Chapter 14

272 6 0
                                    

Chapter 14

Attention Seeker


I woke up early so anyone couldn't see me. Nauna rin ako sa coffee shop at sarado pa ito ng pagdating ko kaya naupo ako sa gilid ng kalsada, sa gather. Still, feeling ko ubos na ubos ang energy ko dahil sa nangyari kahapon. Ewan ko ba, masyado lang ata akong affected sa nakita ko kaya ako ganito. What to expect ba sa dalawang couple diba? Syempre, doon talaga tutungo ang relasyon nila.

I still love you, Courtney. Those words of him, kagabi pa umaalingawngaw sa tenga ko ang boses niya lalo na no'ng kumanta siya sa harapan ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko sa kanya, ayoko na naman sumugal at makipagbalikan dahil ayoko ng gulo. Kaya nga okay na sa akin ang friends kami dahil kahit doon nagkakausap kami ng maayos.

Napabuntong hininga naman ako at pumasok na naman sa isip ko ang pagluhod ni Eldine sa harap ni Kristina. Kristina's face were priceless, alam kong gustong gusto niya mangyari 'yon dahil masasabi na niyang pagmamay-ari na niya si Eldine. And that place, nakakatawa lang dahil doon pa talaga nila ginawa ang kalokohang iyon.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung bibilhin ko pa ang riverside dahil binahiran na nila iyon ng masasakit na memories. That place should be for fun, peace and happiness pero unti unti nilang sinisira kung ano 'yong mga nakabaon kong memories doon.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang pag-ring ni Deyvid sa kanyang bike. Nginitian naman ako.

"Morning," aniya at kinadena ang bike sa gilid. "Bakit ka nandiyan?" he asked.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at pinagpagan ang pwetan ko. Nginitian ko naman siya, kahit pilit binigay ko na.

"May sakit ka ba?" nilapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko maging sa leeg ko.

Hinawi ko naman ang kamay niya, "wala akong sakit. Pasok na tayo sa loob." I smiled.

"Sure ka ha?" aniya. Hindi ko naman siya sinagot kundi pinanood ko na lang siyang buksan ang pinto ng coffee shop. "Ah, Cour-" hindi na niya napagpatuloy ang pagsasalita dahil nakapasok na ako sa dishwashing area.

Glad, malinis pa naman. Kinuha ko naman ang basahan at nagsimulang magpunas punas sa mga imaginary na dumi. Punas dito, punas doon.

"Courtney," pumasok si Deyvid sa pinto, as usual nilingon ko naman siya. "doon ka muna sa counter, walang shift na papasok ngayon eh." Aniya.

Tumango naman ako at lumabas ng pinto. Pumwesto naman ako sa counter, wala pa namang tao. Hindi pa naman kasi open hours, naglilinis ang ibang kadarating na empleyado. Napansin ko naman sa gilid ng counter ang donation na tinutukoy ni Deyvid. Kinuha ko naman iyon, Donate for a happiness. I thought to myself. I get to smile because of what it said, may picture din ng riverside ang lata na siguro alam nila kung para saan iyon ginagawa.

"5th can na pala 'yan," binalik ko naman ang lata at bumaling kay Deyvid.

Tumango na lang ako for a response.

"Hindi ka ba masaya?" tanong pa niya sa akin.

I shook my head, "masaya dahil kahit sa ganitong paraan it helps a lot. Hindi ko rin alam na 5th can na pala ito."

"Yeah, actually no'ng isang araw pa 'yan nandiyan and I thought you noticed it pero hindi pala, then yesterday naka puno ng three cans, pang lima na 'yan kasi 'yong unang nilagay ko diyan, napuno rin." Pagpaliwanag.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon