Chapter 8

344 7 0
                                    

Chapter 8

Realization


I want to cry out loud. Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik na lang lahat ng nararamdaman ko noon. The pain inside of me, parang nabuhay na naman muli at ayaw na magtapos. When our eyes met, nakita ko sa mga mata niya na iba na siya. Ibang Eldine ang nakita ko sa mga mata niya. Nakakainis lang dahil mukhang unti-unti pa siyang bumabalik sa buhay ko at pinapamukha sa akin ang mga sakit na binigay niya sa akin.

The one who treated me like a toy. Na binigyan niya lang ng chance dahil sa kagustuhan kong maging kami dahil sa dami ba naman ng babaeng nakakandarapa sa kanya at halos hindi ko ma-explain 'yong pakiramdam ko nang maging kami.

Parang lahat ng imposible naging posible. Kasi alam ko naman na malayong maging kami pero sa isang iglap lang, kaming dalawa na. The way he said I love yous to me, tagos na tagos sa puso ko e. Tapos sa huli pinapaasa niya lang pala ako sa mga salita niya na hanggang salita lang siya, na hindi niya pinatunayan na mahal niya talaga ako dahil hindi niya kaya.

Hindi niya kayang mahalin ang isang taong hindi naman niya mahal.

It's hard for me to accept everything. Inisip ko na noon ang bawiin ang buhay ko dahil masakit. Hindi ko naman kasi alam na gano'n pala ako masasaktan. Todo todo. Kaya kung anong binigay ko, todo todo naman akong sinaktan pabalik. Kaya ngayon, hindi ko kayang harapin si Eldine. Kung paano niya banggitin ang pangalan ko.

Sa dami-dami ba naman ng tao sa mundo, siya at siya pa ang makikita ko.

Ano naman kayang ginagawa niya sa riverside? Hindi ko na kayang magtama pa ang mga landas namin. Masyado ng masakit kung magpapakita pa ako sa kanya. Kung anong sakit 'yong binigay niya sa akin noon, hindi 'yong nagbabago ngayon.

"Court?" Korin as she came in to my room. "Are you okay? Bakit ka bigla bigla na lang tumatakbo?" she asked as she rub my back.

I shook my head, "wala," I wipe my tears.

Napakunot noo naman siya, "I know you're not. Hindi ka magre-react ng ganyan kung hindi okay, diba?" aniya.

I took a deep sighed. "Bumalik siya."

"Sino?" tanong pa niya sa akin at mayamaya lang ay bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Don't tell me Court siya 'yon?"

Dahan dahan ko namang inalis ang kamay niya sa balikat ko habang tumatango sa kanya. "Siya nga 'yon."

"Bakit?!" nagulat naman ako sa reaksyon niya. "Bakit? Ang gwapo daaay!" may tono ng panghihinayang pa ang boses niya.

"Shut up, Korin." Irap ko pa sa kanya. "Hindi pa rin siya nagbabago, I can still see the playful Eldine."

"Hmm," naupo naman siya sa tabi ko. "Alam mo tama lang 'yong ginawa mo kanina Court." I looked at her, "kung hindi ka tumakbo baka nayakap ka na niya at baka kung ano pang gawin niya sayo."

"At naisip mo pa talaga 'yan?" ngisi ko.

"Oo, kitang kita ko ba naman ang reaksyon mo ng magtama ang mga mata niyo. You're eyes are hurt."

"Oo kasi panira siya sa paningin ko." dagdag ko pa.

"Ngayon pa ba bitter?" aniya. "Sabihin nating naka-move on ka na at kung may times man na nagkrus ulit ang landas niyo. Look straight in his eyes at ipadama mo sa kanya na kahit anong mangyari, he can't do anything to you."

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon