Chapter 6

396 7 0
                                    

Chapter 6

Plans


Oh crap! Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito sa pinagtataguan ko lalo nang hindi umalis ang babaeng nakaupo ngayon sa folding bed. How can I sneak out something kung nandito lang ako sa ilalim? Pero mabuti rin na nandito ako sa ilalim, I got to hear 'yong mga pinag-uusapan nila sa riverside.

Nagtatalo pa sila kung amusement park or bahay ang itatayo nila pero mukhang napagkasunduan nila ang bahay at ang matitirang space daw ay gagawin nilang public park. Pero still, ang pangit pa rin ng ideya nila na sisirain ang riveriside.

What if dahil sa ginagawa nila, bahain na ang lugar namin? Hindi naman delikado sa riverside dahil may railings naman kaya safe pero dahil sa gagawin nila ngayon, may posibilidad na maapektuhan ang kapaligiran.

"Oh my gosh," nagulat ako ng biglang may tumilamsik sa mukha ko na coffee and unluckily, nahulog pala ni girl ang coffee niya. Tumayo naman ito at kinuha ang lalagyanan ng natapon niyang coffee at lumabas ng tent.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naiwan na naman ako sa loob. Dali-dali naman akong lumabas sa ilalim ng folding deb at pinagpagan ko ang sarili ko.

"Shit lang, amoy coffee na ako." Ani ko pa.

Naghanap naman ako ng towels o kahit anong pwedeng ipang-punas and luckily I found one. Agad ko namang kinuha ang panyong iyon at pinunas sa balat kong naglalagkit na.

"Who are you?" agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nakalimutan kong isang private property nga pala 'tong kinatatayuan ko. Dahan dahan naman akong napaharap sa babaeng nagsalita at napataas na lamang ang dalawa kong kilay kasabay ng pagkunot ng makita ko ang mukha ng babaeng kaharap ko. "Sino ka? At anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka ba?" aakto sanang lalabas siya para humingi ng tulong pero agad ko siyang pinigilan.

"Hindi, wag, please," pagpigil ko pa.

Inalis naman niya ang mga kamay ko sa braso niya at sinamaan ako ng tingin, "anong sa tingin mo ang ginagawa mo dito? Kung hindi ka magnanakaw, ano?" mataray nitong tanong sa akin.

Humugot naman ako ng buntong hininga bago ako magsalita. Naku, wrong move ka talaga kahit kailan Courtney.

"Please, 'wag mo munang ipagsabi na may outsider dito sa tent please?" pakiusap ko pa sa kanya.

Dinahan-dahanan naman niya ako ng tango at sinara naman ang pinto ng tent. Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin, nandoon pa rin sa mukha niya 'yong pagkamataray niya at kaunting takot.

"So sabihin mo sino ka?" simula nito.

I clear my throat, "a-ah, ako si Courtney..." inabot ko pa ang aking kamay para makipag-shake hands sa kanya pero tiningnan niya lang ang mga kamay ko.

"Courtney, nice." She smirked. "Now, tell me, anong ginagawa mo ngayon dito sa loob ng tent?"

"Wait, actually-"

"Hep, 'wag mo sabihing killer ka? Hindi ako magda-dalawang isip na magtawag ng tao dito."

"No, please, hindi ako killer o kung ano mang masamang tao na iniisip mo. Nandito lang ako dahil gusto ko malaman kung anong gagawin dito sa riverside." Tuloy-tuloy kong tugon sa kanya, kasi baka pigilan na naman niya ako at pangunahan pa.

"Oooh," aniya na humaba pa ang nguso. "So gusto mo malaman kung anong gagawin sa riverside?" aniya.

Tumango naman ako. "oo, gusto ko malaman."

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon