Epilogue

739 9 3
                                    

Epilogue


10 years later.

It's pretty to see that everything comes peacefully. Like Courtney, mas naging matatag siya sa lahat ng bagay dahil hindi naman lahat ng bagay susukuan mo. Si Courtney, maraming natuwa dahil sa laki ng pagbabago niya, kung noon ay parang lugmok lagi sa problema at iba na ang makikita mo sa kanya. Sa isang dekadang nakalipas, marami ring nagbago sa buhay niya, sa pamilya niya. Matapos ang ilang taon na dinamdam ang sakit, tuluyan na niya iyon binaon at dinala ang mga panibagong alaala.

She's sitting on the bench, kung saan lagi siyang nakapwesto sa riverside. Natatanaw niya ang view ng riverside na siya ang nag-alaga, na mas pinaganda niya lalo ang lugar na iyon. Kung dati ay nag-aalangan siyang bilhin dati dahil sa mga pangyayari, hindi na niya inisip 'yon dahil sa ilang ba naman, ang dami niyang nakitang masasayang tao na hinahanap hanap siya.

Ang naudlot noon na pagtatayo ng bahay noon ng mga Faciano ay ginawang cabin. Libre kung pumasok sa loob dahil iyon ang gusto ni Courtney. Pwedeng tumambay doon kapag umuuluan, or minsan may times na nagbibigay si Courtney ng pwedeng ibigay, souvenir kung baga.

Mas napahamal sa kanya ang riverside. May cabin na, nagpatayo din siya ng tree house na syempre, for her lang o kaya sa mga kaibigan niya. Syempre meron din for public. Tanaw na tanaw lang ni Courtney kung gaano kasaya ang mga tao sa paligid. Tila naging sikat siya bigla noong mga nakaraang taon dahil sa pagbabagong ginawa niya.

Aalis na sana si Courtney para bumalik sa trabaho nang may matanaw siyang isang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan. Tiningnan niya ito, hindi niya alam pero natuwa na lang siya ng makita ito. Ang laki rin ng pinagbago niya. Mayamaya nang magtama ang mga mata nila, nagulat si Courtney nang biglang lumapit sa kanya si Eldine.

Bibilisan na sana niya ang paglalakad niya pero nahabol siya nito at hinawakan sa kamay.

Halos nanginig si Courtney nang malapat ulit ang mga balat nila. Sa loob naman ng ilang taon na hindi sila nagkikita, sa ngayong pagkakataon pa talaga.

"Courtney," banggit nito sa pangalan ng babae.

Dahan dahan naman na lumingon si Courtney sa kanya at nilayo ang kamay mula kay Eldine, nginitian naman niya ito. "Good to see you, Eldine."

"You changed a lot." Unang puna ng lalaki sa kanya.

Natawa naman si Courtney sa kanya, "well, the only permanent in this world, is the word change. Kailan ka pa nakalabas?"

Umiwas naman ng tingin si Eldine, "kanina lang, no one waited for me there, so I plan to go here and I saw you."

Hindi alam ni Courtney kung maaawa ba siya o hindi.

"Mabuti naman, sige aalis na ako." At aalis na sana ng muling pigilan ni Eldine.

"Kamusta ka na?"

"Okay lang ako, Eldine." Hinarap nito si Eldine. "Masaya na ako ngayon, may trabaho na ako, sana ikaw rin."

"C-courtney..."

Kinunutan lang siya ni Courtney.

"Mababalik pa ba natin ang dati?" aniya.

"Courtney!" napatingin naman ang dalawa sa lalaking papalapit sa kanila. Nagulat si Deyvid nang makita si Eldine na kasama ni Courtney. Susuntukin sana ni Deyvid si Eldine pero pinigilan ito ni Courtney. "Anong ginagawa mo kay Courtney?" maangas na tanong ni Deyvid.

"W-wala..." usal lamang ni Eldine.

Halos hindi makatingin nang maayos si Eldine at pumapasok agad sa isipin nito na wala na siyang pag-asa na maibalik pa ang dati dahil sa nakikita niya ngayon. Mukhang masaya na ang dalawa. Wala na siyang pag-asa.

Aalis na sana ito ng tawagin siya ni Courtney. Napaharap naman siya.

"Thank you," nilagay ni Courtney sa palad ni Eldine ang isang papel. Umalis na naman ang dalawa at naiwang mag-isa si Eldine. Nang tingnan ni Eldine ang papel na binigay sa kanya ay cheke pala ito na nagkakahalagang 1.5 million. Hindi napigilang maiyak ni Eldine sa nangyari at nagtatakbo na lamang ito umalis mula sa riverside.

Muli namang binalikan ni Courtney ng tingin si Eldine pero wala na ito doon kaya naman pinalitan na lang niya ito ng ngiti. Atleast ngayon, bayad na siya sa utang niya kay Eldine noon. Wala na siyang iintindihan pa.

Deyvid and Courtney were still good friends. Actually, magkasosyo na silang dalawa. While Deyvid holds a coffee shop, Courtney holds a restaurant that's why busy sila masyado. About 10 years ago, kung ano mang namagitan sa kanila. Hindi na nila inintindi 'yon dahil mas mahalaga pa rin sa kanilang dalawa ang friendship.

While Korin finishes her college long ago, mas naging masaya ang graduation niya nang sagutin na rin niya si Jerel na manliligaw niya. And now, they were engaged at pinag-uusapan na lang kung kailan ang kasal. Ako ito, tatanda atang dalaga. And I don't care, atleast mapagtutuunan ko ang mga bagay na mahalaga sa akin.

Hinatid na ni Deyvid sa kalapit na kanto si Courtney, riding on his bike. Hindi pa rin siya nagbabago kahit na may kotse siya. Mas tipid daw at mas enjoy kung tutuusin.

"Thank you, Deyvid."

"What time later?" Courtney asked.

"7pm? Okay! Catch you up later by 7pm!"

And they agreed. Pumasok na rin naman si Courtney sa restaurant niya. Nginitian naman niya ang mga tao na nakakasalubong niya. At isang pamilyar na babae ang nakita niya at si Kristina iyon. Naagaw ang atensyon niya dahil nakita niya na nagpropose ang lalaki kay Kristina. Napangiti na lang si Courtney sa nasaksihan niya at tumuloy siya sa office niya.

So many changes after those years. Hindi niya rin akalain na magiging ganito siya ngayon.

Mayamaya lamang ay naabala si Courtney sa pagbabasa ng libro ng pumasok sa office nito ang isang staff.

"Anong meron?" taka niyang tanong kaya lumabas na siya ng office niya at nakita niya ang isang lalaking badtrip mukha sa kinain niya.

Nilapitan naman iyon ni Courtney. Nang magkatinginan sila. Nawala sa mukha ng lalaki ang pagkainis nito.

"Ano pong problema? So I can help." aniya.

Umiling naman ang lalaki at tumayo, magkaharap na silang dalawa. Sila naman ang naging atraksyon ng bawat tao sa paligid kaya naman nagtaka si Courtney sa inaakto ng lalaki.

"Courtney,"

"How did you know my name?" she asked.

"I like you," he said.

Pero tinawanan na lang niya ang binata, "Sorry to say pero I don't like you." At iniwan ni Courtney na natanga ang lalaking iyon.

Napangisi na lang siya na pumasok sa office niya at napabuntong hininga na lang. at napaisip na lamang siya, When will I let myself not to fall in love?

I guess, I'm still not ready.

--THE END--


Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon