Chapter 18

289 5 0
                                    

Chapter 18

Mastermind


Ayaw pumasok sa utak ni Courtney na ang taong gagawa no'n sa kanya ay ang taong lubos na nanakit sa kanya. Gusto niyang pumalag, gusto niyang suntukin si Eldine sa ginagawa nito pero hindi niya magawa dahil nakatali ang amg kamay at paa nito. Tinatawanan lamang siya ni Eldine. Hindi na lubos mapigilan ni Courtney ang pag-iyak dahil sa nangyayari ngayon. Totoo nga, mabuti na lang ay hindi na siya nagpahulog sa lalaking iyon kundi masasaktan siya muli pero ngayon hindi siya magpapatalo kahit ngayon wala siyang lakas para gawin man iyon.

"Pa'no mo nagawa 'to?!" bulyaw ni Courtney.

Ngisihan naman siya ni Eldine, "well, of course, I can." Ngisi pa nito. "And for some information, before I planned-"

"Planned? Plinano mo lahat ng ito?" taka at bakas ang gulat sa mukha ni Courtney.

He shrugged, "well, yeah, all of it, I planned everything!"

"Hayop ka!" gusto sanang sugurin ni Courtney si Eldine pero hindi niya magawa. Lalo lang siyang nanghihina.

"So, you'll stay here for a bit year, Courtney. You played, very well." At saka nito sinara ang metal door.

Napahiga na lamang si Courtney sa malamig na semento habang patuloy na bumubuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos na maisip na magagawa ni Eldine iyon sa kanya. Nagkamali pala talaga siya. Nagkamali siya ng taong pinagkatiwalaan.

Kaya ngayon, lubos niyang pinagsisisihan na nagkita ulit sila.

Dahil hopeless na mahanap nina Korin at Deyvid ay nauwi na lamang sila. Hinatid ni Deyvid si Korin sa mga Rouella. Pero nabigla naman sila ng madatnan nila ang mga pulis sa labas ng bahay nila. Wala pa rin silang ideya kung saan makikita si Courtney pero ang ikinatuwa naman ang lahat na may makuha silang kahina-hinalang kahoy na may dugo sa ulo nito. Agad naman na napasuri ito ng mga pulis para madetermina kung kay Courtney nga nanggaling ang dugong iyon at ang mga fingerprints sa kahoy na iyon.

Nakwento na rin nila Korin ang pagsunod nila sa isang van na nanggaling sa riverside palabas outside of the city. Ikinalungkot lang nila na wala naman silang nakita o bakas na Courtney doon pero kailangan pa rin nilang mahanap ang kaibigan.

Iniwan na ng ama ni Courtney ang trabaho para hanapin si Courtney kaya ngayon umaaasa pa rin silang mahahanap nila ito.

Kinabukasan ay inimbitahan ng mga Rouella ang Faciano ukol nga sa nangyaring pagbili ng lupa ni Courtney mula sa kanila. Naunang dumating ang mga Mag-asawang Rouella kasama sina Korin at ang manliligaw nito at si Deyvid. Isang araw na naman na hindil nila kasama si Courtney. Halos gabi-gabing umiiyak ang nanay ni Courtney dahil iniisip nito ang kalagayan ng anak, at pinapagaan naman ang loob ng kanyang asawa na kaya ni Courtney labanan ang lahat.

Kaya nga ba ni Courtney?

Mayamaya naman ay dumating na ang mga Faciano kabilang si Ronan Faciano at ang anak nitong si Eldine at ang fiancée naman nitong si Kristina. Pagkapasok pa lamang ng nakakatandang Faciano ay sinalubong kaagad ito ng suntok ng tatay ni Courtney na dahilan para mapasalampak ito sa sahig.

"Anong ginawa mo sa anak ko!" bulyaw pa nito habang dinuduro ang lalaki na inaalalayan makatayo. Hinawakan naman ng pulis ang ama ni Courtney.

Nagkaroon ng tensyon ang paligid na tila mga Rouella at Faciano lamang ang nag-iinit sa loob.

Pinakalma naman ng mga pulis ang bawat panig bago ito kinuhaan ng impormasyon. Naunang kinuhaan ng pulis ng impormasyon ang mga Faciano at nasa isang tabi muna ang pamilyang Rouella. Kinuwento naman ng matandang Faciano kung anong namagitan sa kanilang dalawa ni Courtney. Simula sa pagbili ni Ronan ng riverside hanggat sa pinigilan sila ni Courtney at gusto itong bilhin. Binigyan niya ng dalawang linggo ang babae upang makabayad at nagawa naman nito ngunit nagmula rin pala sa kanila ang perang pinambayad ni Courtney sa kanila.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon