Chapter 13

281 5 0
                                    

Chapter 13

Surprise


We spend most of our night stargazing. Nakahiga ako sa braso niya, parang kami lang noon. The stars that saw the lies of Eldine, unti unti na niyang pinalitan 'yon dahil ngayon I can see na hindi naman niya talaga ginusto na saktan ako dahil will pala ang dad niya na si Kristina talaga ang pakasalan nito. Then Eldine don't have a choice kundi sundin kahit na hindi naman niya gusto si Kristina, hiniwalayan niya ako for safety na rin daw.

Hinatid niya ako sa bahay. Nagpaalam ako kay Deyvid na mala-late ako ng dating sa coffee shop and tease him about what happened between Eldine and I. Masaya siya for me dahil nahanap ko na daw 'yong forgiveness na matagal ko na dapat binigay.

Actually, 4am na kami nakauwi at hinatid niya ako sa bahay kaya alam na niya kung saan ako nakatira ngayon. He left me with a kiss on my cheek, halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Nginisihan niya lang ako at umalis na siya sa harapan ko.

I know na hindi pwedeng mangyari 'to, na hindi ako pwedeng magpahulog na lang ulit sa damdamin ko dahil nagkaliwanagan na naman kami na tapos na kami pero I can see the small possibility na umaasa pa rin siyang magkakabalikan kaming dalawa. For me, there's no chance of falling in love again. Tumanda man ako ng dalaga, then it'll.

It happened na saktong 7am ako nagising. Two hours lang din ang naging tulog ko dahil 5am na ako nakatulog. Wala eh, may hang-over pa ako sa nangyari kanina and I shouldn't be the one who will interrupt their anniversary today.

Pagkalabas ng kwarto ko ay kinatok ko ang kwarto ni Korin pero walang sumasagot sa akin kaya binuksan ko na ito at nakita kong natutulog pa rin siya. Nilapitan ko naman ito at niyugyog para magising.

"Korin, papasok na ako mayamaya ah," bilin ko sa kanya.

"Sige..." pero agad siyang napabangon sa kinahihigaan niya at nadilat ang mga mata niya, "anong oras ka na nakauwi?" agad niyang tanong sa akin.

"Four?"

"Saan ka ba nanggaling? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin?"

I roll my eyes at pinakalma ko naman siya, "okay, easy ka lang! Kasama ko si Eldine all through the night."

Mas nanlaki ang mata niya and I could get the thought of her, "did you?"

"Ops, nope. Not what you think of," tumayo na ako sa kama niya, "mag-aayos na ako, papasok pa ako. Ikaw wala ka bang pasok or sa pizza shop?"

Inilingan naman niya ako at bumalik sa pagkakahilata sa kama. Kaya naman pala relax relax lang siya dahil wala siyang pasok but I need to prepare kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya. I take bath. Cook breakfast and tada, ready na ako pumunta sa coffee shop at baka makalibre na naman ng coffee kay Dev.

Palabas na sana ako ng pinto ng biglang pumasok 'yong driver namin na may isang malaking maleta.

"Kuya, kanino 'yan? Gamit mo?" taka ko pang tanong sa kanya.

"Ay, hindi po ma'am, nandito na po kas-"

Hindi na naituloy ni kuyang driver ang sasabihin nang may marinig akong pamilyar na boses, "good morning, sweetheart!" at niyakap ako ni mama, kissing my cheeks. At nang harapin naman niya ako ay bigla naman niyang sinuri ang suot suot kong damit. "Saan ka pupunta? You don't have schools right?"

I smiled and nodded, "ahm, may pupuntahan lang po ako." Pagiiba ko pa.

"Uy tita!" napatingin naman ako sa biglang nagsalita. Bumaba na rin pala ang gaga, hindi na ata nakabalik sa tulog niya. Niyakap naman ni Korin si mommy, "bakit po ang aga niyo? Nag-eenjoy pa naman ako mag-stay dito," hagikgik pa ni Korin.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon