CHAPTER 48: Letting Go

93 11 2
                                    

Maricris Grainer's POV

Pagkababang-baba ko ng gamit mula sa kotse ay sinalubong agad ako ni Glen nang isang mainit na yakap. Tila kanina pa ito naghihintay sa labas ng aking bahay, pagod at stress ang nakaguhit sa kanyang pigura.

"Cris...." He whispered hanggang sa ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin niya ako binibitawan. "I have missed you so much."

"I can't breathe." Bulong ko rin na halatang ikinagulat niya kaya mabilis na umalis sa pagkakayakap.

"S-sorry. Pasensya na talaga. Nag-alala lang talaga ako."

Despite na pagod ako, emotionally and physically ay ipinakita kong bakas sa aking itsura ang kasiyahan na makita siyang muli.

"Shhh, I'm home. Stop worrying."

"Akina, ako na magbubuhat niyan." Kinuha niya sa akin ang isang de-hitak na bag at yung handy bag ko saka kami sabay pumasok sa bahay.
"May dala nga rin pala akong pagkain, alam kong wala ka nang lakas pang magluto kaya nag-take out na lang ako."

"Talaga? What's that?"

Nagugutom kong hinalungkat yung plastic na ibinaba niya sa babasaging lamesa sa aking sala. Pagkabukas ko pa lang nang lalagyan nitong kahon ay kumalat na sa loob ng bahay ang amoy ng in-order ni Glen na pagkain.

"Wow!!"

"I don't prefer fast food, hindi ka naman kasi masyadong mabubusog dun."

"Thanks!" Ngiti ko sa kanya saka nagsimulang kumain.

Gutom na gutom na ako kaya sakto itong dala niya.

"At, pinili ko yung thigh part dahil alam kong yun lang yung fav part mo sa chicken."

"Salamat talaga Glen. Ang sarap nito." Ani ko habang ngumunguya.
"Sorry ah. Maarte lang talaga ko sa pagkain."

Natawa ito habang pinapanuod akong kumain.
"Okay lang." Umupo siya sa katapat kong upuan at siyang binuksan ang drinks.
"Kumain ka lang. By the way, kamusta? May balita na ba ron sa kaibigan ninyo o any progress sa status ninyong buong Pinky?"

Sandali akong huminto sa pagkain at tiningnan ang kutsara kong may iilang kanin sa ibabaw. Actually, nung isa pang araw ako nakauwi galing sa Palawan pero doon muna ako nakitulog kila Claud pagkauwi ko.

Birthday kasi ni tita kaya dumiretso ako sa kanila.

Kahit pagod ay pinilit kong hindi sa kanila ipakita. Samantalang after naman nung party ay hindi pa rin nila ako pinauwi, gusto raw nila kasi mag-movie marathon tulad ng ginagawa namin dati.

"Cris?"

"Uhmm...."
Pagod ako.
Pagod na pagod.
"I want to take a break. Gusto ko munang kalimutan yung mga nangyari. Obviously, hindi ko kayang balewalain ang mga 'yon but I am trying to divert my attention right now."

Inabot sa akin ni Glen ang isang pineapple juice saka ako tiningnan. "If that's what you want.."

"Nga pala, wala kang gig? Wala kasi yung kapatid mo."

"Ahh." Napakamot siya ng ulo at nahihiyang natawa. "Ayun nga, dahil sa biglaan mong text na pauwi ka na ay naiwan ko na yung gitara ko sa pagmamadali."

Ang sinasabi ko kasing kapatid niya ay yung gitara ni Glen. Well, he was born singer which is very contradicting with my voice 'coz you know. I'm just songer.

Halos kadikit niya na sa buhay niya ang mga instruments sa pagtutog, kaya niloloko ko itong kapatid na niya.

"Kahit naman hindi ka magmadali ay magkikita pa rin tayo."

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon