa palengke dun... O, Ayan. Now you know! Hindi kami ganun kayaman. Libre lait naaaa haha joke

Pa: "Teka. Yana, Anak!! Huminahon ka muna!"

Yana: "Anong huminahon! Saan nanaman tayo kukuha ng pambayad nyaaan!"

Ma: "Nabayaran naman namin yooon!!!"

Tumigil na ako at himinahon nung narinig ko yun mula kay mama. Hayyy, Buti naman. Talaga tong mga 'to!

Pa: "Yana...."

----------------------------------------------------------------

May feelings rin ba si Brixter kay Pam? Ano kayang Mangyayari kay Pam dun sa meet-up nila nung katext nya na sabi nya kilala nya naman? May aminan bang mangyayari?

 Ano naman kaya ang rason ng mga magulang nya at aalis sila?? o.O

Daming tanong, e no? haha

Lahat yan.....         ABANGAAAAN!!! =)))))))))))))))

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon