Chapter 19

305 5 0
                                    

Chapter 19

Escape


"C-Courtney!" nagulat si Kristina nang makita si Courtney na wala nang malay. Hindi naman niya kasi kilala kung sino ang sinipa niya kaya wala siyang pakelam pero halos hindi siya makapaniwala na makikita mismo dito sa loob ng silid na ito si Courtney. Pinilit na gisingin ni Kristina si Courtney pero mukhang pagod na pagod na ito kaya pinalipas na lang muna niya ang gabi kasama si Courtney sa madilim na silid sa bodega ng mga Faciano.

Kinaumagahan, naunang nagising si Courtney kaysa kay Kristina. Medyo masakit lang ang balikat na ito na nasipa ni Kristina pero sanay na naman siya. Kung noon nga, nakaya niyang lagpasan ang mga masasakit na dumaan sa kanya, ito pa kaya?

"Psst, Kristina!" tawag niya dito.

Nagising din naman si Kristina sa tawag nito at dahan dahan na minulat ang mata. Una kaagad na bumungad sa kanya ay si Courtney na nakahilata sa sahig na nakatali ang mga kamay at paa. Napadilat siya ng mata nang makita niya ito, napatayo at pilit na binubuksan ang metal door pero wala namang pumapansin sa kanya.

"'Wag ka nang magsisigaw diyan, walang tutulong sayo." Paos na sabi sa kanya ni Courtney.

"Hindi! Pagbubuksan ako ni Eldine!" pahayag pa ni Kristina.

Pero tiningnan lang siya ni Courtney. Ilang saglit lang din ay natahimik na si Kristina at naupo na lamang. "Ibigsabihin totoo 'yong nangyari kagabi?" tanong pa nito.

"Totoo, bakit ka ba nandito?" tanong ni Courtney na may halong asar pa sa tono ng pananalita. Dahil kahit ngayon, asar na asar pa rin siya sa ugali ng babaeng ito.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Kristina, "ikaw? Bakit ka nandito?!" balik pa na tanong ni Kristina sa kanya.

Courtney rolled her eyes, "bago kita sagutin, please help me to cut this off."

"How? Walang gunting or knife dito!" maarte pa nitong sagot kay Courtney.

"Edi tanggalin mo ang pagkakabuhol, please?" she said.

Wala namang nagawa si Kristina kundi lumapit kay Courtney at tanggalin ang tali sa paa at kamay nito. Maarte pa siya dahil baka masugatan pa ang kamay but in the end, nakatulong din naman ang kaartehan niya at maayos nang nakakaupo si Courtney. Hinimas ni Courtney ang kamay na bumakat na ang tali.

"Salamat," ngiti pa nito.

"So tell me, akala namin nawawala ka pero bakit ka nandito?" tanong pa sa kanya ni Kristina.

Courtney sigh, "hindi pa ba obvious? Sino ba nagdala sayo dito? Si Eldine diba? Kinulong niya ako dito."

"For what?! Bakit niya ginagawa 'to?"

"Because it was his plan,"

"Anong plan?" tanong pa ni Kristina.

"Mukhang wala ka atang alam pero don't worry iku-kwento ko sayo," at pinakinggan naman ni Kristina si Courtney. Noong una ay ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng sinabi nito pero ayon, mangiyak ngiyak din dahil sa nangyari at sinapit niya sa soon to be husband niya. Kinuwento rin ni Kristina kay Courtney ang paghahanap ng pamilya niya sa kanya at doon naman nalungkot si Courtney dahil gustong gusto na niya makita ang pamilya pero mukhang no chance na makakalabas siya ng lugar na 'to.

"Kristina, tanong ko nga sayo, bakit ka niya kinulong dito?" tanong ko sa kanya.

She shrugged instead, "hindi ko alam."

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon