Wencie Smith's POV
I shut the door closed behind me, at dahan-dahang naglakad papaakyat sa hagdanan. Ngayon lang ulit ako umuwi rito sa mansyon para kumuha lamang ng mga gamit.
Ramdam ko kasi ang paisa-isang pag-ubos ng DQM sa iba't ibang mafia groups and gangsters these past few days, kaya dapat handa kami sa bawat oras.
"Where have you been?"
Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pinakakinatatakutan kong boses, kasunod nito ay naramdaman ko rin ang mga papalapit niyang mga yapak papunta sa akin.
"Don't worry, aalis din ako agad." Diretso kong sagot sa kabila ng kaba na bumabalot sa akin.
"Still dreaming, honey?" I rolled my hand into a shape of ball, eto nanaman siya sa pagsasalita sa akin nang masasama at pangunguna sa mga desisyon ko.
"No, Mom."
She laughed evilly, "How many times do I have to tell you that you must stop that dream of yours?"
"Not until the day that you will accept what I really want."
I bit my lower lip when a disapproved and disappointed look flashed automatically on her face.
"Honey, honey, honey, you are really kidding me.""I will go ahead."
Nasaad ko na lamang dahil hindi ko na kaya ang mga sinasabi ng sarili kong ina. I'm so jinx, because of her.
"Babalik ka rin kung saan ka nanggaling. Nailed it, baby." Napapikit ako nang mariin habang isinasara ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko maisip na may magulang ako pero parang hindi niya ako itinuturing na tunay na anak.
Kristalline William's POV
"Oh, sh*t! Ya, look like sh*t!" I shouted to the girl standing right before me.
"S-sorry miss, pero 'yun po talaga ang sabi sa amin. Bawal ang magpapasok ng hindi naman invited."
Inirapan ko yung taga-assist dito sa venue dahil obvious namang alam ko.
"I told you I have the invitation, but I just left it at my house.""Miss, huwag na po kayong manggulo di---"
Pinandilatan ko siya ng mga mata saka itinaas ang kanang kamay sa harap nito na parang sinasabing 'shut up'.
"Excuse me!?" Mukha naman siyang natakot kaya napayuko muli ito nang sigawan ko siya.
"H-hey, what is happening here?" Lumapit sa amin ang isang naka-black tuxedo na lalaki nang mapansin na may kaunting pagkakagulo sa bahaging ito ng entrance.
Well? Hindi pa ba halata na kung nasaan ako ay laging may gulo?
Nang wala nang sumagot ay muli itong nagtanong.
"Anong nangyayari rito?" He asked directly to the assistant."S-sorry Sir, nagpupumilit po kasi siyang pumasok pero wala naman po siya sa guests' list natin."
Nilingon ako nung lalaki nang nakasibangot pero bigla rin namang ngumiti nang mapagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
Kaya tinaasan ko ito ng kilay.
Checking me out, huh?
"I'm sorry ma'am pero 'yun po ang pinakamahigpit na utos sa amin."
I flipped my hair and then gaped at the girl beside him.
"Paki-check ulit ang name ko.""Po? Pero ma'am wala po talaga di----"
"I demanded you to search it!"
Pareho silang nanigas sa kinatatayuan nang sigawan ko ang mga ito. Nang maka-get over ay yung lalaki na ang nagsalita para magtanong.
"Ano po bang pangalan ninyo ma'am?"
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
AksiKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...