Diana Rose O'Brien's POV
Mabilis akong napatayo ganun din naman ang mga kasama ko rito sa table matapos na biglang mamatay ang ilaw sa pangalawang pagkakataon.
"Gandang welcome nito."
"Woooh, lupet. Adventure!" Samu't saring komento nila Stewart sa table namin.
"Was this one of your plans?" Napalingon ako kay Wencie dahil katabi ko lamang siya pero hindi ko alam kung sino ang kausap nito.
Sobrang dilim.
"Wen--"
Hindi ko na natapos ang pagtawag kay Wencie dahil bigla na lang may sumabog mula sa stage. Napayuko kaming lahat at parang medyo nabingi ako sa nangyari.
"Move! Let's see at the outside!" Narinig kong sigaw ni Talline nang maka-get over sa nangyaring pagsabog. Walang sali-salita ay nagsipagtakbuhan na kami dala-dala ang kanya-kanyang ammunition.
"Miss!" Narinig kong tawag ni Scott kaya huminto ako at lumingon.
"Go ahead, help the others! I can protect myself!"
"Okay, roger!" Umalis na ito at tumakbo pabalik kaynila Maricris.
What the heck is happening?!
Madilim ang buong paligid at iba't ibang tilian ang maririnig na mas nakadadagdag nang inis sa akin. Alam na ngang madilim, titili pa!?
Mga pabebe.
Wala mang plano at magkahiwa-hiwalay man kami ng daan, isa lang ang sigurado kami....
'Ang makalabas dapat nang buhay at kumpleto.'
"This way...." sinusundan ko lang si Harris habang tumatakbo kami pareho, sabihin ko mang kaya ko ang sarili ay hindi pa rin ako hahayaan nito na mag-isa sa mga ganitong kalagayan.
Nagpatuloy ang paglabas namin habang binabaril ang mga taong gusto kaming patayin. Para silang hindi nauubos sa dami. Pamaya-maya pa ay may kakaunti nang mga ilaw sa aming dinaraanan kaya lumiwanag na nang bahagya ang hallway, nakasalubong ko si Toffer kasama ang ibang members ng Seuss.
"Anong nangyari sa'yo? Nasaan si Maricris?" Tanong ko habang tinitingnan ang dugo sa kanyang braso, nabaril ito.
Napangiwi siya bago sumagot sa aking tanong tila matagal nang iniinda ang sakit.
"Okay na siya papalabas na sila nila Talline. Sumunod na kayo roon." Tumango ako at tumakbo na ulit.
Analyn Custer's POV
Shiz.
Ang dilim, baka mamaya may multo rito. Napalingon ako sa gilid kahit hindi ko makita kung anong nanduon basta may narinig akong sumabog.
"Maria."
"Wuhhoo. Maria?" Alulululu, saan naman sumuot ang paslit na 'yon?
Hay... solo flight pala ko ngayon eh. Tatakbo na sana ako nang biglang may humawak sa aking braso.
Literal akong napatili nang maramdaman ang isang kamay sa aking braso. Walang anu-ano ay naitulak ko 'yon sa pagkabigla at takot. Matagal akong tumulala matapos mawala yung kamay.
Ano ba 'yon?
Para makasigurado ay lumapit ako nang bahagya at kinuha ang phone ko para gawing pantanglaw. Dapat kasi ay huwag kang gagamit nang ilaw kapag mga ganitong panahon, agaw atensyon kasi, lalo na kung ang plano talaga ay patayin ka.
Pero dahil sa babae yung multo itinapat ko sa kanya. Hindi ko naman muling napigilang mapatili nang makitang sunog ang kalahating mukha nung babae.
Pero teka--- ?? Yung Gf ni Zcirem 'to!
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
ActionKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...