CHAPTER 46: The Queens' Daughters

80 11 2
                                    

Harris Young's POV

"What the hell are you doing, Harris?"
Hinawakan ni Mommy ang aking kamay na balak na sanang ibato ang mamahaling vase na kasama sa disenyo ng kwarto ko.
"Stop messing around! What the heck is your problem, kiddo?"

Inagaw niya sa akin ang vase at naglakad papunta sa mesa na pinagpapatungan nito kanina. She puts it there carefully.

"Tell me, Harris, what happened?"

Nagulo ko na lang ang aking buhok at pabagsak na naupo sa aking kama.

"I need to leave." Ani ko nang biglang maalala ang dahilan ng galit ko at saka napagpasyahan nang tumayo.

"Where to?"

Kinuha ko ang susi na nakasabit sa gilid ng frame at saka siya nilingon. Madaling araw na pero halatang hindi natutulog si mommy bago niya ako pinuntahan dito nang malaman niyang nagwawala nanaman ako.

"Kay ate."

Marahas niyang hinawakan ang aking kamay upang mapigilan akong makaalis. "Anong kalokohan 'yan? Bakit ka pupunta sa kanya?"

"She needs me, pati si Scott."
Kumunot ang noo nito pinapahalatang wala siyang balak na paniwalaan ako.

"Remember? She doesn't need you anymore since that night." Paliwanag nito.
"Hindi ka aalis."

"Kaibigan ko yung namatay Mom. Ilang araw na akong nakakulong dito! Hindi ako hayop na pwede mo na lang itali nang ganito."

Napaiwas ako ng tingin nang bigla na lang tumalim ang kanyang mga tingin. That death glare with a combination of Queen's look. Even I, his child, can't take it.

"Baka nagkakalimutan na tayo Harris, nandito tayo para sakupin ang DQM at patayin sila, parang...." Binitawan niya ang aking kamay pababa saka ngumiti nang nakakaloko, "Bumabait ka na?"

"Of course not!"

"Then stop this f*cking plan of yours!" Sigaw niya sa akin.
"Kung may binabalak kang iba, you better stop it. Unti-unti nang nasisira ang DQM, and believe me. Ilang araw na lang magsisimula na ang Blitzkrieg."

"Blitzkrieg?"

"I didn't tell you this because I want to suprise you, isipin mo na lang that I gave you a hint." Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kwarto ko.

"Mom..."

"Yes, Harris?"

Iniangat ko ang aking tingin at sa kanya agad ibinaling.

"I still won't forgive her."

Ngumiti siya sa akin na parang naka-perfect score ang anak sa exam, na imbis maproud ako ay binigyan ako ng kilabot.
"Good then, because I really trust you."






HeldKaiser Schermerhorn's POV

"Kai..."
Ngumiti ako sa kanya nang tinawag nito ang aking pangalan. The way she calls my name is the most beautiful music for me.
"Dumating ka."

"Yes, my princess."

Ngumiti siya sa akin pero napaawang na lang ang aking bibig nang biglang may mga luhang sunod-sunod na pumatak sa kanyang mga mata.

"Sshhhh.... what's wrong?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha nito.

"H-hindi ko alam, bigla ko na lang ginustong bumalik sa dati."

Napahinto ako at ngumiti kahit hindi niya pa kita. "Sigurado ka? Pwede naman nating ipaopera ang mga mata mo kahit hindi ka bumalik sa pagiging mafiaso."

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon