My Mr. Source of Happiness :) - Chapter 3

39 1 0
                                    

(P.O.V pa rin 'to ni Yana haaa)

Habang tuwang tuwa akong titigan sya. Masyado ata akong nalibang. Nagising na lang ako sa aking pagpapangarap nung narinig ko na tinatawag ako nung mga kaybigan ko. 

"Yana!!!" -Pam...

Yung babaeng hanggang kili-kili lang ang buhok, Maganda at medyo maputi na yan? Sya si Pam. Ang no. 1 sis ko! Four years of friendship and still counting. Chiks yan! Gagawin nya ang lahat para sa akin. Labs nya ako, e xD

"Isip Bata!!!"  -Unis

Yan...? Nako, Yan? Wag na! Katamad ipakilala, e. HAHAHAHA joke. Partner ko naman yan sa mga kalokohan. Loka-loka yan. Kung asarin ako kala mo naman, Matino din sya. haha. Ang pagaasaran namin ang way namin to show our love for each other. Visual features? Panget!!! haha, Joke. Malalim ang dimples, Medyo singkit at maganda. Lahat ng kaybigan ko magaganda, no!

"Nanaaaa...!!" -Brixter

Kakaiba pangalan nya, Ano? Cool nga, e. Lintek, Napakapogi nyan. Matangkad, May pagkachinito, Team Captain ng basketball team. Oha, San ka pa? Bespren nya si Carlo. Major kaasaran naman ni Pam. Ewan ko ba sa dalwang yan. Laging nagaasaran. Bagay nga sila, e. Kaso ang sabi nya gusto nya si Unis. Parang hindi naman? Sinasabi nya lang ata yun, e. May mahal na iba si Unis!! Kaya kay Pam ka na lang, Brixter! Okay, Madami na masyado na nirereveal ko. Enough.

"..." -Nicolo

Kakasali nya lang sa barkada. Sya pinakabata sa amin. Baby nga tawag namin dyan, e. haha! Tahimik yan minsan pero pagbumira, sasakit tyan mo kasi laging 'havey' yung mga jokes nya. Gwapo din yan. Alam nyo yung mga lalaking kahit hindi kaputian, Sobrang appeal paren? Ganun sya. Eto... Eto yung sinasabi kong mahal ni Unis. Bagal kasi neto, e. Mahal sya ni Unis, Mahal nya si Unis... Loading paren ang pangyayari. tsk, tsk

(A: Sya nga pala, Barkada din nila si Carlo. Mangyari nga lang na sobrang close ni Carlo sa lahat ng estudyante kaya andami nyang sinasamahan. Pero sila yung totoong barkada nya. hehe)

Sobrang pagda-daydream? Hindi ko namalayan na kaya pala nila ako tinatawag... Eee, Nasa gitna pala ako nung mga elementary varsity players na naglalaro ng volleyball.

Tas…

*POK!*

Carlo's P.O.V

Humiwalay muna ako sa barkada. Tinawag kasi ako nung P.E teacher namin, Si Sir. Rafael. Tas nung on the way na ulit ako papunta sa mga barkada ko, Nakipagkwentuhan naman sa akin bigla yung iba kong kaybigang lalaki. Hayy, Ano ba ' to.

Nung nakikipagkwentuhan ako, 

*POK!*

may narinig kaming isang malakas a balibag. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong may pinagkakaguluhan yung mga elementary kaya lumapit kami ng mga kaybigan ko.

Carlo: “Anong nangyayari dito?”

Ahh— Pero, teka? Hindi naman obvious diba? Nakaupo si Yana kasi natamaan siguro sya ng bola. E, bat ko pa tinatanong? Parang baliw...

... ANO KAMO? NATAMAAN NG BOLA SI YANA?! Ang kapal ng muka ng gumawa neto sa kanya!!!

Carlo: “Okay ka lang ba?”

Nilapit ko yung muka ko sa kanya. Syempre, Chineck ko kung nagkasugat ba sya sa mukha. Nako, Nilalagyan nyo agad ng malisya, e!

Hinawi ko yung buhok ni Yana sa mukha nya. Ewan ko ba sa kanya. Nung tinanong ko sya kung okay lang sya nakatitig lang sya sakin. Manay sumagot!

 Carlo: “Huy! Yana!!”

Hinawakan ko yung balikat nya tsaka ko sya shinake… Naduling ata lalo. hahaha! Nahimasmasan na sya siguro konti. Kaya nakasagot na sya.

Yana: “Ha—Haaa?”

Sobrang close pala nung mukha naming dalwa. Napalayo ako konti.

...

Bilog na bilog talaga yung mata nya tas ang haba nung pilikmata nya. Kung ako tatanungin, Yung mata nya yung pinakamagandang part ng mukha nya...

Tss, A… Ano ba ‘tong iniisip ko!

Carlo: “Sabi ko, kung okay ka lang ba?!"

Yana: “Ha? Ahh. Okay na ako… Ika… Ikaw ba naman na ang kaharap ko, e!”

Tumawa yung mga elementary students tsaka yung mga kaybigan ko. Tsk

Yana: “Joooooke!!!”

Pabirong pagpapatuloy ni Yana.

Binatukan ko si Yana. Tas sabi ko, “Sira ulo!”

Yana: “Araaaaay! HAHAHAHA! Joke nga lang, e!”

-----------------------------------------------------------------------------

Carlo on the multimedia cheneees ---->

Makikilala nyo pa ang kulitan at maikling mga love story ng mga kaybigan nya sa mga susunod na mga chapter.  Sana mageenjoy kayo! :)

My Mr. Source of Happiness :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon