Chapter 3

837 13 0
                                    

Chapter 3

Slap


It must be wrong. Yes it must. Hindi tama na makita ko siya ulit, sa haba ng panahon na iniwasan ko ang presensya niya, unti-unti siyang bumabalik sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong sign no'ng panaginip ko noong isang gabi, it must be the sign na magkikita muli kaming dalawa.

I'm not ready to face him. Not now.

Yes, I've moved on pero ayoko 'yong feeling na bigla bigla na lang siyang makikita ng mata ko at ang worst pa ay doon sa pinaglalagakan kong lugar. I thought I can find the peace there but this day.

He's still the same, his smiles, his eyes and all he does. Hindi siya nagbago pero ako nagbago. I've changed what I feel for him. More than a stranger. Kaya dapat hindi ko inaalala na makita ko siya, kaya ko naman iwasan siya. Kayang kaya.

I was watching a movie while on the bed when someone knocked on the door. Is it mom?

"Who's there?" tanong ko pa.

"Korin and I've got a pizza for you!" she said.

Nang marinig ko ang magic word na pizza mula sa kanya ay mabilis akong napabalikwas sa kama at nilapitan ang pinto at pinagbuksan si Korin. Yayakapin pa sana ako ni Korin ng agad kong inagaw mula sa kamay niya ang box of pizza na 'yon.

She pouted like a baby.

"Is it pepperoni or what?"

"Vegetarian." She said. I nodded and started to open the box itself. The she sat on the bed beside me, "oo nga pala, tinawagan ako ni tita kanina..."

"Tapos?" ani ko pa habang kinakain na ang bigay niyang pizza. "You're the best, Korin. You know me when it comes to this, I love you..." I grin.

She giggles, "that's my job, making pizza and that's what I get from it." She smirked.

I looked at her, "so three weeks pizza." Lumaki naman ang mga ngiti ko sa kanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin, "edi mapurga ka naman, hello?" she rolled her eyes unto me.

"Pero ha, dito ka muna three weeks. Samahan mo ako." Ngiti ko pa sa kanya.

"Oo naman," pagsang-ayon nito sa akin. Kumuha na rin naman siya ng isang slice ng pizza at kumain, "oo nga pala, someone is at our gate."

Napatingin naman ako sa kanya at saka tinaasan ng kilay. Kinabahan din ako sa sinabi niya, hindi ko sigurado kung sino man 'yon or baka sinundan niya ako kanina. Sana hindi niya ako nakita. Bigla akong nabalisa, hindi ako komportable.

"Wait, bakit pinagpapawisan ka? Ang lamig lamig dito sa kwarto ko." aniya na naguguluhan sa akin. "kilala mo ba 'yong nasa labas?" pagtatanong nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Korin doesn't even know anything about Eldine dahil itinago ko sa kanila iyon. Alam ko kasi na magagalit ang parents ko kapag nalaman nilang may karelasyon ako pero pinilit kong tinago iyon kaya noong iniwan ako ni Eldine, walang ideya ang mga magulang ko at mga kaibigan ko sa nangyayari sa akin dahil sarili ko lang ang kailangan ko para bumangon muli. Na pawiin ang sakit na namuo sa aking dibdib.

"Courtney?" pag-alog pa ni Korin sa balikat ko.

Napailing naman akong tumingin sa kanya, "ha? Lalaki ba o babae?" paninigurado ko pa.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon