CHAPTER 34: Fraud

78 17 4
                                    

CaUx Benneth Parker's POV

"Kita na lang tayo sa base 4!"

Kumaway ako kay Mediocre bago nagsalita. "Sige, pre. See you there." Tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo papunta sa hagdan naghiwalay kasi kami ng daan. Doon siya sa kabila samantalang dito naman ako sa---

"Oy!--ajksahvsgt----" sigaw ko sa galagitnaan ng aking paglalakad papunta sa ikaapat na palapag. Biglang kasing may humitak sa akin at tinakpan ang aking bibig.
"Asdfghjkl--" pinilit kong pumalag pero f*ck sh*t natakpan na niya ang aking ilong ng panyo and everything went black.






HeldKaiser Schermerhorn's POV

"Nasa base 3 na sila."

Nagpatuloy ako sa paglalaro ng COC sa phone at walang kahit anong reaksyong ipinakita.

"Last base, then it's over."

Tiningnan ko si Tuttie habang nakasandal ito sa pader at nakatingin sa salaming bintana na halos kasinglaki na niya. Nagbuga ito ng usok pagkatapos humihit sa hawak niyang cigar.

"Hindi ka ba nag-aalala sa anak mo?" Inayos ni Astara ang soot na rounded eye glasses, nagmukha tuloy siyang inosente sa kanyang outfit. Tss.
"Nandito siya, hindi ba?"

Umiling na lang ako at ibinalik ang tingin sa phone habang nakadekwatrong sumandal sa couch.

"Yes."

Biglang tumunog ang phone ni Asta at tumayo na ito para mag-excuse kay Tuttie. Ilang minuto lang ang lumipas ay muli siyang humarap sa amin at nagsalita.

"I need to go. Papunta na sila sa 4th base, kita na lang tayo 'don. Mahirap na baka makahinala pa silang wala ako sa buong mission."

"Okay, see you then."
Tumango si Astara kay Tuttie bilang pamamaalam samantalang humarap naman siya sa akin at tinawag ang pangalan ko.

"Kai, still a loser?"

"Tsss. Knock it off, Asta." Ani ko na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Bumuntong hininga ito at tumalikod na. "Kaiser, pwe!"

Nakakainis na Astara 'to. Pinindot ko ang home sa screen at saka ibinulsa ang phone.

Nagsimula akong mag-unat at tumayo. Binantaan ko na si Wencie, sana may ginawa man lang siya kahit papaano.

That Rude Girl.






Analyn Custer's POV

"Sa kabila ako, dito na lang kayo ni Ana."

"Huh? Bakit lilipat ka pa?"

Huminto sa pag-aayos ng tali si Toffer at lumingon sa amin. "Kailangan. Dun kami magkikita ni Mediocre."

Tumango na lang si Maricris at hinayaan nang lumabas ng bintana si Toffer. Nakakapit ito sa bakal at saka inihagis ang tali paitaas. Muli pa siyang kumaway saka hinawakan na nang mahigpit ang tali para makaakyat.

"Pasaan na tayo?" Tanong ko kay Maricris pero hindi man lang ito lumingon, nakatitig lang siya kung saan naglaho si Toffer. Hindi na rin ako nagsalita at hinayaan nalang siya.

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon