Chapter 7

378 8 0
                                    

Chapter 7

Plate Number


It was a wrong move na pagsalitaan ko si Korin ng gano'n, but it wasn't my fault dahil may gusto lang naman akong malaman and she had nothing to do against with it. Nagtampo siya sa akin dahil sa sinabi kong wala siyang alam sa mga nangyari sa akin, because she doesn't even know kung anong pinagdaanan ko noon. So, ngayon I wanted to apologize kay Korin.

Ngayon nasa harap ako ng bahay nila Korin. Pinandigan niya nga 'yon sinabi niyang uuwi na lang siya. Minsan hindi mo rin talaga mage-gets ang ugali nitong babae 'to pero I love her, mas komportable kasi ako kapag kasama siya pero confident naman ako dahil hindi naman umaabot sa walang pansinan ang pagkakatampuhan namin.

We'll get over with it. It will be just fine, I thought to myself.

Napalunok muna ako ng laway bago tuluyan na akong pumasok ng gate. No need for doorbells or such, kilala na ako dito. Kumatok naman ako sa pinto at tuluyang pumasok sa loob ng pinto.

"Wait lang!" I heard her voice. Ilang saglit lang din ay nakita ko na siya. Halos napakunot ang noo niya ng makita niya ako, " anong ginagawa mo dito Courtney?" she asked.

I shrugged before answer her question, "going to make up to with you?"

"Is that a question or not?"

"Ah, basta, ano babalik ka na ba sa bahay?" pagkasabi ko no'n, iniwasan niya ako ng tingin niya. "Okay, sorry sa-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sabihin niyang, "okay,"

"Huh?"

She smirked, "ano ulit ulit tayo dito? Sige, before tayong bumalik sa bahay niyo. Want to eat some dinner? Alam kong hindi ka pa nakakapagluto kasi busy ka sa..."

I shut her, "okay, okay, I will."

We had our dinner sa bahay nila Korin. Her parents didn't expect to see me dahil alam nilang hindi naman daw ako pala-bisita sa bahay nila, nahiya naman tuloy ako bigla sa kanila. And they asked me about sa parents ko, then I said na nasa business trip sila. Korin's parent and I were close kaya gano'n din kaming dalawa ni Korin. Medyo nakakalungkot lang dahil puro business ang inaatupag ng parents, well, they always said is for my future ko naman 'yon. Then, wala naman akong angal.

After naming magdinner namin ni Korin ay nagpaalam na kami sa parents niya. Sabi ko na eh, hindi mahirap suyuin si Korin eh. Habang naglalakad naman kami papunta sa bahay namin ay may natanaw naman kaming isang insidente.

At may lalo namang nanlaki ang mata ko kung sino 'yong naka-bike na nahagip ng kotse.

"Si Deyvid!" sigaw ni Korin.

Agad agad naman kaming tumungo kay Deyvid na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kalsada. Binalikan ko naman ng tingin ang kotseng humagip sa kanya, hindi man lang huminto. Grabe!

"Deyvid, are you okay?" I asked.

Hinawakan naman niya 'yong tuhod niya na malamang ay naitukod niya. "Shit," he cursed.

"Saan ka ba kasi pupunta? Gabi na." ani ko pa. tiningnan naman namin ang tuhod niya. May gasgas at namumula-mula pa iyon. "Tara, punta ka muna sa bahay, gamutin natin 'yang sugat mo." Pagpresenta ko naman sa kanya.

Pero nagulat kaming dalawa ni Korin ng tumayo na siya, "hindi na, pauwi na rin naman ako." Aniya. Iika-ika naman niyang kinuha ang bike niya.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon