Chapter 11

275 6 1
                                    

Chapter 11

Pay me


"You..." his face is serious as hell nang banggitin niya ang salitang iyon. Then he laughed afterwards, doon lang ako nahimasmasan sa ginawa niya. 'Yong mga ngiti niya, agad kong iniwasan dahil ayokong masilayan. Nakakaasar lang dahil nakuha niya pang mang-trip ha!

"Order sir?" I gulped.

At dahil sa serious tone of voice ko. Tumigil na rin siya sa paghagikgik niya. Hindi ko lang talaga siya matitigan ng direstyo sa mata niya, hindi ko alam. Ang awkward lang. Nagkataon pang ako ang kumuha ng order niya. Shit happens nga naman.

"Mocha frappe and blueberry cheesecake, miss." The way he said 'miss' to me. Ewan ko. Nakakaasar lang talaga! Kinuha ko naman 'yong cup at pentelpen sa gilid ko.

"Name sir?" I asked.

"Is that your way to make me feel like I don't exist in your life?" he said, hindi na naman ako umimik dahil ayoko nang gumawa pa ng eksena dito. "Okay, put Denden." Aniya. Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya at nang mapansin niya naman ang reaksyon ko ay nagsalita ito, "is there something wrong?" ngisi pa nito.

Mabilis naman akong umiling sa kanya at sinulat sa cup ang pangalan niya. So awkward.

"Okay," I smiled, "i-serve na lang po sa inyo sir Denden."

"Thank you... coco." Then he leave.

Halos natameme ako ng banggitin niya ang nickname na binigay niya sa akin. Napansin ko pa ang pagngisi nito sa akin. Binaling ko na lang ulit ag atensyon ko sa mga customer na nakapila. Nang wala namang nakapila ay bigla akong nilapitan ng ka-crew ko at binigay sa akin ang tray na naglalaman ng mocha frappe at blueberry cheesecake.

"Courtney, ikaw muna mag-serve, please? Thank you!" at bumalik siya sa kanyang gawain.

Wala naman akong nagawa kundi kunin ang tray at hanapin si Denden pero pambihira nga naman oh, ayaw pa magpakita. So I call out his name, "Denden?!" tawag ko sa pangalan niya. Pero wala pa ring pumapansin sa akin at muli kong tinawag ang pangalan niya, "Denden?"

"Yes, Coco?" at nanlaki ang mata ko na nasa harapan ko na pala ang taong hinahanap ko.

Fuck that! Everyone seems to look at us, watching me standing in front of this guy. I felt so red. Feeling ko namumula ako dahil sa biglang pagsagot ni Eldine sa akin. Pansin ko naman 'yong iba na kinilig, nagulat at 'yong iba wala lang, wala silang pake.

Nilapag ko naman sa table niya ang tray. At dahil narinig ko naman ang bell sa counter ay mabilis ko iyong ginawa pero pabalik na ako ng hawakan niya ako sa kamay ko.

"Please can we talk?" he beg.

"Sorry, I'm busy." At pumiglas ako sa pagkakahawak sa kamay niya at bumalik ako sa counter at kinuha ang order ng customer.

Medyo nailing tuloy ako dahil kapag ako ang maghahatid ng order ng customer sa table nila ay nagtatama nag mata namin ni Eldine. He always wink at me but I just rolled my eyes to him. Nakakapang-init siya ng ulo. Ilang beses 'yon naulit at ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya umaalis sa table niya. Kanina pa ako pabalik-balik, hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuan niya.

Aalis lang siya doon kapag mag-cr at order ng order kaya kapag nasa counter minamadali ko kunin ang order niya dahil naiirita lang ako sa kanya.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon