Chapter 5
Deyvid
The place where I found my second home, they will vanish it from me. Hindi ko ma-imagine na 'yong naging routine ko kapag malungkot ako at gusto ko mapag-isa ay ang riverside lang ang naiisip ko na pwede kong puntahan dahil kahit panandalian lang ay naaalis ang mga lungkot at problema ko doon. Kaya nga magaan ang loob ko sa lugar na iyon pero ngayon, they will destroy it to make some new place to their eyes.
I can't handle it.
"Court, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Korin, hindi ko na siya nilingon at inabalang sagutin pa dahil ngayon ang kailangan ko lang ay puntahan ay ang lugar na iyon. "Courtney!" sigaw pa ni Korin sa pangalan ko pero alam kong hindi na niya ako mahahabol, she has school at mas importante 'yon.
Pagkalabas ko ng gate ay may nabundol pa akong tao and looks who's here.
"Wait, Courtney..." habol pa nito sa akin kahit hindi ko pinapansin.
"How did you know my name?" tanong ko pa dito. Tumawid na ako ng kalsada pero nakasunod pa rin siya sa akin. "Could you please stop stalking me." Dugtong ko pa sa kanya.
"Woah! I'm not stalking you." He said. Now this time, hinarap ko na siya.
"Oh, Deyvid." I raised my eyebrows to him. "Ano ba gusto mo?"
He laughed, hindi ko siya ma-gets as in. Bakit niya ba ako sinusundan? Nabalik ko na naman 'yong bike niya na, okay, kinuha ko pero ano pa? Wala akong natatandaan na atraso sa kanya.
"Ah, I just want to say thank you." He smirked.
Hindi maalis 'yong pagkakataas ng kilay ko sa kanya lalo na iyon lang pala 'yong gusto niyang sabihin sa akin. "Okay na? Tapos na?" aniko pa.
"Yep," he smiled and wink at me but I rolled my eyes. "What's in the hurry?" he asked.
"It's none of your business, so please, kung wala ka ng sasabihin, I have to go." Ngisi ko at saka ko siya tinalikuran.
"Wait, sama ako!" rinig kong tugon niya.
Hindi ko na lamang siya pinansin kundi pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggat sa makarating ako sa riverside. Nanlumo ako ng makita kong may mga yerong nakaharang na sa paligid. There were so many construction workers.
"Wait, ano bang ginagawa mo dito sa riverside?" tanong pa sa akin ni Deyvid.
Nilingon ko siya, "Can't you see? They're destroying my freedom!" tugon ko kay Deyvid at iniwasan siya ng tingin. "Umalis ka na, wala ka namang mapapala kasama ako."
"No, I won't leave until you said to me what's happening here."
But I refused to answer him. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggat sa may nakita akong daanan kung saan makikita naman kung anong nangyayari sa loob. Bakit sa dami-dami ng lugar, ang riverside pa ang napili nilang sirain? I don't care kung papagandahin nila 'yon, natural na natural ang lugar na 'yon. Hindi na nila kailangan pagandahin pa, dahil ang mga natural na bagay hindi na dapat hinahanapan pa ng ikakabukod tangi dahil kung alam mo namang sapat na, hindi ka na maghahanap pa ng iba.
Did you get the point? Ang gusto ko lang, umalis sila sa lugar kung saan nagiging masaya ako kapag mag-isa lang ako.
"Hindi ba pwedeng umalis na lang tayo? Can't you see, it's private property at baka kasuhan ka pa ng trespassing." Sabi ni Deyvid na nasa likuran ko lang.
BINABASA MO ANG
Never Fall Again, Never
Roman d'amourLoving him is my favorite thing to do. Falling on his charms makes me love him more but then, it change how it goes. He hurt me. He fooled me by his words. It breaks my heart. He doesn't care at all. He left me just like that. There's no definite...