CHAPTER 44: The Unos

77 13 1
                                    

Tallulah Primiera's POV

"May paparating."  Tallyne warned us so I was also forced to stop stabbing her back when she suddenly stood up and covered her body behind a Narra tree. She signed silence while waiting the enemies to leave.

Another minute has passed and I already heard foot steps and voices nearby. When she assured that there was no one else left, she showed up a thumbs up to us.

"Akala ko mahahalata nila tayo. Are you okay?"

I just looked down. Hindi ako sana'y na tinatanong at kinakamusta ng ibang tao. I'm happy alone and independent. Matagal na akong nabubuhay na mag-isa at sumusunod lang sa mga utos.

I don't have friends nor family at bilang lieutenant ng DQM ay sapat na para sabihing may rason ang buhay ko.

I believe my existence doesn't really matter to anyone.

"Medyo mataray ka rin no? Pero salamat pa rin at tinulungan mo kami." She followed up.

"It's not my intention to help, I told you tha---"

She just smirked, an intimidating one to be exact.
"I know, dahil kung balak mo talaga kaming tulungan hindi mo babalaking patayin ako, hindi ba?"
Alam niya?
"So, can you please f*cking put down your knife? Or else, I'll shoot you then double kill you using that knife."

I just let out a deep sigh, and rolled my eyes.

Nahuli na niya ang plano ko.
Magaling.
Iwinagayway ko ang patalim at hinagis sa lupa habang nakatutok ang baril niya sa akin.






Maricris Grainer's POV

Patuloy kami sa pagtakbo ni Eloi habang tinatahak ang pabalik sa bahay. Sana naman ay wala nang Cavalier doon nang makabalik din kami agad kaynila Talline para magamot si Tallulah dahil malala ang natamo nitong sugat.

We owe our lives from her, so this is just a pay back kahit mataray siya.

+ REBELLION'S UNO -
FELICIA HALIFAX +

"Sh*t. Patay na si Felicia... for real?" Nakangiwing tanong ni Eloi habang sumusulyap sa akin.

+ ALL THE GROUPS ARE INSIDE THE FOREST +

"S-siguro, sabi eh." Kinakabahan kong tugon dahil narinig ko rin ito mula sa lieutenant na nagsalita.

"Sinong kayang nakapatay?"

Umiling lang siy at hindi nagsalita. I wonder kung sino, Vhilantro? Cavalier? Seuss? O baka sila Maria?

Nang makalabas kami sa gubat ay tahimik ang lugar pero nakakarinig pa rin ako ng putok medyo malayo sa pwesto namin.

Mula sa loob ng forest.

Samantalang, ang mga bahay naman ng ibang grupo ay sira at mga basag ang salamin.

"Buti na langl nasa loob na ng forest ang lahat, hindi na tayo mahihirapang kunin yung medical kit." Saad ni Eloi habang tumatakbo pa rin kami papunta sa bahay.

Naririnig ko ang paghampas nang malakas na alon papunta sa seashore, habang madilim ang langit. May bagyo ba? Ilang araw na 'yang ganyan.

"Dito ka na lang Maricris, bantayan mo ko rito. Ako nalang kukuha."

"Sigurado ka?"

"Oo, mas delikado kung pareho tayong nasa loob mahihirapan tayong makatakas kung magkasama tayo ron." Tumango na lang ako pero bago umalis si Eloi ay lumapit ito saka may ibinigay sa akin.

"Smokebomb," paliwanag niya. "Gamitin mo incase na may mangyari."

"Okay, okay."

Umalis na si Eloi habang ako naman ay sumandal sa isang puno malapit sa dagat. Madali dito ngayon dahil walang kalaban pero sa oras na may lumabas sa gubat ay dehado dahil open area ang paligid at mahirap magtago.





Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon