Yana's P.O.V
Tsk. Di man lang nagbother si Carlo na bilhan ako ng pagkain.
*Bruuuuuup*
Napahawak ako sa tyan ko. Naggrowl yung tyan ko. Ano ba 'to??? T-T Gutom na talaga ako. Konti na lang naman 'tong kaylangan sagutan sa assignment ni Carlo. Tatapusin ko nalang 'to tas kain na ako. Nako, Sana hindi pa magtime T-T
Habang busy ako a pagmamadali magsulat sa upuan ko...
"Hi!"
Tinaas ko yung kilay ko. Huh? Napatingala ako...
Yana: "huh?" Napangiti ako, Nung nakita kong si Matthew pala yun.
Yana: "Oh? Matt?"
Matt: "Kumain ka na ba? Mukang kanina ka pa dyan, ah?"
Yana: "Hindi pa nga ,e. Kaylangan ko pa tapusin tong assignment ni Car--"
Matt: "Sabi na, e. Ikaw lang naman ang magsasakripisyo ng ganyan para kay Carlo, e. Kumain ka muna." OMG! Totoo ba 'to?! :')
Binigyan ako ni Matt ng makakain. In fairness, Mukhang sosyalin yung binigay nya sa aking pagkain. Nakakahiyaaaa hahaha pero nakakalig. Kibs na 'to!
*
Yana: "Thank you sa pagkain, ah! Hayaan mo... Ililibre kita minsan para naman maging even na tayo!" Nginitian ko sya at nginitian nya naman ako pabalik... Ang cute talaga ng dimples nyaaa!!
Carlo's P.O.V
Nung tumingin ako sa paligid nakita ko sila Yana tsaka Matt papalabas ng classroom. Nagkatinginan kami ni Yana pero agad kong iniwas yung tingin ko sa kanya.
Carlo: “Magkunwari kang tumatawa. bili!!!”
Ja: “Huh? Bat naman?!”
Carlo: “Napakadami mo talagang tanong, tumawa ka na lang!!!”
Nagulat sya kaya sinunod nya na lang yung utos ko.
Tas tumingin ako kila Yana. Nakita kong sumimangot sya nung nakita nyang nagkukunwaring tumatawa si Jashen. Yes!!!
Now we're even, Yana :P
*
Nung dumating na ulit yung teacher namin, napansin kong biglang medyo naging mailap si Yana sa mga paglingon nya sa akin. Halatang halata ko kaya misan na minu-minuto lumilingon sya! Nagalit kaya sya?
"Hoy!"
Aray!! Ano ba 'tong Pamela na 'to! Pwede naman akong tawagin ng maayos tinapat pa sa tenga ko. tsk
Pam: "Hoy, Carlo! Ayieee, Tingin ka ng tingin kay Yana, ah? baket?" Sinabi nya ng mahina baka kasi mapagalitan kami ng teacher namin. Andaldal talaga neto. Nagopen ng topic habang may klase. Pag kami napagalitan! Nako talaga 'to.
Carlo: "Pinagsasabi mo dyan? Hi... Hindi, ah. Hindi ko nga sya tinitignan. tsk" Pautal-utal kong sinabi.
Pam: "Aysows!! Kunwari pa. Carlo, Sabihin mo nga... Mahal ba si Yana? May nararamdaman ka ba talaga sa kanya? ha? HA??" Pangungulit nya habang shineshake pa nya yung kabilang balikat ko.
Carlo: "Ano ba yang tanong mo!! Ang wierdo mo. tsk! Bat ikaw? May nararamdaman ka ba kay Brix?" Triny kong ibahin yung usapan namin. Para naman kasing sira ulo 'to Bigla bigla nalang magtatanong ng ganun -____-
*POK* Ahhhh!!! Ang haras naman nito kausaaap >.< Kaylangan pang batukan ako.
Pam: "Hoy, Carlo Perrera! Wag mo nga ibahin yung usapan."
Carlo: "Araaay! Shhh! Wag ka nga maingay. Biro lang naman, e."
Pam: "... Ano na? Ano nang sagot mo???" Pinandilatan nya pa ako ng mata. Parang tinakot ako at malalagot ako pag sinabi kong hindi ko mahal si Yana.
...
Medyo matagal bago ako nakasagot. Nagsalita nanaman sya.
Pam: "Mahal na mahal na mahal ka ni Yana. Ang OA na nga nun, e. Makonsensya ka naman..." tumawa sya. sira ulo talaga 'to.
Pam: "Wag kang mainis sa akin. Pero... Seryoso naman talaga ako, e! Labs ka nun. E, Ikaw?? Labs mo ba sya??"
O.O
Nagkaroon nanaman ng maikling silence...
Pam: "Wag kang susuko, ah? Naiintindihan kita. May pagkashunga yun pero gustong gusto ka talaga nun maging boypren." Nagthumbs up pa sya. Kalahi talaga 'to ni Yana. Baliw. Tinatanong ako, Hindi naman ako pinasagot...
Pero buti na lang at hindi nya na ako kinulit kahit hindi nya pa naririnig yung sagot ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
My Mr. Source of Happiness :)
Подростковая литератураSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.