CHAPTER 47: Theraphy

103 13 2
                                    

Analyn Custer's POV

"Smile ka na." Hinila ni Arel ang magkabila kong pisngi para mag-form ito ng ngiti sa aking pisngi.

"Ahsgstywu---"

"Ano? Hindi kita maintindihan." Tatawa-tawa niyang ani habang nakikita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit ng pisngi.
"Bibitawan ko lang ito kapag okay ka na." Ngumuso na lang ako habang halos tumulo na ang luha sa aking pisngi.

Nagulat ako nang bigla na lang siya bumitaw at pinunasan ng magkabila niya hinlalaki ang mga luha ko.
"Ayokong nakikitang umiiyak ka, Analyn."

Imbis sumagot ay napabuntong-hininga na lang ako.

Ilang araw nang malabo ang pagkakaibigan namin.

Wala na akong contact kay Wencie o maski hindi ko na rin alam kung nasaan siya.

Sa kabilang banda ay nagdadalamhati pa rin kami sa pagkawala ni Stewart. Bakas pa rin sa akin ang hang over ng Royal Battle.

Sa tingin niya ba hindi ako maiiyak sa mga nangyari?

"Ilang araw ka nang nagmumukmok dito sa bahay ninyo. Kapag ito nalaman ni Daddy, hindi rin iyon matutuwa, kaya tara alis tayo. Dali!"

"Daddy?" Kunot noo kong tanong.

"Oo. Si daddy, magiging anak niya rin naman ako kaya okay lang." Sabi niy habang baba at tataas ulit ang kanyang makakapal na kilay habang nakangisi.
"Hindi ba, wifey?"

Hinampas ko sa kanya nang pakunwari ang hawak kong kuwadradong unan saka tumayo habang namumula na ata ang mukha. Mabilis akong tumalikod para hindi niya ito mapansin.

"Where are you going? I'm just kidding Wifey."

"Tse. Magbibihis, aalis tayo hindi ba?" Nilingon ko siya saka binelatan kaya natawa na naman ito.
"Feeling mo ba clown ako kaya ka tawa nang tawa?" I asked, a bit irritated.

"Uhm, hindi naman."

"Eh, bakit kanina ka pa tumatawa?"

"Eh, ganun talaga. Happiness kita eh."
Nanlaki ang aking mga mata at umakyat na nang tuloy-tuloy sa hagdan papunta sa kwarto. Ako lang ba 'to o mas sweet ngayon si Arel kaysa dati?

Well, siguro sa tagal naming hindi nagkita at nagkasama ay marahil ganun nga. But I prefer this one, the sweeter.














"Saan tayo pupunta?"

"Hmm. Sa mall? Kakain, mamasyal at papasayahin kita."
Ngumiwi ako kahit hindi niya makikita dahil sa labas ako ng kotse nakatingin.
"I know its hard for you para tanggapin ang mga nangyari. Pero come to think of it. Tapos na, all you can do is accept. Accept and accept."

"But it's hard," iling ko.
"I can't accept these, gusto kong tumulong, search for solutions."

Prumeno ang kotse nang naging berde ang ilaw. "Kaya na nila 'yon. If you will stress out yourself as much as they are doing. Pare- pareho kayong mahihirapan."

Lumingon ako sa kanya. "Kaibigan ko sila. Their problems are mine too."

Sumulyap siya ng sandali at pinaandar na ulit ang sasakyan. "At girlfriend kita, sa tingin mo ba ay okay sa akin ang nakikita kang ganyan?"

"I- I understand."
Napayuko ako. Alam kong concern siya pero kasi...

"I think you should leave already the gangsters thingy."

Ano?

"Quit and live with me ordinarily, Analyn."








"Which movie?"

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon