Chapter 17

292 6 0
                                    

Chapter 17

Mysterious act


Tahimik na sinundan nina Korin at Jerel ang mga kalalakihan na pumapasok sa pribadong loteng iyon na sa pagkakaalam nila ay pagmamay-ari na ni Courtney pero dahil sa biglang pagkawala nito, tila natigal lahat at hindi umusad ang pagpapatayo sa bahay doon ayon na rin sa kagustuhan ni Courtney kaya niya ito binili.

Mariin nilang pinakinggan ang mga nangyayari sa loob. Walang pag-uusap na nangyayari kundi mga magagaslaw na galaw ang kanilang naririnig. Nang subukan namang silipin ni Korin ang loob nito ay nagulat siya nang masaksihan ng inaayos nila ang loteng iniwan nila ng isang linggo.

"Anong nangyayari?" tanong pa ni Jerel sa kanya.

Hindi naman siya sinagot kundi pinanood niya lang ito. Mukhang wala naman sa loob si Courtney, iyon ang nasa isip niya dahil kung nandoon man ay hindi sila maglalakas loob pumasok ng ganito pa kaagad. Well, 8pm na nang gabi pero kung papasok man sila sa ganitong lugar, dapat 'yong wala nang tao.

They were busted!

Agad na pumasok si Korin sa loob. Nagpanic naman si Jerel dahil sa pabigla-bigla nito kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito sa loob. Napatingin naman sa kanilang dalawa ang limang kalalakihan na noo'y nag-aayos lamang sa paligid.

Napa-atras naman sila ng mapansing wala pa sila sa kalingkingan ng mga muscles nito pero hindi nagpatalo si Korin sa takot kundi umabante pa. Pinipilit siyang hatakin ni Jerel palabas pero hindi talaga siya nagpapahatak. Mas babae pa si Jerel sa sobrang kaba at takot na nadarama niya.

Hindi naman kasi siya prepared! Hinatak na lang siya basta dito!

"Lumabas kayo dito, bawal kayo dito!" utos ng isang lalaki kay Korin.

"Anong bawal?!" bulyaw naman nito. "For your information, binili na nang kaibigan ko ang loteng ito kaya 'wag na 'wag mo akong papaalisin dito." Pagtataray niya pa. "Kaya kayo ang lumabas! Labas!"

"Ang tapang nito ha," sabi ng isa pang lalaki na may balak pang suntukin si Korin pero pinigilan naman siya ng kasama nito at agad na may binulungan. Naningkit ang mga mata ni Korin dahi binabasa niya ang buka ng bibig nito pero hindi niya makuha. Dahil kay Korin, umalis ang mga kalalakihan na may mga dala-dalang kinuha mula sa loob.

"Iba ka, Korin." Manghang-mangha tugon sa kanya.

"Baliw ka kasi eh," irap pa nito. "Pa'no mo ko papakasalan kung diyan pa lang naduduwag ka na?" napangisi naman si Jerel sa sinabi niya at doon niya lang di na-realize ang sinabi niya. Feeling niya nag-init tuloy bigla ang mukha niya.

Kaya inakbayan siya ni Jerel at sinimulan nilang suriin ang lugar. Doon lang din nila napagtanto kaya desidido si Courtney na makuha ulit ang riverside ay naturang maganda pala ang lugar. Sa hindi malamang dahilan, napaupo na lamang siya habang ang mga paa ay nasa tubigan.

Tumabi naman sa kanya si Jerel. She placed her head sa balikat ni Jerel. Umiiyak na naman si Korin. Naalala na naman niya ang kaibigan niya. Ang saya saya siguro ni Courtney kapag nandito siya sa lugar na 'to, na kahit hindi niya kami kasama nakangiti lang siya all the time. She wants Courtney to be beside her. Pinapagaan naman ni Jerel ang pakiramdam ni Korin dahil sa patuloy nitong paghikbi.

Inabot sila ng isang oras sa pag-iikot sa buong riverside. Napansin nila ang unti unting pagtatayo ng bahay na ginagawa. Inalis na rin nila ang bench kung saan madalas nakaupo si Courtney. At ang Bermuda grass sa buong paligid at puro lupa na at ang ibang bahagi naman ay nakasemento na.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon