Chapter 9

311 5 0
                                    

Chapter 9

Eldine


The two weeks started yesterday for me to pay them para makuha ko ang riverside. I still don't know kung bakit hindi ako nagdalawang isip na sabihin 'yon dahil iyon lang naman ang naiisip kong plano para itigil nila ang construction sa riverside. As of now, isang rest house ang itatayo nila doon na at ang naiisip nilang amusement park noon ay binawi na nila. Masaya sana kung gano'n pero still pagtatayuan nila ng bahay just for themselves. Hindi nila alam sinira lang nila 'yong ganda no'ng view.

At ngayong araw din ang first day ko sa coffee shop nina Deyvid. I don't need to meet his parents para sa formal na pag-hire nila sa akin dahil thru Dev daw ay okay na 'yon. Busy rin naman daw kasi ang parents niya na nag-aasikaso for their next few branches.

At ngayong araw din ang kasunduan namin ni Eldine na magkita. I still don't know what to do, wala pa akong ideya sa kung anong pag-uusapan namin. If he'll talk about our past, ay naku, magwa-walk out na lang ako dahil sabi nga nila past is past and never come back, so why pa, diba?

Pero I still need to face him para ipamukha ko sa kanya na hindi ako nasasaktan kung anong nangyari sa amin noon. Isang goal din for me kagabi ng sabihin ko sa kanya 'yon ng harapan. Hindi man lang ako nabulol, naiyak or nadistract sa kanya dahil sa isip ko, Eldine Kyan Faciano is just a mere stranger to me.

"Ingat K!"

"Goodluck sa first day, C!" sabi ni Korin saka ko siya kinawayan.

Korin and I separated ways. Siya ay papasok muna sa school niya at ako naman ay pupunta na sa coffee shop. Dadaan si Korin after class niya sa coffee shop dahil isang subject lang naman daw ang pinapasok niya kaya gora siya kaagad paglabas niya. No shift naman daw siya sa mamaya sa pizza shop na pinagta-trabahuan niya. Inshort, OJT niya. Ga-graduate na kasi siya this October kaya ayun, excited na siyang matapos ang school.

Nang marating ko naman ang coffee shop. It still close. Masyado ata akong napaaga. Yeah, I used to. Dahil ayokong ma-late sa first day ko dahil kaltasan kaagad ako. I waited Deyvid for a minutes at mayamaya lang din ay dumating na siya with his bike.

"Wow, ang aga ah!" aniya habang kinakadena ang kanyang bike sa gilid ng kanyang shop.

Napangisi naman ako sa kanya, "syempre, I know it has incentives eh."

"'Yon ba talaga?" aniya habang binubuksan na ang kanyang coffee shop. Hindi ko naman siya sinagot at pumasok na kami sa loob ng coffee shop. Bumungad naman sa akin ang amoy ng kape sa paligid, kahit na kakabukas pa lang hindi na talaga maaalis 'yong bango ng kape sa paligid nito.

"So, as a new worker sa coffee shop, dishwasher ka muna." Diretsyo nitong sabi sa akin.

Nabigla naman ako sa sinabi niya, "what? Hindi ba pwedeng sa cashier? Or waitress or sa iba? Dishwasher talaga?"

He shrugged, "wala eh, alam kong iyon lang din ang maibibigay kong position sayo. As I said, matutulungan kita sa alam ko at mabilis na paraan." Aniya."So, here's your apron and all you have to do is to wash all the dishes." Ngiting aso pa ni Dev.

"Okay," I rolled my eyes to him. Just for the sake of the riverside, gagawin ko 'to.

Napalingon naman kaagad ako kay Deyvid dahil may biglang pumasok na ideya sa utak ko, "what if I ask for petition? Or anything na parang rally?"

"Is it a good idea, Court?"

Kibit balikat naman ako, "I don't know, pero what if diba? I ask for their helps para mabawi namin 'yong riverside. Alam kong hindi lang naman ako ang nalungkot sa balitang iyon kaya ngayon, after this-"

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon