Analyn Custer's POV
"Konichiwa!"
"Alien talk ka nanaman."
Isinara ko ang pinto ng kotse saka pinaikot-ikot ang susi sa aking daliri.
"Hoy! Hindi ah, katatapos ko lang manuod ng anime na ibinigay ni Wencie. Hang over lang 'to." Ngiting-ngiti kong tanggi kay Maria.Inabutan ko 'tong nakaupo pa sa driver seat habang nakapatong ang baba niya sa nakabukas na window ng kotse nito. Silang dalawa pa lang ang nandito ni Wencie, himala ang aga nito!
"Oi Wencie, para saan ang meeting?" Excited kong tanong, ngayon lang ulit kasi kami nag-meeting ng ganito.
At sa tingin ko ay seryoso talaga dahil ngumiti lang si Wencie at hindi ako sinagot.
Nu bayan! Mga ayaw akong kausapin ng matino."Wiwowiwowiwo." Napalingon kami kay Eloi na parang baliw na dumadating. Nakababa ang bubong ng kotse nito at naka-hat pa ng pam-beach.
"Tara, beach tayo."
"Huuu. Masaya ka nanaman. Kamusta ang pagna-nanny ni Aeone?"
"Oo nga, mukha kang healthy and strong." Asar namin kay Eloi pero nagtaas lang ito ng kilay at kunwaring hindi kami narinig.
"Tagal naman ni Maricris! Kausap ko lang kagabi 'yon kinikilig."
"Oi, totoo nga bang break na si Maricris at Toffer?" Tanong ni Diana na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.
"Oo. Break na may bago na nga eh."
"Oh? Totoo ba?"
"Oo nga, ka-text mate niya ngayon. Ano nga bang pangalan nun? Ge-ge Gwen ata." Nakangusong ani ni Eloisa.
"Hoy, ano nanaman 'yang kinukwento mo!"
Nabaling ang tingin ko kay Maricris at Tallyne na kararating lang. Kaka-park lang ata nila at sabay na nagpunta rito.
"May Gwen ka raw!" Sumbong ni Diana.
Hinampas ni Maricris si Eloisa na pababa na rin sa kotse niya samantalang siya ay tumatawa galing diaphragm. "Baliw, Glen 'yon!"
"Ay, Glen pala."
Nagtatawanan lang sila habang inililibot ko ang aking tingin sa paligid. Nandito kami sa labas ng Yellow Cab na nakapwesto malapit sa NLEX, may malawak na parking lot ang labas nito.
Hindi ko nga alam kung bakit dito eh. Gaano ba ka-urgent ang meeting na 'to.
"Berat! Ano bang sinabi ko, hindi ba 'yun naman!"
"Linawin mo kasi!"
"Ahaha."
"Woi." Nahinto ako sa pagtingin sa paligid nang magsalita si Wencie pero mukhang hindi napansin nila dahil tawa nang tawa ang mga ito .
"Eloi!"
"Hoy! May sasabihin si Wencie!"
"Oh? Ano."
"Makinig ka kasi!"
"O sige sige, game game."
Tumayo si Wencie mula sa pagkakaupo sa bato sa gilid at inayos ang boses.
"Ikaw Eloi, Diana, at Tal. Are you all traitors?"Napasinghap ako sa narinig. Napatawa naman sila Eloi at sumimangot sila Tallyne.
"Para kang baliw. Ano bang traydor."
"Oo, pauso ka nanaman Wencie."
Napakibit na lang ng balikat si Wencie at sinagot sila.
"Want a proof? Then I will give it to you. Logan Cobain target Diana O'Brien."
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
ActionKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...