CHAPTER 58: Caliginous End

82 7 0
                                    

CHAPTER 58: Caliginous End

PG

Maria's POV

"Dito ka sa second floor, sa first floor ako."

"Teka." Pigil ko kay Diana. "Bakit hindi nalang pareho tayo?"

"Hindi pwede Maria, delikado sa baba, dito ka nalang muna. Lahat ng lalagpas o makakatakas sa amin sa baba ikaw na ang bahala sa kanila."

"Ingat ka Diana."

Ngumiti ito sa akin saka tinapik ang aking balikat. "Ikaw man."

Sinundan ko nang tingin si Diana ng pumasok ito sa elevator at mabilis na sumara ang pinto. Ako naman ay naglakad na para libutin ang second floor.

Tiningnan ko ang soot kong relo.
00:27:32

Wala nang kalahating oras ang meron kami. Which is a good thing, konting oras nalang at pag nagawa naming protektahan ng tuluyan ang Diadem, our Freedom is all ours.

Pagkaliko ko ay nakasalubong ko ang tatlong lalaki na nakasuot ng kulay puti at itim na damit. Bakit parang puro SAM ang nakikita ko? Don't tell me, sila lang talaga ang kalaban namin?

Nang huminto ako ay ilang metro ang layo ko sa kanila pero mabilis ko pa rin nakuha ang attention nila. Nagtinginan sila sa isa't isa at nang tumango ang isa ay siyang sumugod na sa akin.

May dala dala siyang kutsilyo na hindi ko alam kung anong tawag pero pamilyar sa akin dahil nakita ko ito kanina sa loob ng weapons room.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumosisyon bilang defense. Bawat lapit nya ay siyang pagurong ko. Patuloy siya sa pagatake samantalang sinasangga ko ang kamay nitong may hawak na patalim.

Nang makahanap ako ng tyempo ay buong lakas kong hinawakan ang kanyang braso saka umikot. Bali nasa likod na siya at hawak ko ang braso niyang may patalim. Siniko ko ang kanyang sikmura dahilan para mapaubo ito.

Sunod naman ay siyang hinampas ko ang kanyang braso pero matigas ito at hindi natinag. Muli akong umikot at ngayon ay nasa gilid na niya ako.
Haharap pa lamang ito ay naunahan ko na siyang mahampas nang aking kamay sa kanyang leeg.

Mabilis itong nawalan ng malay at bumagsak sa sahig. Wala pang isang minuto ay naramdaman ko na din ang pagbadyang atake nung isang pang lalake, kasabay ng pagturn ko para harapin siya ay siya ding hagis ko ng dagger.

Napahinto ito sa pagtakbo at napahiga sa sahig habang hawak hawak ang parte na tinamaan ko ng dagger.

"Gotcha" celebrate ko.

Akala ko ay susugod din yung isang lalaki pero humugot lang ito ng baril at itinutok sa akin. "We won't let you to win." Bulong nya na sapat lang para marinig ko habang ito ay nakagrin.

"And so we are, so best of luck to the both of us." Ngiti ko din at kinuha ang limang united cutlery sa aking binti.
"Let's see your strength."

Mas lumawak ang malahalimaw nitong ngiti at nagready na para iputok ang baril. Handa na ring akong pakawalan ang mga patalim pero isang malakas na pagsabog ang narinig ko.

Kasabay nito ay ang pagturumpit ko palayo, tumama ang aking likod sa pader at halos mahilo sa naging pagsabog.

Sa lakas ng impact ng pagsabog na sa tingin ko ay halos katabi ko lang yung bomba kanina ay napakundap kundap nito ang ilaw sa second floor sa sobrang intense.

Napaupo din ako sa sahig habang sapo sapo ang ulo.
"Geez." nabulong ko ng maramdaman ang dugo sa aking sintido.
Malabo ang aking paningin at ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan. Nagpatuloy sa pagkundap kundap ang ilaw dahilan para paminsan minsang dumilim ang buong paligid.

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon