Chapter 4

724 14 1
                                    

Chapter 4

Private property


"Ingat po kayo tito, tita sa trip! Enjoy!" ngiti pa ni Korin sa parents ko.

"We will, Korin." Ngiti naman ni mom sa kanya. Lumapit naman ako kay mom at dad. I hugged them tight. "Take care of yourself, Courtney." Ani mama at hinaplos naman nito ang buhok ko.

Sunod naman na niyakap ako ni dad and kiss me on my forehead, "don't let anyone enter our house, okay?" I nodded. "Except Korin," we laughed.

"Safe trip, goodbye." I smiled and waved.

"Goodbye!" they waved and leave the house and closed the door.

For about three weeks, ako lang at si Korin ang kasama ko dito sa bahay. I don't have any businesses to do right now kaya ang bored bored ng buhay ko ngayon. Ayoko naman mag-trabaho muna kasi nakakapagod. Ang gulo ko, right? Ayoko ma-bored pero ayoko gumawa ng bagay na mapapagod lang ako.

Because I'd suffered so much. Kaya ngayon, binabawi ko na ang mga araw na dapat masaya ako at hindi umiiyak sa isang walang kwentang tao.

"Are you okay, Court?" I looked at Korin and smiled to her.

"I'm surely miss them."

"I know you will pero three weeks lang naman sila, duh, kasama mo naman ako dito." She smirked. "So anong gagawin natin today? Do you have any plans right now?" aniya.

I raised my eyebrow then shook my head, "wala, ikaw?"

"Mall?" she suggests.

I shrugged, "pwede rin."

"Go!" aniya. "Go, dali, magbihis ka na, magma-mall tayo!" tinulak-tulak pa niya ako.

Dali-dali naman akong pumunta ng kwarto ko para magbihis. Tho, hindi rin naman kasi ako mahilig pumunta ng malls kaya pwede na rin doon. I've played my hours on the riverside, kahit gabihin ako doon okay lang sa akin, with a good book to read and a coffee. Kulang na nga lang ay magtayo ako doon ng tree house para kapag nandoon ako, may masisilungan na ako.

Dumiretsyo naman ako ng sala pagkatapos kong magbihis. Maong white shorts at simpleng t-shirt lang ang suot ko. Hindi naman ako maarte pagdating sa fashion, I have taste pero kapag hindi naman importante ang pupuntahan. I wear comfy clothes na attractive naman sa mata ng ibang tao.

"Ready?" and Korin's here. She wears red skirt and a black top. Pretty girl isn't it?

"You're more like a rockstar?" ngisi ko pa sa kanya.

"Well," she giggles. "Tara na."

Lumabas na rin naman kami ng bahay at naghintay naman kami ng taxi sa labas. Wala 'yong kotse dahil hinatid ng driver sina mama at papa kaya mag-commute na lang kami. Hindi din naman kasi malayo ang mall dito, pwede ngang walking distance lang eh pero dahil maarte ang mga paa ko, I don't like. Sumasakit-sakit pa nga eh, pero I can walk. Hindi na naman gaya ng kahapon na super sakit.

We headed to the mall for just a minute. Niyaya kaagad ako ni Korin na magshopping dahil sale daw ang ibang stores syempre nakigaya na rin ako sa kanya. After namin magtingin-tingin ng dress and anything na maisusuot ay nadaanan namin ang isang accessories stores. Hindi ako totally mahilig maglagay ng kung ano-ano sa katawan ko, even necklaces dahil nakikiliti ang leeg ko kapag naglalagay ako, at bracelets iritable lang talaga ako minsan pero dahil may isang bagay na kuminang sa aking mga mata.

Never Fall Again, NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon