Chapter 15

301 5 0
                                    

Chapter 15

Titulo


A week after, mas naging madali ang lahat para sa akin. Kusang lumayo ang loob ko kay Eldine kaya hindi ko na siya masyadong inintindi. And the worst is nalaman pa ni mommy na nagta-trabaho para bilhin ang riverside, syempre sino pa bang madaldal na magsasabi kay mom kundi si Korin lang. She told everything she knows. Nagalit pa nga sa akin si mommy dahil inaabuso ko naman daw ang sarili ko sa isang bagay na mahirap nang ibalik pero sinabihan ko si mom na tiwala lang at sinuportahan na lang naman niya ako.

Ngayon na ang pagkikita namin ni Eldine para ibigay niya sa akin 'yong cheque ng million. Napagkasunduan na talaga namin 'yon. Noong nakaraan nga lang, hinintay niya ako para isama ulit ako sa hidden place niya pero humindi ako. Naintindihan naman niya ako kaya hindi na niya ako kinulit. I told him na si Kristina na lang ang isama niya pero mas lalo naman siyang hindi sumang-ayon dahil kahit kailan hinding-hindi niya dadalhin si Kristina doon then we end up our conversation.

Hindi ko na in-open 'yong topic between their soon to be marriage, dahil hahaba na naman kung maguusap kaming dalawa.

After ko pumunta sa meeting place namin, kailangan ko munang tapusin ang duty ko. I need to finished the two weeks din dito sa coffee shop dahil alam kong naging abala din ako sa kanila. Nasa office ako ni Deyvid at nasa wooden desk niya ang limang lata na naglalaman ng mga donation.

"How can I bring all of that? Ang bigat." I grunt.

"No," Dev said. "Bibilangin muna natin lahat 'to, so I'll make it as a checks, pero for what pa kung bibigyan ka naman ni Eldine ng one and a half million?" he asked.

"Bakit may balak kang angkinin 'yan?" ngisi ko pa sa kanya. "Don't worry, kahit half lang ng nakuha natin dito ang akin donation then sayo na dahil naabala pa 'yong coffee shop for that thing."

He shrugged, "sabi mo eh,"

Sinimulan naman naming bilangin ang mga barya at papel na pera na hinulog dito. Sa isang lata ay nagkakahalaga na ng 15k. Malaki kaagad ang nakuha namin dahil puro 1k ang nakukuha namin tapos mga barya na. All in all, makalipas ang isang oras ay nakakuha kami ng 85 thousand plus.

"So 85 thousand lahat, divide into two..." aniya at kinuha ang phone at sinimulan magdivide. "42 thousand something pero I'll make it 50k na para hindi ka pa rin lugi," aniya.

Kinuha naman niya ang check list niya at nilagay niya ang pangalang Faciano Family for to determine na doon mapupunta ang pera at isaksak nila sa baga nila 'yon dahil sa gawin ulit nila iyon sa akin, ewan ko na lang.

Pagkatapos ng duty ko ay mabilis naman ako nag-ayos. Ewan ko kung bakit nag-ayos pa ako para sa kanya. Syempre, kailangan ko ring ihanda ang sarili ko after I ignore him. Ilang saglit na lakaran lang naman ay nakarating na ako sa lugar kung saan kami magkikita. The place where he left me, with broken heart.

Naupo naman ako sa bench doon. Tahimik. Walang tao. This place is peaceful as it seem pero hindi ko gusto dito dahil masyado nang common kapag may occasion and etc. Pero sa riverside, kahit na may mga tao sa paligid. You can see people their smiles, simula kasing pamugaran ng mga Faciano ang riverside ay marami pa rin umaaasa na bumalik ito sa dati and now, I've got the chance to bring back what was lost.

A minute later, naramdaman kong may basang dumampi sa balat ko. Tumingala naman ako at umaambon na pero I hope hindi ito lumakas. Nag-stay naman ako sa kinauupan ko. The place is boring. Walang kakaiba. Natural na natural lang ang lahat. May mga taong napapadaan at aalis din kaagad. Medyo may kalayuan 'to sa riverside, medyo malaki 'to kaysa sa riverside pero usually people go out at tumambay sa riverside.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon