CHAPTER 31: Alert

97 19 1
                                    

Kristalline William's POV

"Hanggang ngayon hindi pa rin kilala kung sino ang namumuno sa-- sa S-SAM." Halos putol-putol na paliwanag ko sa harap nila Queen Divine.

Narinig ko naman mula sa aking likod ang mahina at magpalarong pagtawa ni Gab.

"Ginagamitan nila ng code name yung master nila."

"Tama, if I'm not mistaken, they call it Tuttie. "

"Tss, so cheap." Irap na komento ni Grethel habang nakasandal sa pader.

"So paano natin malalaman kung sino ang dapat tapusin?"

Naramdaman ko na naman ang kamay ni Gab sa aking bewang na habang tumatagal ay hinihitak ako nito papalapit sa kanya.

Bale kasi nakatukod ang aking dalawang siko sa railing.

Ang itsura kasi nitong Room 9- 'The Peter Hofer Sidelock' ay parang isang arena na hindi ganun kalakihan pero ganun ang itsura.

Elevated ng mga 5 steps itong tinutungtungan namin mula sa baba. Pabilog ang railings kaya focus ang tingin namin sa gitna.

Isang bilog na platform na may upuan sa gitna 'yon. Ang itsura nung upuan ay yung parang sa mga hari at reyna, which was para naman talaga sa Queen. Doon nakaupo si Queen Divine habang nakikinig sa mga suhestyon namin.

"Ikaw sh*tty William baka may alam ka? Bukod sa wala talaga."

Naalis ang atensyon ko sa kamay ni Gab na kanina pa hinahaplos ang aking bewang nang marinig ko nanaman ang boses ng nakaiiritang si George habang tumatawa pa na halos mag-echo rito sa loob ng kwarto.

"Ang patayin ka. Masaya ka na?" Asar kong tanong.

"Really? Pareho pala tayo, patayin na rin kaya kita para masaya ka na rin."

"Enough." Suway ni Divine sa amin. "Be focused sa lahat ng members ng SAM, skills and their abilities. Don't underestimate them."

"How about you Gab?" Tanong sa kanya ni Divine.

Hindi na ako nakaangal nang bigla nalang tumabi si Gab na nasa likod ko lang kanina. He's too close kaya kung may nakatayo nga lang sa gawi namin ay makikita nila ang braso ni Gab na nakapulupot sa aking bewang.

Buti nalang at kalat-kalat ang mga tao at yung baba lang ang maliwanag.

"Queen Divine, according to my research, there's a lot of changes for these past few years in Satan's Army Mafia. Naging abala ang---"

Patuloy sa pagsasalita about sa mission namin si Gab sa aking gilid. Lahat ng atensyon ay nasa kanya, bawat salita niya ay talagang pinapakinggan. Maliban sa akin, like duh!

Iilang inches lang ang layo niya titingnan ko pa ba siya?

Tsaka....

"Gab..." bulong ko nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nanginginig na sa kilig. He intertwined it. I can feel how warm his palm is.

"All we need to do ay alamin kung sino ang mga kalaban. Nakuha ko na ang blueprint ng hideout nila, I already gave it sa mga ----"

He just snob me, hindi ko na siya marinig.

D*mmit.

Gab!

Sa lakas ng tibok ng puso ko, 'yun na lang ang naririnig ko ngayon kasabay pa ng init ng balat niya.

Kung ordinaryong si Gab lang siya, for sure nakatayo ito sa isang sulok at walang pakeelam sa aming lahat. May sarili siyang mundo, tahimik at nagmamasid lang pero good thing siya ngayon si Gab na kilala ko.

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon