My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 15

12 0 0
                                    

-Lunch-

Lumapit ako sa pwesto ni Yana.

Carlo: “Huy, Yana!”

Hindi sya sumasagot. Binabalatan nya lang yung dry lips nya tas tinitignan yung notebook nya. Gawain nya yung binabalatan nya yung labi nya. Hayy, Kaya laging may sugat yung labi nya, e!

Carlo: “Yana!!!!”

Hinampas ko ng mahina yung kamay nya para tigilan nya yung pagbabalat sa labi nya. 

Yuuuun. Tumingin na ren sa akin. Hinawakan ko yung mukha nya, Nilapit ko konti yung mukha ko pero she looked away... Wala akong paki, Tinignan ko na lang maiigi yung labi nya. 

Carlo: "Aaaaaish!!! Tignan mo tuloy yung labi mo?? Nagdudugo nanaman, oh!"  Hinawakan ko yung parte na may sugat ng dahan dahan.

Carlo: "Masak-- Masakit ba???" Hinimas himas ko yung labi nya. Hindi paren sya tumitingin ng diretso sa akin..

Your soft lips tempts me...  Those luscious pinkish lips... Maybe... to lay a kiss on your lips... Ito na siguro ang magiging pinakamarap na bagay...       

Napatingin na sya sa akin ng konti. Mas lalo akong napalapit sa mukha nya... Parang nagstop yung buong paligid... Ano ba 'to?? Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Kinagat ko ang sarili kong labi...

Isang halik lang namannn... Okay lang naman siguro sa kanya..

Carlo: "Tsk. Tange ka talaga! Sinisira mo yung maganda mong labi, e! Sige ka, Magiging istorbo yang sugat pag hahalikan kita... Magrereklamo ka nun kasi masasaktan ka..."    

Biro ko sa kanya... Buti na lang at napigilan ko ng konti ang temptation. Muntik na yun! Sa wakas at napangiti ko din sya pero pinipigilan nya. She looked away nanaman...

Lumuhod ako. Di naman actually yung ‘luhod’. Basta parang umupo para masilip yung muka nya. Nakaupo kasi sya, e. Hinawi ko yung buhok nya na medyo pumupunta sa mukha nya. Ang haba kasi ng buhok nito.

Carlo: “Tampo ka?”   Tumingin sya saken. Medyo matagal bago sya sumagot.

Napalayo ako konti dahil paniguradong mapupuno ng laway yung muka ko dahil sa gagawin nyang sermon sa akin.

 Yana: “Bat naman?”       Sumimangot sya. Mali ang inakala ko. Maikli lang yung reply nya sa sinabi ko.

Pero… Sabi na nga ba bibigay ‘to, e. Kahit naman hindi nya sabihin nahahalata ko, e. Ampakipot talaga!!! Hahaha

Carlo: “Hindi ka galit?”

Yana: “Hinde!!! Bat naman? Tumayo ka nga dyan!!”

Yeees!! Sa tono nyang yan, Halata naman galit sya sa akin, e. Hindi lang talaga ako neto matitiis.

Carlo: “Wala lang. kumain ka na ba?”, Tanong ko sa kanya.

Yana: “Andyan na yung assignment mo. Oo, kumain na ako. Shinare ni Matt yung pagkain nya sa akin! Buti pa sya!!”

Carlo: “Tss. Buti pa sya -___-  Wag ka nga lalapit dun!”    Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko.

Umuurong yung dila ko. Bat di ko masabing binilan ko sya ng pagkain kaso nakita ko na syang kumakain kasama yun?!

Yana: “Bat naman?! Alam mo… buti pa nga si Matthew, e!!! Andaldal nya kahit kaming dalwa lang. Andami nyang nakwekwento sa akin. Mabait pa sya sa akin hindi tulad mo!!! Ang mean mean mo sa akin!!! Lagi mo akong niwre-wrestling!!! Pero yung ibang babae naman dyan ni hindi mo nga masigawan, e!!! Konting kembot na lang mawawala na yung nararamdaman ko sayo at si Matt—”

O.O

Nakita kong medyo naluluha na sya... Nagselos kaya sya kanina kaya nya 'to nasasabi sa akin? 

“Nagaaway nanaman sila?”

“Hindi pa ba talaga sila couples? Parang hindi naman kapani-panilawala…”

“Kaya nga! Pero ang cute nilang dalwa!!”

Of course, May side comments nanaman sa amin ang butihin naming mga kaklase! -__-

Napahawak si Yana sa bibig nya. Kahit sya nashock ata sa mga nasabi nya, e. baliw talaga

At ano??? Bat sya napatigil?! Si Matthew na lang gugustuhin nya? Ang hirap sa kanya napakadami nyang gusto, e. May magawa lang konti sa kanya yung tao, Gusto nya na agad?! Tss

Carlo: “At ano??? Tss! Magsama kayo!!!”

Tumayo ulet ako. Nakakabadtrip na sya suyuin. Hindi naman kasi 'kami' para pagsabihan ko sya na wag lumapit kay Matt. Nakakainis. tsk

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LQ? hahaha

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon