CHAPTER 12: What is it?

148 27 2
                                    

Maricris Grainer's POV

3 weeks na ang nakalilipas simula nang matapos ang sinasabi ni Elizabeth na 'palabas' para sa kanya.

How sweet, hindi ba?

Sa sobrang sweet gusto ko nalang itusok sa kanyang mata ang 4 inches heels ko from Celine.

Nakakainis dahil sa kanya nasa hospital si Toffer for 5 days, muntik na palang maubusan ng dugo ang loko dahil malalim din ang naging sugat nito sa braso. At the same time, naging busy ako sa school dahil kaka-take lang ng mga estudyante ng test para sa first grading.

Sumandal ako sa swivel chair at nag-unat, hay.. 1:26 am na pala, hindi ko na napansin dahil siguro sa kaka-encode ng grades. Napatingin akong muli sa apple kong laptop dahil may nag-popped up na message.

(Pinky Gangsters Messenger)

Maria: oooooh, oh yeah. I'm done reading hunger games. Tomorrow I'll do my mission, goodnight.

--

Mabilis akong nagtype bago pa siya matulog.

-----

Maricris: gising ka pa? Me too. I'm not yet done with my mission.

-----

Ilang minuto din ang lumipas bago ito nagreply, akala ko nga hindi na eh.

-----

Maria: Sorry, I just did something. Yep. Why you're not yet done?

Maricris: Tss. It's hard to admit, but I missed it for the first time.

-----

Napatampal ako sa aking noo nang maalala ang kahihiyan na 'yon, for sure if Queens will find out, that one of the snipers of DQM missed in shooting, they will kill me.

------

Maria: Really? Eh. Malakas.

Maricris: Maybe? Or I'm not in the mood that time.

Maria: Oh, well.. best of luck! O sige matutulog na ako. I'll start na rin tomorrow ang mission ko.

Maricris: Okay, goodnight.

Maria: :*

-----

Pinatay ko na ang laptop at humiga sa kama. Tapos ko na ang grades, ang problema ko na lang ay si Bryant Hayes.

Shems, nagkaka-wrinkles na ako at baka magka-eyebags na rin kakaisip.

Shocks! I need to sleep.




















Kinabukasan, maaga akong gumising para makapag-research about kay Bryant. Wala akong pasok for 1 week, rest week din para sa mga students sa school na tinuturuan ko kaya naman habang ako ay nakahiga ay naniningkit ang aking mga mata habang seryosong binabasa ang information kong nakuha about kay Bryant.

Bryant Hayes, isang mayaman na 25 years old na Engineer sa Pilipinas.

"Yun lang!?" Naisatinig ko sa gulat. Wala bang kahit ano? Kung ano talaga siya? Bakit niya nailagan ang pagbaril ko? Bakit ang bata-bata niya pa ay pinapapatay na ng Queens?

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon